sa mga nag hihintay eto na po ang ating kadugtong na kwento.
Comment lang ang mga nag babasa para alam ko kung meron ba nag babasa ng kwento . para dugtungan ko pa ng dugtungan.Thank you sa mga nag basa. ! 🙂🙂🙂♥️♥️♥️Hindi na siya nagawa pang batiin ni Darryl, nilagay na lang nito ang itim na sako sa sofa.
“Nagagawa mo pa ring ipakita ang pagmumukha mo sa pamamahay na ito, Darryl?” sabi ng galit na si Samantha habang palabas sa kaniyang kuwarto.
Hindi sana isusuggest ni William na si Lily naman ang pumunta sa Platinum Corporation kung hindi lang nakipagaway si Darryl dito.
Tumitig si Samantha kay Darryl at sinabing. “Mas papangit na nang papangit ang ipinapakita mong pagaasal, Darryl. Kahit na makalimutan ko pa ang tungkol sa naging away ninyo ni William kagabi, paano mo pa rin nagagawang ipakita sa akin ang pagmumukha mo? Hindi mo ba naisip na nagkakalat iyang sapatos mo ng putik sa loob ng bahay? Masyado ring madumi ang dala dala mong sako pero nagawa mo pa rin itong ipating sa sofa? Gusto mo na bang lumayas dito nang wala sa oras? Walang pumipigil sa iyo na umalis Darryl!”
Dito na napabuntong hininga si Darryl. Siya nga ang nagkalat ng putik at dumi sa bahay, pero hindi ba’t siya rin ang naglilinis nito mula noong tumira siya rito?
Hindi nagalit dito si Darryl, dahil kanina pa sana siya nagalit kung nagpaapekto siya sa mga sinabi sa kaniya ni Samantha.
Walang pakialam na lumapit si Darryl kay Lily at buong ngiting sinabi na “Honey, kailangan ng kumpanya ninyo ng 5 million dollars hindi ba? Dala ko na ito ngayon…”
“Woah.” Natawa nang malakas si Jade na nakaupo di kalayuan nang malakas matapos marinig ang mga sinabi ni Darryl at tumitig bago sabihing “Wala na talagang kapantay ang kakapalan ng mukha ng lalaking ito. Hindi ka lang walang silbi, nagawa mo pang ipaalala sa iba ang kanilang mga problema. Oo, nangangailangan si Lily ng five million dollars na hindi magagawang ibigay ng isang basurang kagaya mo, pero nagawa mo pa rin itong isingit sa usapan.”
Kabanata 7
"Jade, tigilan mo na yan," mahinang bulong ni Lily matapos marinig ang pagsaway ni Jade kay Darryl.
Kahapon, sa taunang pagtitipon ay ipininagyabang ni William ang kanyang suit, ngunit si Darryl pa rin ang tumayo at tumulong kay Lily para mapawi ang kaniyang kahihiyan.
“Lily, masyadong malambot ang puso mo. Kung ako lang sa iyo, hihiwalayan ko na siya, ”malamig na sinabi ni Jade. "Matagal ka nang kasal sa kanya, pero hindi niyo pa nasusulit ang iinyong pagsasama. Hindi ko alam kung paano mo natitiis makasama ang basura na ito araw-araw,"
"Jade," tawag ni Darryl habang tumititig nang malalim. Hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili at agad nang gumawa ng sarili niyang hakbang.
Masasabi nating maganda si Jade, nakasuot siya ng isang maikli at masikip na palda na nagpapakita sa kayumanggi niyang mga binti.
"Nangangailangan ng limang milyon ang kumpanya ng aking asawa, kaya paano mo nasabing hindi ako makakatulong sa kaniya?" nakangiting sinabi ni Darryl. "At kung tama ang aking alaala sinabi mo na kung makakapaglabas ako ng limang milyon, tatawagin mo akong daddy hindi ba?"
"Oo, sinabi ko nga iyon." Dahan-dahang tumayo si Jade. "Tingnan nga natin, at kung wala kang mailalabas, tatawagin mo naman akong mommy?"
