CHAPTER 2

16 0 0
                                    


CHAPTER 2

SHYR'S P. O. V.

I saw his eyes again. And this time, nasa dalampasigan kami. Enjoying the sunset with our hands intertwined with each other. I feel nothing but happiness. Then, I heard his voice. "Kirstenn, please come back to me."

*****

Nagising ako sa ilaw na nakatapat sa akin. Nasa clinic ako at natapatan ng sikat ng araw ang mukha ko. Nilinga ko ang paningin sa paligid. Ng napagtanto kong may kung anong nakadagan sa kamay ko, nilingon ko ito. Nanlaki ang mata ko ng makita si Maxwell na nakahawak sa kamay ko't nakapatong ang ulo, natutulog. I tried to move my hand but he moved kaya nabigo ako. Then, he suddenly opened his brown, tantalizing eyes. It's like hazel when you're looking at it from afar but it's actually choco brown sa malapitan. It's one of the best assets he has aside from his face and brains. Hinawakan niya ang mukha ko kaya nawindang ako sa pagkakatulala. Ang tagal ko na palang nakatitig sa kanya.

"Hey, are you okay? May kailangan ka ba?" his voice was full of sincerity and concern. I can't help but look at him even more. Pero naasiwa ako sa tingin niya kaya nahiya na ako.

"Uh, y-yeah. I'm o-okay."

"Are you sure?"

"Yeah. Anyway, what happened? Did I faint?" pagbabago ko ng usapan. Kasi ang lalim talaga ng mga titig niya sa'kin at hindi ko na kinakaya pa.

"Yes, we don't know the reason yet so after school, sasama ka sa'kin. We're going to see a doctor." Ani Maxwell.

Agad akong kinabahan. Is it something serious? Am I having early signs of Alzheimer's? Hindi ko na napigilang magtanong kasi may napapansin akong kulang dito.

"Ha? Why? Is it something serious? Wait, nasa'n sina Fey at Mico?"

Nagtiim bigla ang panga nya kaya naguluhan ako. His aura changed. I can see anger in his eyes. Ng mapansin niyang nakatitig ako sa kanya, he suddenly smiled.

"They're outside. Let's just wait for the nurse para mabigyan tayo ng recommendation slip para sa check-up." I nodded, and thought of something.

"Uhm, M-max? can I ask you a favor?" untag ko.

"Yeah, what is it?" tanong niya.

Bumuntong-hinga ako at nilingon siya. Umayos naman siya ng upo at tinitigan ako.

"P-pwede bang 'wag mong sabihin kay k-kuya Shyon 'to? Ayoko kasing magworry pa siya sa'kin. I know he's busy for the Interhigh. Please just don't tell him. C-can I trust you o-on that?" utal-utal kong sabi. Agad naman siyang ngumiti at naglahad ng kamay sa akin.

"Of course, pinky promise."

I smiled back. I also did pinky and he ruffled my hair. Pagkatapos ng ilang minuto ay pinalabas na kami for check-up. Nasa labas sina Fey at Mico. Worry was the first thing I saw in their eyes. Pero ng tinitigan ko si Mico, I can see something else, PAIN. If this is about me, hindi ko siya sinisisi dun. It's not his fault, ako yung nagpumilit.

"Friend, okay ka na ba? Wala na bang masakit sa'yo? Ano?" Fey. I just chuckled.

"Mixie, I'm fine. You don't have to worry."

Then Mico faced me, his face still worrying.

"Shyr, I'm sorry. Dapat nagmatigas ako. Dapat di kita kinuwentuhan."

"Mics, it's okay. It's not your fault. Pinilit kita kaya hindi mo yun kasalanan. Besides, I saw something in my mind. It's like a memory pero hindi malinaw." Saad ko.

Still Into Youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن