-Chapter 2-

11 4 0
                                    

Matapos kung mag kwento 'kay kuya Vin ay ipinaliwanag niya ang mga rules at ranking dito sa DA.

DA is not an ordinary school, Sa pangalan palang halata na. Karamihan sa mga estudyante dito ay mga Gangster, bullies, o habulin sa gulo pero may mga normal parin namang mga estudyante na nakapasok dito because of scholarship.

"Dark Phantom Gang?" binabasa ko ngayon ang mga ranking dito sa DA na sinend ni kuya Vin sa'kin. Dark Phantom Gang ang nangunguna, base sa nabasa ko sila rin ang Rank 1 dito sa Pilipinas.

Tumayo ako at dumeretso sa kusina upang kumuha ng maiinom. Muntik ko ng makalimutan, ang DA pala ay isang Dormitory School so it's mean nakakulong ako dito ngayon sa Paaralang ito punyeta. Sinadya 'to ni kuya na dito ako para mabawasan ang problema niya---like watdapak men! What kind of brother he is?!

Inis akong bumalik sa Kwarto ko para mag handa sa pag tulog. Bukas ang simula ng pasok ko, kaya kailangan ko ng matulog ng maaga.

______________________

Nakaharap ako ngayon sa salamin at tinititigan ang sarili ko. Hindi sa nag-iinarte pero Pucha! Ang iksi ng palda beh! Inis kung inalis ang tingin sa salamin at dinampot na ang bag ko.

"Siya yung Transferee diba?"

"Bagay na bagay yung uniform sa kanya."

"Sanaol Diyosa!"

"POTA ANG GANDA TALAGA NATITIBO AKO!"

"Manahimik ka! Wag ka sabing tumingin at baka matuluyan na!"

Ilan lang yan sa mga naririnig kong bulungan habang naglalakad ako. Naglagay na'ko ng earphone at tinudo ang lakas dahil parami nang parami na ang mga nagbubulungan. Punyawa ang layo naman kasi ng Building na pinaglalagyan ng section ko!

Tinitigan ko ng maayos ang Building na nasa harapan ko bago nagpatuloy. Hindi ko alam pero ang bilis ng tibok ng puso ko pucha! Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Bumungad sa'kin ang Isang Lalaki na pamilyar na naman sa'kin.

"Tsk! Hindi ko alam na ikaw ang bago kong estudyante Hera."

"Hindi ko rin po inaasahan na mukha n'yo ang bubungad sa'kin Sir. Rico" Nakangiwing saad ko.

"Pumasok ka na ngang bata ka" saad nito kaya tuluyan nakong pumasok, At sa pagpasok ko ay siya 'ring pagtigil ng mundo ko-choss! Pero puta. Ginala ko ang aking paningin at wala akong makitang ibang babae! Base sa Mukha nila mukhang hindi rin nila inaasahang babae ang bago nilang kaklase.

"Hala ba't babae?!" 'coz I don't have a dick.

"Sir! Bawal s'ya dito!" luh! kayo lang pwede?

"Hoy! Bawal ka dito kaya umalis kana." Ba't hindi ikaw ang umalis?

Patuloy lang sila sa pagrereklamo at naiirita na ako kaya hindi kona napigilang sumigaw.

"Mga punyeta kayo! Hindi ko rin ginusto mapunta sa pugad ng mga demonyo kaya manahimik kayo!" Gigil na sigaw ko na ikinagulat naman nila kaya natahimik sila. Shit ang ganda ko talaga.

"Kalma lang Hera" Mahinang saway ni Sir habang tumatawa kaya sinamaan ko siya ng tingin. Binalik ko ang tingin ko sa mga demonyo, at sinamaan sila ng tingin. Ang iba ay nagsiiwas ang iba naman ay sinamaan rin ako ng tingin kaya tinaasan ko sila ng kilay.

Habang ginagala ko ang aking paningin sa kanilang lahat ay dumapo ito sa isang taong hindi ko inaasahang nandidito. Gulat itong nakatingin sa'kin, kaya tinitigan ko ito ng husto kaya nag iwas siya ng tingin. Sa tabi nito ay may isang lalaki na walang emosyong nakatingin sa'kin. Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman sa kanya kaya inalis ko nalang sa kanya ang tingin ko.

"Magpakilala kana muna" sabi ni sir.

"Kahit 'wag na dahil wala naman kaming pake!" sigaw ng isa.