"Paraan," walang pakialam na umupo si Darryl sa isang upuan. Itinaas niya ang kanyang maruming sako at ibinaliktad. Dito na bumuhos ang mga laman nito sa mesa.
Sa mga sandaling ito, ang buong bahay ay naging kasing tahimik ng libingan!
Parang waterfalls na bumuhos ang mga kulay pula at nagniningning na bungkos ng mga pera na umabot sa punto kung saan nagsilaglag ang ilang mga bulto ng pera sa sahig dahil sa sobrang dami.
(TN: Ibinuhos niya sa lamesa ang orighinal na RAW translation nito, at pagkatapos ay biglang naging sofa ang sinasabing pinagbuhusan ng pera.)
"Ito ... ito..."Napatitig si Jade sa sobrang pagkamangha na umabot sa punto na kung saan ay hindi na niya nagawa pang makapagsalita.
"Five Million ba talaga ang halaga ng mga cash na ito ?!" Naglakad din palapit sa kanila si Samantha, medyo humupa na ang galit na naramdaman nito kanina.
Nanginig dito ang mga binti ng mga matatalik na kaibigan ni Lily na sina Jade at Phoebe. Talagang mapapatigil ang kahit na sino sa kanila sa sandaling makakita sila ng limang milyong dolyar na halaga ng pera na nakakalat sa kanilang harapan.
"Tawagin mo na akong daddy, nakikinig ako.” sabi ni Darryl habang hinahawakan ang kaniyang buhok.
Hindi nagtagal ay nagising na rin si Jade sa kaniyang pagkagulat.
Tumingin siya kay Darryl at ngumisi, “Darryl, akala mo ay hindi ko alam na 200 dollars lang ang ibinibigay na allowance ni Lily sa iyo araw-araw. kaya sigurado akong madumi ang pera na dinala mo rito ngayon tama?”
Nangingig ang katawan ni Lily sa mga sinabing ito ni Jade, mabilis siyang lumakad papunta kay Darryl para hawakan ito sa braso at dalhin sa kanilang kuwarto.
Pagkasara ng pinto, bumulong sa kaniya si Lily, "Saan nanggaling ang pera na iyon, Darrly? galing ba ito sa maruming gawain?"
"Malinis ang perang iyon Lily, hiniram ko lang yun sa kaibigan kong mayaman kaya huwag ka nang magalala at gamitin mo na ito para maibangon ang inyong kumpanya" paliwanag ni Darryl pagkahinga na niya ng malalim.
Si Darryl ang bagong Presidente ng Platinum Corporation, pero ayaw niyang ipaalam ang tungkol dito kay Lily nang ganito kaaga dahil iisipin lang nito na sinuwerte lang siya sa pagkakataong ito.
“Kaibigan? Kailan ka pa nagkaroon ng kaibigan? " sabi ni Lily habang hindi mapakali niyang idinadabog ang kaniyang mga paa "Matagal na tayong kasal, kaya bakit hindi ko alam na mayroon ka pa palang kaibigan?"
Nasaktan si Darryl sa mga sinabing ito ni Lily. Sa totoo lang, parang salot na siyang iniwasan ng kaniyang mga kaibigan mula noong itakwil siya sa kaniyang pinagmulang angkan.
Maaaring nasaktan nga rito ang kaniyang pride, kaya tumalikod na lang si Darryl at naglakad sa pintuan para umalis. “Isa sa mga kaklase ko ang yumaman matapos magsimula ng isang maliit na negosyo noon, siya ang nagpahiram sa akin ng pera na iyan. Kaya gamitin mo na muna iyan bago ka pa magtanong nang magtanong sa akin.” sabi ni Darryl.
Matapos maglakad ng ilang hakbang pagkalabas ng kanilang silid, narinig niyang bumulong si Lily na "Ibabalik ko rin ang perang ito sa iyo sa lalong madaling panahon."
Umalis na sa mga sandaling ito ang mga matatalik na kaibigan ni Lily na sina Phoebe at Jade.
