Kabanata 78

538 67 31
                                    

Rans' POV

"You keep on disappointing us Francinne! Bakit ka pumayag na makipag divorce kay Abby?!" Galit na sigaw sa akin ni Daddy

"Dahil gusto niya dad wala na akong magagawa doon" Tugon ko sakanya

"Ganyan ka ba kamangmang sa mga bagay bagay? Pinag aral kita para maging matalino gamitin mo naman sana! Paano na ang organization natin sige nga?! Sa tingin mo ba kahit hindi tayo tumiwalag sa kanila magiging maayos ang kalakaran? Maraming magbabago tiyak na matatanggal ka sa posisyon mo at ayokong mangyare yon!"

"Hindi ko naman kailangan ng posisyon dad actually wala akong gusto sa mga nakukuha ko ngayon dahil yung gusto ko kusa ng lumayo sa akin" Walang gana na saad ko

"Tsh anak paano mo naman makukuha ang gusto mo kung hindi mo ipaglalaban? Sige nga wag mo na isipin yung posisyon isipin mo yung kasiyahan mo. Paano ka magiging masaya kung hahayaan mo si Abby na idivorce ka?" Napakunoot noo naman ako sa sinabi ni dad

"Wdym? Daddy wala na akong magagawa diyan hinihintay nalang namin yung divorce paper para pirmahan isa pa hindi ako ang mahal ni Abby sa tingin ko hindi rin siya magiging masaya sa akin" Malungkot na saad ko lumapit naman sakin ai dad at lumuhod

"That's why wag mong pipirmahan ang divorce paper. Rans ikaw pa rin ang asawa walang magagawa si Abby kung ayaw mong makipaghiwalay dahil maaari mo siyang ipakulong sa pagtataksil niya sayo magiging pabaya ka nanaman ba sa bagay na mahalaga sayo? Pag isipan mong mabuti"

Natigil naman kami ng biglaang may kumatok "Sino yan?" malakas na tanong ni dad at tumayo binuksan niya yung pinto at napatayo rin ako ng makita na yung lawyer na nag aasikaso ng divorce paper namin yung dumating

"Magandang umaga Mrs. Trinidad all set na ang divorce paper niyo ni Mrs. Abby  Trinidad lahat ng ari arian ay naseparate ng maayos at pantay tanging pirma niyo nalang ang kailangan para maging Ms. na ulit kayo" Mahabang panimula nung lawyer inabot niya saken yung papel at kinuha ko

"Tig isang copy kayo ni Mrs. Abby kailangan maibalik niyo rin sa akin yan bukas dahil may aasikasuhin pa akong kaso eh" Pag papaalala niya.

"Osya mauuna na ako aantayin ko yan bukas okay?" Tumango naman ako "Salamat" Sabi ko.

"Anak pag isipan mong mabuti yan ha? Aalis na ako sana maging tama ang desisyon mo" Hindi ko na siya sinagot hanggang sa makaalis siya

Binuksan ko ang envelope na may laman mga papeles ng separation of property at officialy divorce kapag nakapirma na kaming pareho

Sakto magkikita naman kami nila Sela mamaya sa bday ni Alice ipapaabot ko nalang siguro sakanya

Buo na ang desisyon ko papakawalan ko na si Abby.

--

Sela's POV

Nagdadalawang isip ako ngayon kung papasok ba ako o uuwi nalang umuurong ang mga paa ko dahil naririnig na ang kasiyahan nila sa loob

Pag pumasok kaya ako magiging ganyan pa sila kasaya? feeling ko magiging awkward ang atmosphere kung makikita nila ako

Tsh maiintindihan ka naman ako ni Alice eh iiwan ko nalang tong gift ko sakanya dito sa labas. Inilapag ko na yung gift ko at tinignan pa ito saglit sana walang kumuha.

REPLAYS OF A DISSENTIENTWhere stories live. Discover now