"Takbo Johanna! 'Wag na 'wag kang lilingon. Kahit anong mangyari 'wag kang titigil sa pagtakabo!"
Bang!
________
"Joan!" Awtomatiko akong napalingon nang marinig ang matinis na boses na iyon magmula sa aking likuran. Hindi ako maaring magkamali dahil si Anding lang may matinis na boses na kayang-kaya akong sigawan. Ngumisi ako sa kanya at ipinapatuloy ang paglalaba sa likod bahay namin.
"Ano kaba!? tumayo kana r'yan at magbihis!" Nakakunot noong singhal muli nito sa'kin. Kita sa kanyang paghinga ang pagod sa pagtakbo. Suot nito ang uniporme namin na bestidang puti na may nakapatong na kulay itim na apron. Nakahairnet ang buhok at nakadollshoes na kulay itim din.
"Day off ko ngayon Anding." Marahan kong saad. Si Anding ang naging matalik kong kaibigan nang umalis ako sa poder ni Thorin apat na taon na ang nakakalipas. Dito sa probinsya nila sa Tarlac ako napadpad at namumuhay ngayon nang tahimik. Malayo sa lugar na ayoko nang maalala o mapuntahan man lang. Kahit apat na taon na ang nakalipas ay parang kahapon lang lahat nangyari ang mga iyon sa t'wing maalala ko.
Umayos ito nang tayo at nameywang sakin "Joan, ngayon ang dating nang bagong may ari nang Hacienda kaya kailangan tayo doon ngayon." Paliwanag nito. Binibit nito ang lagayan ng maruming damit at ipinasok sa loob.
Mabilis naman akong tumayo. Sinundan ko na s'ya sa loob. Naabutan kong kalong na nito si Taurein na pupungas-pungas pa at halatang bagong gising. Kahit papano, kapag nakikita ko ang anak ko na may maayos na buhay ay masaya na ako. Lahat nang hirap at sakripisyo ay worth it dahil sa anak ko.
Apat na taon na ang nakalipas nang matagpuan ako nila nanay Amelia at tatay Arsenio, mga magulang ni Anding. Nang matagpuan nila ako sa gilid ng kalsada ay hindi sila nagdalawang isip na tulungan akong mabuhay. Hindi nagging maganda ang nagging unang buwan ko sa poder nila dahil natrauma ako. Kahit nahirapan sila sa akin ay hindi nila ako sinukuan, lalo nang malaman nilang nagdadalang tao ako. Makalipas ang halos limang buwan ay naging maayos naman ako. Kahit papano ay nakakatulong na ako sa bahay. Nang makapanganak ay ipinasok nila ako sa mansyon ng mga De Vera.
Kambal ang naging anak ko, kung kaya't kailangan kong magdoble kayod para sa kanila, ngunit, sadyang malupit sa akin ang tadhana dahil kinuha nito sa kin ang anak kong babae at hanggang ngayon ay sinisisi ko pa'rin ang sarili ko kung bakit s'ya nawala. Kung sana'y hindi na lamang ako bumalik.
"Nay, aalis po ikaw? " Salubong na tanong ng anak ko nang makita akong nakatayo sa may pintuan. Maliit lamang ang tahanan namin. Gawa ito sa sawali at kugon. May maliit na sala, k'warto at kusina. Lahat ng naninilbihan sa mansyon ay binigyan ng tirahan.
Lumapit naman ako dito at kinuha s'ya kay Anding.
"Kailangan si nanay sa mansyon." Sagot ko dito. Nakita ko paglungkot ng kanyang mukha. Alam nito kasi ay hindi ako papasok ngayon.
"P'wede po akong sama naynay?" Maliit ang boses na turan nito. Hindi kaagad ako nakasagot. Kapag kasi nasa mansyon ako ay madalas itong naiiwan sa bahay nila Anding. Gusto kasi ng mag-asawa na doon ang anak ko.
"Magbihis kana Joan." Untag ni Anding sakin. Kinuha nito si Taurein. Kaagad naman akong pumasok sa maliit naming k'warto. Doon na ako nagbihis. Mabuti nalang pala ay maaga akong naligo kanina.
"Isama na natin si Taurein. Doon mo na paliguan, sigurado namang hindi maglilikot 'to e." Saad ni Anding. Naririnig ko pa ang kulitan nilang dalawa sa labas habang nagbibihis ako. Naglagay rin ako ng gamit ni Taurein sa maliit na bag
"Tara na!" Sigaw ni Anding makalipas ang ilang minuto. Binibit ko nalang ang bag at lumabas na. Nauna silang dalawa at sumunod nalang ako.
"May balita kana ba kung sino ang nakabili ng mansyon nila Don Alberto?" tanong ko kay Anding habang naglalakad kami. Hawak namin sa magkabilang kamay ang anak ko. Palaisipan parin sa akin kung bakit kaagad naibenta. Naghihinayang ako dahil napakabait ng pamilya ng mga De Vera. Anim kaming naninilbihan sa mansyon, ngunit kahit minsan ay hindi naming naramdaman na iba kami. Itinuring nila kaming kapamilya.
BINABASA MO ANG
The Lust Suffer
Ficção GeralThis is how they suffer. Piniling iwanan ni Johanna si Thorin-- Ang lalaking labis nitong mahal ng malaman nitong nagdadalang tao s'ya. Apat na taon ang lumipas ng muling magtagpo ang kanilang landas-- ngunit ang lalaking kaharap ni Johanna...