Chapter 3

2 0 0
                                    


Dali-dali akong tumakbo papuntang likod ng kusina dahil sa pagkabalisa. Maya-maya ay nakarinig na ako ng mga boses senyales na nakapasok na sila.
 
"Akala namin hahayaan mo na kaming matusta ng araw sa labas."
 
Rinig kong boses ng isang lalaki habang tumatawa na nagsasalita.
 
"Sino bang nagsabi sa inyong pumunta kayo dito?"
 
Balik ni Clyden sa kanya. Di ko alam ba't ganyan ang ugali ng lalaking iyan. Madalas siyang cold at suplado sa ibang tao pero kapag sa amin ng mga pamilya niya ay  di naman siya ganyan. Pero kahit ganuon di ko naman nakita na minsan nag-away sila dahil sa ugali niya. Hindi nga ba? Ewan di ko naman kasi sila nakakasalamuha at di ko alam  kung anong nangyayari sa grupo nila.
  
"Simulan na natin ang plano. Alas tres na at kailangan nating magmadali."
 
Tinig iyon ng isang babae.
 
"Hindi mo kami madadala sa pa ganyan ganyan mo, Cheska. Alam naming may date ka kaya nagmamadali."
 
Nagtawanan naman ang mga kasamahan nila.
 
"Tse! Tumigil ka dyan Yuki. Simulan na natin."
 
" First of all, is there any progress sa attendance ng mga senior high school students?"
 
Tanong ni Clyden sa kanila.
 
"Pres, meron pa ring umaabsent without valid reason. Kung bakit ba kasi pumayag ang school na magkaroon ng senior high sa atin. Edi sana hindi natin pinoproblema ang mga bubwit na iyan."
 
"Ang sabihin mo sana meron silang sariling student council since iba naman ang college sa senior high."
 
Wika ng isang babae.
 
Interesante ang topic nila kaya pumasok ako ng kusina saka nagtago sa likod ng cabinet upang makinig. Hindi naman sa pagiging chismosa pero about naman sa school namin ang topic at estudyante diin ako doon kaya somehow involve pa rin ako sa topic nila.
 
"Magiging mahirap iyan. Two leaders for two different student council. Magkakaroon ng conflict iyan lalo na kung about sa buong school ang pag-uusapan. There will be conflicts of ideas kaya mabuting iisa na lang ang mamuno sa school besides yakang-yaka naman ni pres to."
 
Sagot naman ng isa.
 
Kung sa bagay maliit na bagay lang 'to kay Clyden. He's a great leader na kung pwede lang ay i-elect ko siya para sa posisyon ng presidente ng Pilipinas.
 
Ang tanga ko lang diba! Hahahaa
 
"Ay ang cute naman ng tsinelas na 'to Pres. Sayo ba 'to?"
 
Narinig kong wika ng isang babae.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa narinig.

Patay ang kulay pink kong tsinelas na may bunny design naiwan ko sa sala sa sobrang pagmamadali!
  
Shemss Clyden total matalino ka naman sana pakinabangan mo iyan kahit ngayon man lang!
   
Napapikit ako sa sobrang inis. Di ko rin alam kung ano ng nangyayari sa loob dahil bigla na lang itong tumahimik. Mas lalo yata akong natakot.
 
"Oo, ito lalabas na nga!"
 
"Bye Pres. bigay ko na lang sayo ang updates bukas."
 
" See you sa school bro!"
 
"Una na kami Pres!"
 
Halos sabay-sabay na wika nila at tila ba may mga kabayong nakawala sa hawla dahil sa lakas ng mga yapak nila. Halatang nagpapaunahan silang lumabas ng bahay. I'm wondering why? May ginawa kaya si Clyden?
 
"Get out."
 
Nagulat naman ako ng may biglang magsalita mula sa harapan ko. Pag-angat ng tingin ay nakita ko ang walang emosyong mukha ni Clyden. Bitbit din niya ang tsinelas ko.
  
Patay ka ngayon Zariyah Fernandez Altagracia!
  
Napapikit ako dahil alam kong dadating ang isang unos!
 
"Suotin mo 'yan baka gapakin ka ng lamig."
 
Wika niya saka tinalikuran ako.
 
Teka?
  
Iyon lang? Hindi siya galit?
  
"Oyy Clyden. Teka lang!"
  
Hinabol ko siya ng papaakyat na siya ng hagdan. Muntik pa nga akong madapa.

"What?"
 
Lumingon siya sa akin na blanko pa rin ang ekspresyon ng mukha.
   
"Di ka galit sa akin? Di mo ko sisigawan dahil muntik na tayong mabuking?"
 
Tinaasan niya ako ng isang kilay. Ngayon ko lang narealize na medyo intimidating talaga si Clyden. No doubt why our school mates are afraid of him.
 
"Why would I? If they keep their nose out of other people's lives then they wouldn't find it out."
 
Nakahinga naman ako dahil sa sinabi niya akala ko talaga mapapagalitan ako. Mula ngayon talaga magiging mabait na ako kay Cly—
  
"Besides I'm married to a person whose IQ are unbelievable. That's why your stupidity is quiet understable."
 
Napanganga ako literal sa sinabi niya.
 
Ako? Stupid?

  
"Aba hayop ka!"
   
Hinubad ko ang tsinelas saka binato sa kanya pero di ko natamaan.
  
Arghhh hayop kang nerd ka!
  
 
Kinaumagahan nauna akong pumasok sa school dahil ayaw kong makita ang pagmumukha niya pero kung sinuswerte ka nga naman nagkasabay pa kami sa pagpasok sa gate ng school.
 
Huwag mong sabihin na sinadya din niyang pumasok ng maaga.
 
"You're early today, Ms. Fernandez."
 
Wika niya na para bang hindi niya ako sinabihan na stupido kagabi.
    
"Paano mo naman nalaman na maaga ako ngayon, Mr. Altagracia. Inaabangan mo ba kung ano oras ako pumapasok palagi."
   
Natigilan siya for a second, I caught him off guard but I know Clyden. He won't let you know that you already caught him off guard.
 
Napangisi siya saka tumingin sa hawak na record book.
 
"I review last night the record of our school when it comes to tardy students. And guess what? You're second on the list. In short palagi kang late kaya I'm wondering what makes you go to school this early?"
  
Makahulugan niyang tanong.
 
Inirapan ko siya saka nilagpasan. Wala akong balak na pansinin siya diba? Pero ano 'tong ginagawa ko ngayon.
  
"Tsee nerd."
 
" Let me remind you na asawa mo lang naman ang nerd na ito."
 
Napahinto ako bigla dahil medyo napalakas ang pagkakasabi ni Clyden. Agad akong nagpalinga-linga sa paligid at may kaunti ng mga estudyanteng naglalakad sa ground.
   
Dali-dali akong naglakad pabalik sa kinatatayuan niya. Amusement is dancing on his eyes.
   
"Hayop ka, Clyden. Gusto mo talaga malaglag tayong dalawa no?"
  
Pabulong pero madiin na sabi ko na ikinatawa lang niya.
  
"Don't worry honey I will always be here for you. Handa naman kitang saluhin kahit anong oras pero sana handa ka rin para sa akin dahil honestly speaking di ko iyon madama sayo."
 
He then left me standing in the ground dumbfounding.
 

  

  

 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Married to Mr. President(On-going)Where stories live. Discover now