"Hindi manlang niya ako tinawag na daddy? Mukhang hindi niya kayang makipaglaro sa sarili niyang laro." Bulong ni Darryl sa kaniyang sarili habang nakaupo sa sofa at pinaglalaruan ang kanilang telepono.
Tila naging mapayapa ang ilang araw na lumipas sa Donghai City matapos nito.Alam ng lahat na ang pinakamalaking kumpanya ng aliwan sa Donghai City ay may bagong boss, kaya kasalukuyan itong dinudumog ng napakaraming mga advertising agencies para makipagnegosasyon sa isang partnership.
Pero naging kakaiba ang bagong boss na ito ng Platinum Company, dahil nagawa nitong tanggihan maging ang matatagal nang mga kasosyo ng kanilang kumpanya.
Hindi sumuko nang basta basta ang mga kumpanyang ito. Dahil na rin siguro sa hindi pakikipagnegosasyon ng Platinum Corporation sa kahit na sino sa mga sandaling ito, at siguradong magdodominate ang kanilang kumpanya sa sandaling magawa nilang makipagpartner sa Platinum Company!
Mga first class na angkan ang nagsipunta sa Platinum Corporation para makipagnegosasyon. Kaya hindi inaasahang magpupunta rin dito ang second class na pamilya ng Lyndon para makipagusap.
Naging usap usapan na ang dating pagpapadala ng Lyndon Family kay William at agad na pinaalis nang hindi manlang nakakapagsalita ng kahit na ano, pero hindi pa rin nila nagagawang sumuko kaya ipinadala naman nila sa pagkakataong ito si Lily, masyado na rin sigurong makapal ang kanilang mga mukha para magawa ito.
Nang hintayin nang lahat ang pagdating ni Lily upang pagtawanan ang kahihiyang sasapitin sana nito, isang balita ang gumulat sa lahat, sumangayon na ang Platinum Corporation na makipagpartner sa pamilya ng Lyndon.
Ginulat ng balitang ito ang buong Donghai City! Wala na ba talaga sila sa kanilang mga sarili! Nagawa nilang makipagpartner sa isang second class na pamilya?!
Tuwang tuwa na nasurpresa sa balitang ito si Lily, hindi pa niya nagagawang makilala ang presidente ng Platinum Corporation pero agad na siyang sinalubong ng secretary ng presidente para sa sabihing bumalik siya kinabukasan para pumirma ng kontrata
Oriental Pearl Hotel, Donghai City.
Ito ang pinakakilalang hotel sa buong Donghai City, hindi bababa sa ilang libong dolyar ang pangkaraniwang nagagastos ng bawat isang bisita nito! HIndi mapapantayan ang tuwa ni Granda Lyndon ngayong araw. Sa sobrang tuwa ay nagawa nitong ibook ang buong hotel para ipagdiwang ang magandang balita na hinatid sa kanila ng kadugo nilang si Lily, inimbita niya rin ang bawat isang miyembro ng angkan na pumunta para ipagdiwang ito! Hindi lang iyon, nagawa rin niyang magimbita ng napakaraming mga bisita dahil ang pagpirma ng kontrata sa Platinum Corporation ay isang bagay na dapat mo lang ipagmayabang sa lahat. Sa loob ng hotel, naging sentro ng atensyon si Lily hapang papaupo sa unang table.
Sumunod naman si Darryl na nasa tabi ni Lily, hindi pa nagagawang uminit ng kanilang mga inuupuan nang makarinig nanaman sila ng isang reklamo.
“Tumayo ka nga riyan, dapat ka bang umupo sa puwesto na iyan? Dalian mo nang ibigay ang upuan mo kay Miss Yvonne!”
Kay William nagmula ang mga salitang ito pero sa sandaling ito, isang bata at napakagandang binibini ang nakatayo sa kanilang tabi.
Nang makita ang binibini, agad na napatayo si Samantha at sinabing “Dahilan mo nang tumayo sa upuan mo basura!”

BINABASA MO ANG
THE ULTIMATE HUSBAND
Randomito ay tungkol sa isang taong nilalait ng lahat ngunit hindi nila alam na ang kanila nilalait ay isa sa mga mayamang tao at mahalagang tao sa kanilang City.