Ten:

0 0 0
                                    

Tinitignan ko ang mga pangalan ng susunduin ko, napabuntong hininga na lang ako.

Madami-dami na naman ang mamatay...

Isa akong grim reaper o mas kilala bilang kamatayan, hindi ko nga alam kung bakit madalas ako ang nasisisi sa mga pagkamatay ng mahal nila sa buhay e taga-sundo lang naman ako.

Imagine na lang kung walang grim reaper ay malungkot kang tatawid sa kabilang buhay, sometimes we're here to comfort the sad souls.

Ano, marami na naman ba?” Tanong ng kasama kong angel, napatango naman ako.

Marami na naman, yung iba matanda na at namatay dahil sa sakit,sabi ko, bawat grim reaper na matagal nang nanunungkulan ay may kasamang anghel upang sila ang magdadala sa mga namayapa sa langit habang kami ay nasa lupa.

Sinundo namin si Gabriel, isang matanda na pinatay ng walang awa ng mga lapastangan na tao. Ang susunod ay isang nanganganak na ina—

Isang buntong hininga ang nilabas ko, ayoko talaga sa lahat ay ang mga inang hindi 'man lang makakapiling ang kanilang anak dahil mamatay na sila.

Agad kami pumunta sa ospital kung saan nanganganak si Marilyn, ang susunod kong susunduin-I look at the death clock that telling how many hours or minutes left before they died.

*20 seconds left*

Maaari bang dagdagan ko ang kanyang nalalabing oras? Tanong ko sa anghel, ngumiti lamang siya at agad ko naman dinagdagan ang oras niya.

Naisilang niya ang isang malusog na babaeng sanggol, isang ngiti ang kumawala sa labi niya nang makita ang anak. Kitang-kita sa mata niya ang saya—na nakapagpadurog din ng puso ko.

*10 minutes left*

Niyakap niya ito at hinalikan sa mga natitirang oras niya sa mundo, kitang-kita ang kanyang luha—kasabay ang paglagot ng kaniyang hininga.

Her time is up...

“Time of death, 1:15 pm,” sabi ng doktor na ikina-iyak ng asawa nito, humahulgol siya na tila'y wala nang bukas. Umiiyak din ang sanggol na tila ay alam niya ang kaganapan sa paligid niya, hindi matanggap na wala na ang ina.

Lumabas na siya sa katawan niya-ng nakangiti habang may luha pa rin sa mata, unti-unti siyang lumapit sa amin.

Salamat sa pagdagdag ng oras, kahit sa huling hininga ko ay nahagkan at nahalikan ko ang aking anak, sabi niya na nakapag-pangiti sa akin, atleast at her last seconds of her life she saw her daughter.

And I'm happy that even in her last breath, I made her happy....

One Shot Stories (Compilation) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon