Maaga akong nagising dahil excited akong pumasok ngayon, maaga din akong naligo dahil mamaya susunduin na ako isha para pumunta ng school. Habang naliligo, iniisip ko pa rin yung nangyari kahapon, hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapaniwala.

"Pwede ba akong sumabay sa inyo mag-lunch?" Tanong sa'kin ni Dave. "A-ahm oo naman." Naka-ngiti at utal-utal na sabi ko nang biglang sumingit si Isha. "Ah.. Yesh." Tawag sakin ni Isha. "Hmm?" Sagot ko dito. "Mauna na pala ako may emergency lang sa bahay, ahm.. Dave, ikaw na muna bahala sa kaibigan ko ha! Enjoy kayo sa lunch nyo!" Sabay yakap at beso sa'kin ni Isha tsaka siya umalis, habang ako natulala saglit dahil parang alam ko na kung bakit umalis si Isha.

"Yesha, tara na, saan mo gustong kumain?" Tanong ni Dave sakin kaya nabalik ako sa katinuan. "Ah.. kahit saan nalang siguro, tara na." Sabi ko naman. "Doon nalang kaya sa kinainan niyo na restaurant?" Natigil ako bigla dahil doon ko siya nakabangga eh! Pero, Bahala na. "Ah, sige. Tara na, gutom na din kase ako eh." Dinahilan ko nalang para maiwas sa topic, nakakahiya pa rin talaga. Gosh!

Sumakay na kami sa kotse ni Dave at pumunta sa restaurant na iyon para kumain. After 15 minutes, we safely arrived, we didn't waste any further time. Agad-agad na kaming pumasok and we started ordering our meals to cashier. "Yesha, ito na yung pagkain mo, kumain kana." Sabi ni Dave sa akin. "Thankyou! ahm oo nga pala, Dave sorry talaga sa nangyari kahapon ah, I swear hindi ko talaga sinasadyang matapon sa'yo yung coffee!" Nahihiya at malungkot na sabi ko.

"Yesha, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na okay lang yun, hindi mo naman sinasadya 'di ba? Tsaka, alam ko naman na aksidente lang yun." Napabuntong hininga nalang siya sabay ngiti sa'kin. "Tara na, kain na muna tayo para naman mai-hatid na din kita sa inyo."

Tara na kain na muna tayo para naman mai-hatid kita sa inyo

Pag-ulit ko sa isip ko. Teka, na-nanaginip ba'ko? Ako? Ihahatid niya sa'min? Hala! But we literally just met? How can he assume that he'll take me home? What if I don't want him to? Ah, who am I kidding, of course I'll agree, siya naman mag-hahatid eh.

"Pst! Yesha! Kain na kako para mahatid na kita." Nagulat ako nung nagsalita si Dave kanina pa pala ako tulala dahil dun sa sinabi niya kanina. "A-ah sorry, alright let's go and eat now" Ngumiti ako tsaka nagsimulang kumain.

Madami pa kaming napag-usapan ni Dave, and tingin ko, medyo close na kami ngayon. Sana araw-araw nalang ganto, Hays! Pagtapos naming kumain hinatid nga ako ni Dave sa Bahay namin. Hanggang sa sasakyan nag ku-kuwentuhan pa din kami, hindi nawawala yung ngiti sa mga labi niya at ganun din ako.

Nang makarating sa Bahay nag-pasalamat na ako kay Dave sa pag-hatid sakin tapos sabi niya, see you tomorrow daw. Na-excite nanaman tuloy akong pumasok.

Tapos na akong maligo kaya bumaba na ako para kumain at mag-ayos kagaya ng lagi kong ginagawa. Maya-maya lang din dumating na si Isha and we started our journey on the way to school, habang nasa byahe kinukwento ko sa kanya yung nangyari kahapon, puro tili at gigil ang nakuha ko mula sa kanya habang sinasaysay ko sa kanya ito.

Maya-maya lang ay nakarating na din kami sa eskwelahan at pumasok na kami sa aming nararapat na silid aralan, pag-dating namin, nandoon na din si Dave Kaya napangiti ako bago pumasok. Pag-pasok namin binati agad ako ni Dave. "Goodmorning Yesha." Bati nito sakin. :Mhm morning!" Sagot ko naman sa kanya ng maya-maya nag-salita si Isha. "Ehem! Ako walang goodmorning?" Kunyaring nagtatampo na sabi ni Isha kaya nagtawanan kami.

Forgotten MemoriesWhere stories live. Discover now