-Chapter 1-

26 4 3
                                    

"Ang ganda naman niya"

"May dyosang naligaw"

"Pota ang ganda, natitibo ako!"

"Punyeta! wag mong tignan baka matuluyan ka!"

"Bitch."

"Attention seeker"

"di naman maganda hmp!"

"Mukhang lampa."

Napairap nalang ako sa mga naririnig ko. Punyawa naman ang laki ng school na'to! Nasan ba ang Principal Office? Makapag tanong nga.

"Ahm Excuse me?" Pagtawag ko ng atensyon sa babaeng nakasalubong ko. Paglingon nito sa'kin ay bigla nalang itong napanganga. Okay? This girl looks like a nerd, but she's still pretty.

"Nasan ang Principal Office?" Deretsong tanong ko. Pero mukhang hindi niya narinig dahil nakatitig parin ito sa'kin.

"Helloo?" Kumaway kaway pako sa harap nito. Punyawa nagmamadali ako beh.

"A-ah ano po 'yon? Pasensya na po ang ganda nyo kasi." Nahihiyang sabi nito habang kumakamot sa ulo.

Makati beh? Arat kamutin ko.

Nginitian ko lang siya bago mag tanong."Nasan ang Principal Office?"

"Ihahatid ko nalang po kayo."

"Okay."

Patuloy lang kaming naglalakad hanggang sa huminto kami sa harap ng pinto na may nakalagay na 'PRINCIPAL OFFICE'

"Dito napo." Lumingon ako dito at nagpasalamat.

Kumatok muna ako bago pumasok. Naabutan ko ang isang lalaking nakasalamin na mukhang pamilyar sa'kin. Lumingon ito sa'kin na nanlalaki ang mata.

"What the fvck are you doing here?!"

____________________

"Damn. Why are you here? Delikado dito. Shit! Anong trip nila ba't dito ka pinapasok?! Fvck!" Para akong timang dito na nakangiti habang pinagmamasdan siya na bumubulong bulong habang hinahanap ang section ko.

"Para kang baliw kuya HAHAHA." Sinamaan naman ako nito ng tingin kaya nanahimik ako. Siya si Kuya Vin, pinsan ko. Hindi ko alam kung bakit siya nandito, pero mukhang s'ya ang maghahandle ngayon ng DA

"What?! Bakit dito ka napunta?!"

"Bakit kuya?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Nakatingin parin siya sa papel na para bang sinisigurado kung tama ba ang kanyang nabasa. Hinablot ko ito, at binasa.

"Arshiana Lyn, Section Demon? May ganong section?" Nagtatakang tanong ko.

"Yeah, at sa kamalas malasan dun ka." Nag-aalalang saad niya.

Sino ba naman kasing 'di mag aalala diba? Section Demon beh! Punyeta mga Demonyo ang mga nandoon, Panong napunta ang Anghel na katulad ko sa Section na 'yon *pout*

"Kuyaaaa! Hindi nababagay ang kyut na ako 'don!" Nakangusong reklamo ko.

"Ano ba kasing ginawa mo at pinatapon ka nila dito?" Sabi niya habang nakataas ang kilay. Sanaol kilay is layp, Ahitin ko yan eh!

"Eh kasi..."

*Flashback*

Papunta na'ko sa room namin ng maalala ko ang libro na aaralin namin ngayon, kaya pumunta ako sa Locker room. Malapit na'ko ng may marinig akong ingay.

"Bitawan mo'ko! Ano ba!"

"Manahimik ka!"

Watdapak is dat? Binilisan ko ang paglalakad at naabutan ang isang unggoy na mukhang gutom na. Naubusan ba 'to ng saging at babae ang pinuntirya ngayon? Dapak men.

"Hoy unggoy! Punyeta ka tao yan hindi saging!" Sigaw ko kaya sa'kin napunta ang atensyon nito.

Buti pa siya sa'kin nakatuon, eh yung taong gusto mo nasa iba ang atensyon. Awts peyn.

"Manahimik ka Arshia kung ayaw mo madamay!" Tangna nito lakas ng loob sigawan ang Diyosang ako.

"Wag kang sumigaw yung laway mo tumatalsik!" sa inis ko sinugod ko na ito at sinapak, kaya ayon, tulog.

"Ang weak mong panget ka!" sigaw ko dito. Dumeretso ako sa babae at tinulungan ito.

"Oh? okay ka lang?" tanong ko. Inirapan naman ako nito na ikinabigla ko.

"Atitud ka beh? Ikaw na nga tinulungan mang-iirap ka pa, dukutin ko yang mata mo eh." Gigil mo'ko.

"Sinabi ko bang tulungan mo'ko?" Mataray na sagot nito.

"Ay puta!" sa gigil ko nasampal ko tuloy.

"Aray! Ba't mo'ko sinampal!" Ikaw kasi e.

_______________________________

"Ms. Lyn ano na naman ba 'to! Ba't mo sinapak si Mr. Katacutan?!" sigaw ni Principal.

"Ay hala Ma'am! Katacutan apilyedo niya?" taka naman akong tinignan ni Principal

"Oo baket?"

"Bagay na bagay Ma'am! Nakakatakot yung pagmumukha eh!" Tawa naman ako ng tawa ng biglang hampisin ni Principal yung mesa kaya tumahimik ako. Ang sama ng tingin sa'kin nito, kulang nalang sugurin ako pfft.

"Sorry Ms. Lyn pero hindi na namin kayang ihandle ka pa, ilang beses ka ng nasasangkot sa gulo, ang ibang estudyante ay natatakot na sa'yo." Don't tell me----

"You're Expelled Ms. Lyn." Paktay kang bata ka 'kay Kuya!!

Nandito na'ko ngayon sa Kwarto ko, inaantay nalang si kuy---

"PRINCESS!!!" paktay.

"Hehe hi Brother!" Nakangiti ako dito habang siya naman ay nakapamewang sakin at masama ang tingin.

"Ano na naman bang ginawa mo ha?!" sigaw nito kaya napatayo ako ng maayos.

"Hindi po ba sinabi ng Principal?" inosenteng tanong ko.

"HERA!"

"Joke lang kuya!" Bwiset ka self, mag behave ka.

"I don't have a choice but to send you to DA" Seryoso nitong sabi.

"Anong DA kuya?" tanong ko. Sinamaan naman ako ng tingin nito kaya, napanguso ako. Eh sa hindi ko naman talaga alam eh.

"Delincuente Academy. Kung saan nag aaral ang mga katulad mo." Seryosong saad nito.

Napangisi naman ako. Katulad ko daw eh nag iisa lang naman akong Dyosa, si kuya talaga. Napailing nalang ako.

Queen of Demons Where stories live. Discover now