"Wala 'din akong pake sa inyo, kaya manahimik ka!" sigaw ko rin at bumusangot. Anong akala niya s'ya lang marunong sumigaw? Hah!

"Arshiana Lyn, 18." Walang emosyon kong Pagpapakilala.

"Umupo kana." sabi ni sir.

Ginala ko ang tingin, at sa gitna nalang ang may mga bakanteng upuan kaya dun nalang ako pumwesto. Nagsimula nang magturo si Sir kaya nakinig naman kami.

Bored na bored na'ko, yung baby ko rin sa Tiyan nagwawala na, sana mag bel---

*Kriiiiinnnggg!

Yey! Mabilis akong tumayo at inunahan si Sir na lumabas.

Naglalakad na'ko papuntang Cafeteria, at saktong pagpasok ko nagsimula na naman silang magbulungan. Tsk, parang mga bubuyog.

Matapos kong makuha ang order ko ay masayang akong naghahanap ng map-pwestuhan, habang nag lalakad ay rinig kung may nagsisitilian ngunit hindi ko nalang ito pinagtuunan ng pansin at nagpatuloy na. Saktong may nakita akong bakante kaya nagsimula nakong maglakad patungo dun ng biglang may malakas na sumanggi sa'kin na naging dahilan ng paghulog ng mga pagkain ko.

Natahimik ang kaninang maingay na Cafeteria, at ako? Eto nakatingin sa mga pagkain kong nasa sa sahig na. Naiiyak ako habang nakatingin dito, sayang yung pagkain!

"Oops sorry bitch!" dahan dahan kong nilingon ang dahilan ng pagkawala ng pagkain ko. Bumungad sa maganda kong mukha ang isang palaka. May kasama itong dalawang alipores na mukhang dadalo sa party ng bata dahil mukha silang mga clown!

Gusto ko silang sapakin kaso baka malagot ako 'kay kuya kaya walang emosyon ko nalang silang tinignan bago lagpasan ngunit hinawakan niya ako sa braso na siya namang tinanggal ko.

Aarron's POV

Nandito pa kami sa room dahil pag uusapan 'daw namin ang bagong naming kaklase. Ako nga pala si Aarron Cohen ang pinakagwapo sa Section Demon *wink*

"King anong gagawin natin?"

"Kailangan natin siyang mapaalis dito."

"Oo nga. Mapapahamak lang siya, mukha pa namang mahina."

Sunod sunod na sabi ng iba, habang si King naman ay tahimik lang. Sa totoo lang gusto ko ang bago naming klasmate, Mukha kasing palaban, kahit 'di naman pinaglaban mwehehe.

"Huwag nyo siyang gagalawin." Seryosong saad ni Zaren kaya napatingin kami sa kanya. Bihira lang siyang magseryoso kaya pagganyan kabahan kana.

"Bakit?" tanong ni Justin kaya tinignan siya nito ng masama.

"Basta!" nakangusong sagot n'ya kaya napailing naman kaming lahat.

"Hindi naman ata siya dito ilalagay kung 'di siya nababagay dito diba?"

"Oo nga! Mukha din namang hindi siya mahina, sagot sagutin ba naman tayo!" natatawang saad ko na sinang-ayunan din ng iba.

"Tsk." Ayan nalang ang nasabi ni King bago naunang lumabas kaya nagsisunod kami.

Pagkapasok palang sa Cafeteria ay nasimula ng magsitilian ang mga kababaihan, at sanay naman na kami dun. Nagpatuloy lang kami ng biglang natahimik ang Cafeteria kaya taka kaming napahinto.

Nakita namin na nakatayo sa gitna ang klasmate naming babae, nakatingin ito sa pagkain na nasa lapag.

"Oops sorry bitch!" Sabi ni Stacey, ang Bitch slash Clown ng Campus with her Friends. Nakaabang lang ang lahat sa kanila-syempre kasama na kami dun hehe.

"Lagot!"

"Mukhang mapapaaway pa siya ah."

"Let's see kung may laban siya 'kay Stacey."

Dahan dahang lumingon si Shia 'kay Stacey. Tinignan niya lang ito ng walang mababakas na emosyon bago lagpasan ng hawakan ni Stacey ang kanyang braso na agad naman niyang tinanggal.

"What the fvck is your problem?" Anak ka ng nanay mo! Ang lamig ng boses niya!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Queen of Demons Where stories live. Discover now