1st Beat-My Fake Celebrity Birthday

6 1 0
                                    

"Wow, look at you darling Pamela. You look stunning!!!" Puri saken ng sikat at make up artist ni Pamela , si Minerva

"Thanks Minerva, It's such a wonderful that you are the only one who's making me more beautiful in 3 years in this industry."

Hinarap ko siya at hinawakan ang kanyang dalawang kamay niya, tumingin ako sa mata nya with full sincere and gratitude.

"Thank you..." dugtong ko pa ng may kasamang pagtulo ng mata

"Oh my gosh! Pamela I'm so touched, but stop tearing up, it might ruin your makeup."

Sinunod ko naman ang inutos niya.

Pagkatapos niya akong iretouch ay umalis na siya sa kwarto na kung saan ay naiwan akong mag-isa.

Inilibot ko ang paningin sa design ng kwartong kinaroroonan ko, mga award na nakalagay sa isang glass shelf, queen size bedroom at pawang karangyaan ang aking nakikita.

Napatingin ako sa kabilang shelf.
Puro picture frames ito mula pagkabata hanggang pagdadalaga nito.
Tila sinasalamin ko ang kanyang itsura mula pagkabata, ang pinagkaiba nga lang ay ang aming kinalakihan.

Pam Isabela Claus.

Kinuha ko ang isang picture frame na may litrato ni Pamela kasama ang dalawang magkahawig rin na bata.

May isang nakangiti at nakaakbay kay Pamela at yung isa naman ay nakasimangot at nakatingin sa dalawa.

Nakikita ko ang pagkakahawig ng dalawang lalake marahil ay magkapatid sila.

Pamilyar sila sa alaala ko pero maaaring kathang isip ko lamang ito.

"Doray?..."

Gulat akong lumingon sa ina ni Pamela, si Mrs. Rebekka Claus.

Kahit nasa 40's na ito ay di pa rin maitatanggi ang pagiging retiradong model at beauty queen nito.

"Magsisimula na ang party. Handa ka na ba?"

Napahinga ako ng malalim at saka ngumiti sa ginang upang malaman niyang handa na ako.

Ngunit sa totoo lang ay kinakabahan ako ngayong gabi, dahil ngayon ako magsisimulang magpanggap at maging bait.

"Opo Ma'am makakaasa kayong pagbubutihin ko ang aking trabaho."

Ngumiti nalang ito at iniwan akong muli.


Sa bawat hakbang ko pababa sa hagdaanan, lahat ng atensyon ay sa akin nakatuon. Mga alta sociodad ang lahat ng imbitado at sila ay nakasuot ng mga mamahaling mga bagay.

Sa pag baba ko ng hagdan ay may lalaking inilahad ang kamay sa akin.
Nakasuot siya ng maskara pero kilala ko siya.

Lenox Scottman, sikat na singer and actor dito sa Pilipinas maging sa America.,.

Ang kababata at bestfriend ni Pamela at ang batang lalakeng nakaakbay sa litrato na nakita ko kanina.

Madalas na napagkakamalan si Lenox at Pamela bilang couple pero palagi nila itong tinatanggi.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti ako sa kanya.

Tinanggap ko na ang kamay niya at lumakad na kami sa aming pwesto para magsayaw sa cotillion.

Humarap siya saken at nilagay ang dalawang kamay sa aking bewang at nilagay ko naman ang kamay ko sa kanyang magkabilang balikat.

Nagsimula na ang tugtog at sumayaw na kame.

Ang ilang minuto ay katahimikan ang namayani sa amin.
Hanggang sa naramdaman ko ang lalong paglapit nya saken at paglapit ng kanyang bibig sa kaliwa kong tainga.

Pinilit kong ilayo siya dahil naiilang ako pero napatigil ako ng magsalita siya.

"Kung hindi ko lang talaga kilala si Pamela mapagkakamalan ko talagang ikaw siya."

Nanigas ang katawan ko sa sinabi niya at may namumuo na rin pawis sa noo ko..
Paano niya nalaman?? Masyado bang halata ang pagpapanggap ko??

Humiwalay siya ng mapansin niya ang pagtigil ko. Hindi dapat ako magpaapekto sa sinabi nya pero hindi ko napaghandaan ito. Napatulala lang ako sa kanya ngunit tumawa siya .
Nakakalito ang kinikilos niya akala niya siya yung..

"Huwag kang kabahan, hindi ako ang taong iniisip mo. Ako talaga si Lenox, alam ko ang plano ni Ate Gabby sinabi sakin ni Pamela kaya mapagkakatiwalaan ako."

Nakangiti nyang saad saken.

Nawala lahat ng pangamba saken at nakahinga ako ng maluwag.
Pinagpatuloy namin ang pag sayaw, this time nagkwekwentuhan na kame.

"Pinakaba mo talaga ko kanina Lenox, akala ko talaga ikaw yun."

"Hahaha sa gwapo kong to? Pero anong masasabi mo sa acting ko? Ayos ba?"

"Hmmm pwede na sa kagaya mong sikat na artista."

"Ah ganon? Eh kung sabihin ko kaya kay Pamela na inaaway mo ko."

Boses bata niyang sabi at ngumuso pa.

Ang cute niya...

"Oy oy joke lang yun no.

Pero salamat ha kasi kahit papaano ay may mahihingan ako ng tulong."

"Your Welcome baby.." sabay kindat nya pa.

Nagkunwari akong nandiri pero deep inside kinikilig ako sa kagwapuhan nya. Nagtawanan nalang kami at matapos ng tawanan ay tumahimik ulit kame.

"Pero kapag kailangan mo ko tawagan mo lang ako.."

"Asahan ko iyan ha?"

"Oo ba, basta ba kada tulong may kapalit."

"Ay huwag nalang, wala akong pambayad na pera."

Umiiling iling siya at sumeryoso ang mukha. Lalo siyang gumwapo at mas creepy.

"Hindi pera ang kapalit, marami ako noon..."

Buti naman at hindi pera, wala pa yung sweldo ko kay Ate Gab kasi ngayon palang ako nagsisimula.

Pero bumalik ang kaba na nanuot sa katawan ko ang karugtong ng sinabi niya

"Dahil ang gusto kong kapalit, ay ikaw."

Napabitaw ako sa sinabi niya at kasabay din non ang pagtapos ng kanta na mas lalong nagpakaba saken.

Dahil umpisa na ng mas magandang palabas.

--------to be continued

Pandora's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon