Chapter 1

3 0 0
                                    

 

"I already signed the marriage contract. Mauna na ako ma, may meeting pa kami sa school for the upcoming festival."
 
Humalik ang lalaking nakauniform kay tita Anabelle saka dali-daling lumabas ng hall. Di man lang nagpakilala or tumapon ma lang ng tingin.
 
Tsk! As if gusto ko naman diba? Hell no!
 
"Zari, Amanda sorry doon sa anak ko medyo busy lang talaga siya."
 
Nahihiyang wika ni tita Anabelle.
 
"Ayos lang, ano ka ba. Mukhang importante naman kasi iyon maybe next time we'll have the chance para maintroduce natin sila ni Zari sa isa't-isa. Right, anak?"
 
Ngumiti lang ako ng tipid kay mama pero hanggang ngayon ay gulong-gulo pa rin ang isip ko sa nangyayari.

I just freaking signed a marriage contract dito sa office ni mayor. Hindi ako prepared but dahil na rin kay mama ay napilitan akong pumirma kahit labag sa loob at di alam ang magiging kahihinatnan nito.
 
Pero wow lang ha! Hiyang-hiya naman ako sa lalaking iyon. Pupunta dito naka suot pa ng uniform. Nag ditch siguro iyon ng klase makapunta lang dito. I also doubt if binasa ba talaga niya ang pinirmahang documento bago lumayas.

"Zari, sana maintindihan mo na para sa iyo din naman ito anak."
 
Nandito kami ngayon sa kwarto ko at nag-iimpake na ng mga gamit. Para nga akong pinapalayas dito dahil halos lahat ng damit at gamit ko ay nakaimpake na. Bukas doon na ako titira sa "asawa" ko.

"Ma ayaw niyo na ba sakin? Naging pabigat na ba ako? Dahil kung oo pwede naman ako lumipat ng ibang tirahan tapos mag wo-working student po ako basta gusto ko umatras sa kasal na ito."

Pakikiusap ko kay mama dahil di ko talaga lubos na maisip na ikinasal ako ng biglaan.

"Trust me on this, Zari. Just this once please trust me."

Hinawakan ng isang kamay ni mama ang braso ko habang ang isa naman ay masuyong hinawakan ang mukha ko.

"I always do ma kaya nga ako pumayag sa kasal na ito diba pero nakakabigla lang talaga at hindi pa po kasi ako ready, ma."

Pakiramdam ko ano mang oras ay magsisimula ng magsibagsakan ang luha ko. Di ko talaga ito gusto at kinakabahan ako.

"Ako na ang magluluto. I'll just call you upstairs if kakain na."
 
"Ah eh a-ano sige. Salamat"
 
He just smiled at me bago maglakad papuntang kusina.
 
Agad naman akong umakyat sa kwarto saka sinara ang pinto. I leaned on it saka huminga ng malalim. Parang naubos ang hangin ko kanina habang kausap siya. Siguro if we are on a normal situation siguradong kikiligin ako dahil sino ba namang hindi eh ang gwapo-gwapo niya.
   
He has this mesmerizing eyes, pointed nose, thick brows, pink lips, clear skin, and fair complexion that made him looks more neat.
 
Pero nasa ibang sitwasyon ako eh and I swear it's really awkward. Clyden's nice pero kapag nakatutok na siya sa laptop at mga libro niya ay wala na siyang pakealam sa paligid. Like what he did on our wedding.

Ma, bakit niyo ba kasi ako pinasok sa sitwasyon na it-
  
"Ay palaka ni San Pedro!"
 
Napatalon ako sa gulat ng may kumatok sa pinto. Huminga naman ako ng malalim bago binuksan ang pinto.
 
"Dinner's ready, let's eat."
 
Nakangiti na naman siya kaya pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko.
 
"Ok."
 
Nauna na siyang maglakad kaya sumunod na ako sa kanya. Sa bawat paghakbang na ginagawa pakiramdam ko ang bigat-bigat ng katawan ko.
 
Naupo ako sa isang silya.

Amoy na amoy ko talaga ang bango ng adobong manok. Para bigla akong naglaway pero di tayo pwedeng maging patay gutom dahil wala tayo sa bahay.

"Let's eat."
 
"Uhmmm sige, thanks for cooking."
 
Napayuko naman siya saka hinimas ang batok.

"Di ko alam kung anong lasa niyan. I'm not a pro like mom when it comes to cooking."
 
Nahihiyang wika niya kaya napangiti ako.
  
Cute
 
Ay teka! Anong cute?

Sumandok na lang ako ng kanin saka kumuha ng adobo. Ganuon din ang ginawa niya. Tumingin siya sa akin ng akmang isusubo ko na ang kutsara kaya bigla akong na conscious.
 
"Just eat, don't mind me. Gusto ko lang malaman if magugustuhan mo ang luto ko."
  
Napangiti naman ako ng tipid saka tumango.
  
Isinubo ko na ang kutsara at kita sa mukha niya ang kaba.
 
Teka!!!!!
 
"T-tubig, please!"
 
Dali-dali akong humanap ng tubig. Mabuti na lang ay nakakuha siya agad mula sa ref. Bahala ng ma offend si Clyden pero kailangan ko pang mabuhay.
 
"How does it taste?"
 
Mas naging triple ang kaba sa mukha niya habang hinihintay akong matapos uminom ng tubig.
 
"Just taste it."
  
Utos ko sa kanya na ginawa niya naman. Ilang sandali ay siya naman ang napahanap ng tubig. Agad niyang kinuha ang basong ginamit ko saka dire-diretsong ininom ang natitirang laman nito.
 
"Fck! Pagkain ba iyon?"
 
Di makapaniwalang tanong niya.
 
Paano kasi eh ang alat na medyo mapait saka  maanghang pa ang luto niya adobo.

Kaya nga don't judge a dish by its smell.

"S-sorry, I'll just order some food."

"Hindi, ok lang."

I give him an assuring smile.
  
"Hindi kasi talaga ako marunong magluto. In fact, it was my first time cooking adobo kaya di ko alam na ganyan kakalabasan."
 
Kinuha niya ang phone saka may kinalikot.
 
"What do you want to eat?"
 
Tanong niya sa akin.
 
"Kung anong order mo iyan na lang din sa akin. Di naman ako pihikan sa pagkain."
 
I told him a matter of fact.
 
"Okay, do you have any allergies sa foods like seafoods or beans?"
 
He asked again but his eyes is still fixed on the phone.
 
"Fortunately, wala naman."
 
Napatango lang siya saka pumindot-pindot at ng matapos ay nilagay ang phone sa mesa.
 
"Our food will arrive after fifteen minutes. I'm really sorry, naabala pa ang hapunan mo."
 
Kanina pa siya sorry ng sorry eh di naman niya sinasadya.

"Ano ka ba okay lang. Isa pa normal naman magkamali lalo na kapag pinag-aaralan mo pa lang ang isang bagay."
 
Napabuntong hininga siya saka tumingin ng diretso sa mga mata ko.
 
"I didn't know na ganito pala kahirap bumukod sa magulang at magsimula ng sariling buhay kasama ang asawa mo. We are both new to this Zari but hoping we'll be able to surpass this challenges and problems we have. You're my wife now and I'm your husband so let's count on each other and make this relationship work."

Napatango naman ako sa sinabi niya.
 
"But if time comes na di mo na kaya at di ko na rin kaya, let's just be honest with each other and just file an annulment."

Married to Mr. President(On-going)Where stories live. Discover now