IKA-DALAWAMPUT APAT NA KABANATA:

90.2K 1.6K 171
                                    

THORIN (FLASHBACK)

Nanginginig ang kamay ko nang damputin ko ang litratong iyon nakakalat sa sahig. Hindi ko maapuhap ang nararamdaman ko sa pagkakataong nahawakan ko iyon. Ang mga luha sa aking mga mata ay tuluyang napigtas nang pakatitigan ko ang litratong iyon. Litratong nagpapasikip sa dibdib ko. Litratong nagpagulo sa nararamdaman ko at sa isip ko.

Buntis si Johanna at anak ko ang kanyang dinadala. Ako ang ama ng batang nasa litratong iyon. Paulit-ulit iyong naghuhumiyaw sa utak kong napuno ng emosyong hindi ko maipaliwanag. Natutuwa, Nasasaktan, nalulungkot sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Pero bakit?

Nanatiling hawak ko ang ang itim na litratong iyon. Ang gitnang bahagi ay may malabong pigura, pero malinaw na nararamdaman kong akin ang batang nandoon. Anak ko. Pinakatitigan kong maigi ang larawang iyon na may ngiti sa labi, hindi na pinansin ang iba pang nagkalat na papel sa sahig..

Ngunit ang ngiting iyon ay kaagad na napawi nang dumako ang paningin ko sa isang papel na tila nakaayos na nakapaharap sa akin.

Abortion Paper.

Lumakas nang lumakas ang pagkalabog ng dibdib ko habang unti-unti kong inaabot ang papel na iyon. Para bang ayoko na iyong abutin at kuhanin, pero hindi ko napigilang abutin. Nanginginig kong tinitigan ang unang pahina at ganoon na lamang ang gulat ko sa nakasaad doon. Halos gumuho ang mundo ko nang makita ko ang pirma ng pinakamamahal kong babae.

signed by:

Johanna Samonte.

Unti-unti kong nabitawan ang litrato kong hawak at nanginginig ang kamay na isa-isang dinampot ang ilan pang nagkalat na papel at litrato.

Fuck!

Abortion? Pinalaglag n'ya ba ang anak ko?

Gulong-gulo ang isip ko, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Naninikip ang dibdib ko na parang pinatitigil ako sa paghinga. Nagmalabis ang mga luha ko, at kahit sa nanlalabo kong mata, malinaw na nabasa kong pumayag s'yang ipalaglag ang anak namin.

Gusto kong paulit ulit na magmura, magwala at sumigaw ng bakit, ngunit pinatatag ko ang sarili ko at binuo ang isip kong, pakana lang ni Daddy ang lahat.

"Tama, pakana lang 'to ni Dad. " Pagkumbinsi ko pa sa sarili ko. Wala akong inaksayang sandali. Kahit nanghihina ay inilikom ko ang folder na hinagis ni Dad. Ang pagkalasing ko ay tuluyang nawala nang lumabas ako sa condo. Nagmamadali akong sumakay sa elevator, at walang pakialam kung anuman ang itsura ko ngayon. Ang mahalaga Mapuntahan ko si Ian. Si Ian ang sasagot sa lahat ng tanong ko. 

Kaagad akong naghanap ng sasakyan, at nagpapasalamat akong hindi pa masyadong gabi kung kaya't tyempong nakakuha agad ako ng taxi. Sinabi ko kung saan kami pupunta na tinanguan lang ng driver.

Tulala ako habang nasa loob ng sasakyan, punong-punong ang isip ko ng mga tanong. Mga tanong na puro bakit? paano? kailan at saan. Napahilot ako ng sentido at mahinang napamura.

Kung anak ko ang batang dinadala ni Johanna, bakit sinabi n'yang hindi akin 'yon? Bakit n'ya ako iniwan kung magkakanak na kami? Paano nangyari ang abortion?

Nakalagay sa papel na Feb. Isang buwan matapos kong umalis. Pero bakit hindi n'ya sinabi?

Johanna, ano bang iniisip mo?
Nanghihina kong bulong. Panay ang tingin sa akin ng taxi driver, kung bakit siguro panay ang mahihina kong mura.

Halos 30 mins din ang naging byahe namin nang marating ko ang condo ni Ian sa makati. Agad akong pumasok at tinungo ang reception area, tumango lang sa akin ang nandoon at mabilis kong tinungo ang elevator. Madami akong nakasabay at lahat sila ay nakatingin sa akin na tila ba nagtataka. Hindi ko sila pinansin at tinuon ang isip ko sa maraming katanungan na nais kong masagot.

The Lust SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon