"Goodmorning Earth/" sigaw ko pagkagising ko.
Guess what day today?! 7th Monthsary na namin ng Boyfriend kong si Matthew.
Ayy oo nga pala! Ako si Cindy Vargas. 23 years old, nagta-trabaho sa isang internet cafe. Ano pa ba? Syempre ako ang taga-bantay.
Oo nga pala. Nagleave muna ako sa trabaho kase nga monthsary namin ng mahal kong si Matthew.
Nakahanda na din yung regalo ko sakanyang sapatos. Pinag-ipunan ko yan mula sa mga kita ko sa trabaho. Proud ako dun.
//Hilamos mukha, kain, sipilyo, ligo, bihis //
Hmmm ano kayang isusuot ko? Ahh alam ko na. Itong above the knee pink dress ko na lang.
//Suklay, Lagay ng powder at lipstick//
Excited na excited na akong pumunta sa date namin.
Ang usapan namin ay 7:30 ng umaga at ang sabi nya ay susunduin nya ako.
Kaya matapos akong magprepare ay naghintay na ako sa labas ng gate namin.
"Oh. Aga ah." Yung katulong ng kapitbahay na nagtatapon ng basura.
Nginitian ko sila. "Ah opo, may lakad eh." Sagot ko dito.
Lumipas ang ilang minuto, wala pa din sya.
Napadaan naman si Lola Pasing na laging nagjo-jogging. Ngayon pa lang ata makakauwe si Lola.
"Oh, saan lakad naten?" Tanong nito.
Agad naman akong nagblessed sakanya.
"May date po." Nakangiti kong sagot
Matawa-tawa namang tumakbo paalis si Lola.
Ang tagal -tagal ko ng naghihintay dito ah.
//Tingin sa relo//
Oh? 9:00 na pala. Ba't wala pa sya? :/
Napadaan naman si Manong Kiko na tricycle driver.
Huminto sya sa tapat ko.
"Magandang umaga ho." Bati ko sakanya.
"Magandang umaga din. Pansin ko kanina ka pa dito. May sundo ka ba iha?" Mahinahong tanong nito.
"Meron po sana eh. Kaso, isang oras mahigit na, wala pa din." Nasa tono ko ang pagkadisappoint.
Nakakatampo naman kase si Matthew eh. Hayst.
"Ah ganun ba, iha. Gusto mo ay isakay na kita at ihatid sa tagpuan nyo." Alok ni Manong Kiko.
Eh pano si Matthew? Pano kung dumating sya?
Baka nakalimutan nyang susunduin nya ako. Hintayin ko na lang ata sya? Pero baka mangisay lang ako sa kahihintay sakanya.
"Iha?" Naibalik ako sa realidad ng muli ay tawagin ako ni Manong Kiko.
"Ayy. Hatid nyo na lang po ako sa Internet Cafe." Sagot ko.
"Osya, sakay ka na." Sabi nya.
Agad naman akong sumakay sa tricycle nya at ipinaandar na ito.
I-text ko na lang sya na sunduin ako sa internet cafe.
Wala pang 10 minuto ay nakarating na kami sa cafe.
"Bayad ko po." Sabi ko sabay abot ng 10 peso.
Pumasok na agad ako sa cafe.
"Oh, Cindy? Off mo diba?" Tanong ni Kuya AL. Short for Aldrin Luis.
"Opo eh. Kaso dito na lang ako tatambay Kuya AL. Tsaka samahan po muna kitang magbantay habang wala pa ang sundo ko." Sagot ko at umupo.
BINABASA MO ANG
Panakip Butas [One Shot]
Novela JuvenilMasakit maging panakip butas :') Sobra. [Please support]