LOVERS CHAPTER 33

107 9 1
                                    

KAI'S POV

Nandito ako ngayon sa kusina tinutulungan si manang magluto nang biglang lumabas si sica sa kwarto, nagkatinginan lang kami pero agad nyang tinanggal yung tingin nya sakin, ang awkward kasi ng nangyari sa amin kanina, ihahatid ko na pala sya ngayon sa bahay nila.

Pumasok ng banyo si sica kaya kami ni manang tuloy pa din sa pagluluto.

"Kai, kaya mo na ba syang paalisin?" Tanong ni manang, yan yung tanong na umiikot sa utak ko na hindi ko masagot sagot.

"I don't know, gusto na nyang umuwi and infact may pasok na kami bukasggfffe'er rriculawl) manang, Kaya kahit ayaw ko man wala na akong magagawa" sabi ko.

"Tama ka dyan, magkikita pa naman kayo sa school diba?" Tanong ni manang

"Yeah, ngayong school year lang but pano kung matapos na, malapit na din kaming grumaduate at babalik na ako sa states" sabi ko.

"Kung mahal mo ang isang tao ipaglalaban mo sya at gagawin mo ang lahat makasama mo lamang sya" sabi ni manang..

"Bakit ko pa kailangan syang ipaglaban, e alam ko namang di sya sakin at may iba ng may nag mamay ari sa kanya?" Tanong ko.

"Bakit kasal na ba sila nung lalaki? Hindi diba? Meaning hindi nya pa pagmamay ari si sica kaya pwede mo syang ipaglaban" sabi nya.

"Di nyo po ako naiintindihan manang, pinsan ko po yung lalaking yun at nanay po ni luhan ang nag uutos saking ligawan ko si sica pero ang lahat ng nararamdaman ko ay naging totoo, gusto po ni tita na sumuko si luhan at pumunta sya ng ibang bansa kasama si tiffany" sabi ko.

"Yun naman pala e" sabi ni manang

"Manang si luhan po, pinsan ko, sya po yung kaibigan ko nung bata kami, at ayaw ko syang agawan sa babaeng gusto nya" sabi ko

"May tiffany na sya, at mukhang mahal naman nya yun" sabi ni manang.

"Mahal? Nagkakamali kayo, ginagawa nya lang yun dahil kapag di nya ginawa yun ay ilalayo sya kay sica kaya ginawa nya yun para kahit makita man lang nya ay magawa nya" sabi ko.

JESSICA'S POV

Lumabas na ako ng banyo kasi tapos nako maligo, guess what? Uuwi na ako! Yey! Halo halo ang nararamdaman ko, malungkot kasi iiwan ko na si kai, iiwan talaga? Haha! Masaya kasi makikita ko na sila sulli ulit!

Nakita ko si kai na parang nangingilid yung luha, anong nangyari dito? Haist!

"Umiiyak kaba?" Tanong ko.

"Ah, h-hindi," sabi nya.

"Weeh? Bat may luha ka sa mata?" Tanong ko.

"Uhm, a-no ano kasi uhm, naghiwa ako ng sibuyas kanina" sabi nya

"Ah, ok, ano bang niluluto nyo?" Tanong ko

"Liempo" sabi nya, may sibuyas ba yung liempo, alam ko namang nagsisinungaling sya e.

"Ah, ge magbibihis lang ako ha?" Sabi ko at tumango lang sya, nagtungo ako sa kwarto nya at kinuha yung damit ko na suot ko nung nabasa ako.

Nilabhan na yun, wag ka! Nagsuot nako ng damit ko at naglagay ng konting make up.

After kong magbihis lumabas na ako and i saw kai, na naghahanda ng pagkain sa dining, ngayon ko lang syanh nakitang ganito, bakit? Anong pinakain ni manang dito?

"Sica, alam mo ikaw lang ang babaeng pinagluto nya, simula ng masaktan sya ng dahil sa isang babae, di na sya nagluto" sabi ni manang.

"Ano pong ibig sabihin nyo?" Tanong ko.

STRANGERS TO FRIENDS AND TO LOVERS [LuSica]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon