Chapter 10

1 0 0
                                    

Listener


Red's POV


Napaluhod ako sa sobrang panghihina nang makabalik kami galing sa ospital. Napansin ko rin na tumigil na ang pagfe-fade ng katawan ko at unti-unti na ring bumalik ang kulay nito tanda na nagiging maayos na ang kalagayan ko sa tunay na mundo.


"A-Argh!" Hindi ko maiwasang mapaluha at mapahikbi ng malakas.


I can't believe that this is actually happening to me. Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nakita ko kanina lang. Ang panginginig nang katawan ko habang nakatingin sa katawan kong nakahiga sa hospital bed, ang unti-unting pagkawala ng kulay ng katawan ko kasabay ng pagtunog ng alarm.


Ang sampal ni Mom kay Sky...


Marahas kong pinunasan ang mga luha ko at padabog na lumapit kay Casper na ngayon ay binabalik na ang libro sa pinakamalapit na shelf. "C-Casper."


"Hmmm?"


"I want to go back." Gulat itong napatingin sa akin. "P-Please... I need to go back."


Napabuntong-hininga ito at seryosong humarap sa akin. "Sorry. But I'm afraid, I can't let you do that."


"C-Casper, please. 30 minutes is not enough for me. I have to go back!" Hindi na ako nag-abalang punasan ang mga luha ko sa harapan niya. "P-Please... I'm begging you."


"Hindi nga kase pwede, Shiela!"


"Bakit hindi Casper?!" iniwas niya ang tingin niya sa akin kaya lumapit ako nang husto sa kanya. "Is there something that I need to know?"


"A-Ano kase Shiela..."


"Ano?"


Napabuntong hininga ito at humakbang ng dalawang beses paatras. "You can only use the book once---"


"W-What?!"


"Patapusin mo kase ako! Ano ba yan." Natahimik naman ako. "At isa pa Shiela, lumayo ka nga! Baka masampla mo ako o mahawakan. Baka lumiwanag ako ng wala sa oras dito!"


"S-Sorry." Guilty akong napayuko at humakbang din ng dalawang beses paatras. "So, bakit nga?"


Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa takot. Sa sobrang bilis, hindi ko maiwasang mag-alala sa katawan ko sa totoong buhay dahil baka umipekto ito doon. Sa takot na baka lumala ang kalagayan ko, I slowly relaxed my body at huminga ng malalim.


"You can only use the book once a day. Bawat araw, 30 minutes lang ang kayang ibigay ng libro dahil gaya ng tao, napapagod din ito lalo na kapag napakabigat ng negativity sa lugar na pinuntahan. It causes stress to the book." Paliwanag niya. "Magpahinga ka na. I know you're tired."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 07, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Never Knew Fantasy Was RealWhere stories live. Discover now