LOVERS CHAPTER 39

130 9 2
                                    

JESSICA'S POV

Ang hirap pala kapag di mo nasabi ang totoo sa taong sobra mong mahal, magsisisi ka kung bakit mo sinabi sa kanya yun, tapos kung kailan wala na dun mo palang marerealize na di mo kayang wala sya.

Nandito lang ako sa kwarto ko nakatingin sa bintana hinihintay kong dumating si luhan, pero nakakasawa na din palang maghintay, umaasa ka sa imposible namang mangyari.

SULLI'S POV

Nandito ako sa kusina kasama si kris nagluluto kami kasi si manang may sakit kaya kami naman ang maghahalaga sa kanya, si sica naman ilang araw ng di lumalabas sa kwarto nya.

Speaking of sica nandito na pala sya at nakatayo lang sya sa isang tabi kaya nagkatinginan kami ni kris.

"Hi sica! Buti bumaba kana" sabi ko.

"Ay, tulungan ko na kayo" sabi nya, kinuha nya ang sibuyas sa harap ko at namamaga na din ang mga mata nya.

Tinitingnan lang namin sya ni kris at tumutulo na ang luha nya.

"Grabe, hinugasan nyo ba tong sibuyas?"tanong nya

"Oo, hinugasan namin yan ng maayos" sabi ni kris.

"Bakit naluluha pa din ako?" Tanong nya

"Kasi di naman yan ang nagpapaluha sayo" sabi ko sabay kuha sa sibuyas na hinihiwa nya.

Mas lalo lang syang naiyak, kaya niyakap ko sya , nakakaawa na sya, pero kahit ano naman kasing sabihin namin kay luhan di sya naniniwala samin.

"Ang hirap umasa!!" Sabi nya habang umiiyak.

"Mahirap talaga, pero yang paghihirap mo ay masusuklian ng kasiyahan sa bandang huli" sabi ko.

"Araw araw nalang akong umaasa na darating sya" sabi nya.

KAI'S POV

Papunta ako kila sica ng makita ko syang nakaupo sa labas ng bahay nila, malungkot, nakatulala, mukhang alam ko na kung sino ang iniisip nya tumabi ako sa kanya at umupo, napatingin naman sya sakin.

"Malungkot ka pa din?" Tanong ko "kaya nga ako pumunta dito kasi namiss kita tsaka yung mga ngiti mo pero wala naman pala akong makikitang ngiti sayo" sabi ko

Ngumiti sya sakinpero alam kong pilit lang ang ngiti nya.

"O sige, kunwari naniniwala ako sa ngiti mo" sabi ko napatingin naman sya sakin na parang nagtatanong

"Alam kong fake lang ang ngiti mo" sabi ko.

"Sorry ha? Kung nadadamay ka sa kadramahan ko sa buhay ko, pati ng sila sulli e" sabi nya.

"You don't need to apologize kasi mahal kita" sabi ko napatingin na naman sya sakin na parang nagtatanong "i mean mahal ka namin, kaya tutulungan ka namin sa lahat ng problema mo" sabi ko

BAEKHYUN'S POV

Nandito ako sa bahay nila sica, well asusual si sica nasa kwarto nya nakakulong sabi nga nila lumabas na daw si sica kanina e, namimiss na nga namon si sica na masayahin, palaging nakangiti at maganda, pero ngayon kapag nakikita namin sya palaging namamaga ang mata, tumutulo ang luha, sabog ang buhok, at nakakunot ang noo.

Paano kaya kung mamasyal kami para pasayahin sya, i think that's not a very bad i dea.

"Guys what if mag outing tayo?" Tanong ko.

"That's not a very bad idea" sabi ni sulli, diba sabi ko sa inyo e "pero may sakit si manang walang magbabantay sa kanya!"dagdag pa ni sulli.

"Edi isama natin?" Tanong ni kris.

STRANGERS TO FRIENDS AND TO LOVERS [LuSica]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon