Kabanata 52

774 81 66
                                    

Abby's POV

Halos mabingi ako sa ingay ng mga kaibigan ko ang aga naman mangbwisit ng mga to leche! Hindi man lang inisip kung puyat yung tao o nakakaabala sila sa natutulog.

"Hoy Abby napapadalas pagpupuyat niyo ni Rans ah, pero bakit parang ikaw lagi mukhang pagod?" Bungad saken ni sheki

"Siya lang puyat no paano 1am na bumalik kagabi" Saad naman ni Rans kaya napatalakbong nalang ako ng kumot dahil alam ko na susunod na mangyayare.

"Nayyyy! Grabe naman nambabae ka agad by?" Pang aasar saken ni lara at dinaganan pa ako ng kumag.

Ang sakit ng pagkakadagan niya kaya sinipa ko ito para maalis sa ibabaw ko, inis ko namang tinanggal ang comforter at umupo.

"Pucha anong nambabae nagpahangin lang ako kagabi no!" Saad ko, lol hindi ko lang naman babae si Sela, mahal ko siya.

"Haha grabe kayo kay Abby di naman siya ganon" Para naman akong nangilabot ng magsalita si Brei mula sa balcony habang umiinom pa ng gatas.

"Teka bakit ba kayo nandito? Ang aga aga niyo namang mambwisit!" Singhal ko sakanila

"Tagal mo gumising eh maraming activites tayong nakasched ngayon, gusto mo bang masayang binayad mo?" Napairap nalang ako sa sinabi ni Sheki.

"Oona lumabas na kayo at mag aayos na ako, tawagin niyo na rin sila Coleen kita nalang tayo sa pampang" Agad rin naman silang umalis at naiwan nalang kami ni rans.

"Mag ayos kana abby tapos kakain muna bago umalis" Grabe ang ganda talaga ni Rans kahit bagong gising pa man, sadyang natural na nakakaakit kaso kailangan ko ng pigilan ang sarili ko.

Naalala ko naman ang usapan namin ni sela kagabi napangiti naman ako ng bahagya dahil susubukan daw namin ayusin ang samin, mamayang gabi ay pupunta muli ako sa kabilang side ng isla medyo malayo yun dito sa pinagcheck in namin ng mga kaibigan ko kaya natagalan rin ako makauwi kagabi dahil 20 minutes pag nilakad mo papunta doon.

"Nakangiti ka? Excited ka ba sa mga gagawin naten?" Tanong saken ni Rans napatango nalang ako dito na nakangiti pa rin kahit na ang totoo'y si sela ang iniisip ko.

"Mukhang okay pala na nakapagpahangin ka kagabi gumanda na ang mood ng asawa ko" Malambing na sabi niya saken.

"Syempre naman hon kaysa malugmok lang ako habang nagbabakasyon" Lumapit naman to saken ikinawit ang dalawa niyang kamay sa braso ko.

"I love you" nakangiting sabe saken ni rans pero hindi ko alam kung paano ako magreresponse kaya nginitian ko nalang ito at siniil ng halik.

Grabe abby saan ka kumukuha ng lakas ng loob para gawin to? Parang wala kang tinatago kay Rans ah? Pero buti nang ganto para hindi niya ko mahalata baka kasi malaman niya makipaghiwalay to saken for sure magkakagulo at baka matuloy ang battle for position na pinaka ayaw namin. Kaya ko nga siya pinakasalan para doon kaya dapat ingatan ko pa rin si rans lalo na ang nararamdaman niya.

Inaamin ko na magiging malaking kawalan saken si rans pag nagkataon, mawawala ang connection namin sa organization nila at hindi pwede yun dahil kumikilos na ang panig ng tatay ni Sela. Alam ko naman na anak si sela ng kaaway pero hindi siya katulad ng tatay niya at alam kong hindi siya sasama sa kahit anong katarantaduhan non.

Yung araw na nalaman ko mula kay cole nun na anak si Sela ni Mario Guia ay mas lalo lang akong nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin na hindi ko siya mahal noon na ginamit ko lang siya para sa mga kaibigan ko. Naalala niyo ba yon? Yung kinabukasan dapat monthsary namin balak ko siyang ilayo sa raket nila noon kaya tinatanong ko kung may lakad siya ngunit desidido talaga siyang sumama sa raket kaya wala na akong magawa.

REPLAYS OF A DISSENTIENTOù les histoires vivent. Découvrez maintenant