Chapter 2: Lies

1 0 0
                                    

Bakit nagsisinungaling ang mga tao? Naitanong mo na ba yan sa sarili niyo? Kapag nagsisinungaling ka sa iba? Nagsisinungaling ka rin ba sa sarili mo?

Nanatiling nakapokus ang mga paningin ko sa dalawang tao na halos kunin na ng mga langgam dahil sa kanilang ka-sweetan, may narinig pa nga akong mga estudyante na napapasana-all sa kanilang sweet gestures. You might ask me kung okay lang ako and like what everyone would literally answer on that question my definite answer would be. Yes, I am fine. Liar

Wala akong karapatan na magselos dahil number one. He is not mine and he will never be mine kaya bakit naman ako magseselos? Isa pa, kahit na sasabihin niyo na talagang nagsisinungaling ako....sige na nga, nagsisinungaling ako pero in the end, mapapaniwala pa rin ako sa kasinungalingan na yan. Dumaan ang jeepney na sasakyan ko papauwi. I immediately went inside kahit na napakalakas pa rin ng ulan at buti naman pinasakay ako ni manong driver. Napatingin ang mga pasahero sa akin dahil parang basang sisiw ang hitsura ko. Narinig ko rin ang mga binubulong nila na naaawa sila sa akin dahil naliligo sa napakalamig na ulan. Kung naaawa kayo sa akin, may magpapahiram ba sa inyo ng payong? Diba wala?

"Hala ineng ang basa mo na, okay ka lang?" nagtanong pa ang isang pasahero na nasa tabi ko lang. Mukha ba akong okay sa kalagayan na ito? Alam naman nila ang sagot kaya bakit naman nila itatanong pa? For clarification?

"Okay lang po" ayan na naman ang okay na sagot na kahit kailan hindi naman okay. Ayoko lang sabihin sa kanila ang katotohanan dahil in the end wala silang tulong na maibibigay sa akin.

Bakit nga ba nagsisinungaling ang mga tao? Sa palagay niyo bakit kaya? Ako kasi, ang pagsisinungaling ay parang defense mechanism ng tao, example, kahit na nahihirapan sila kailangan nilang magsinungaling na gusto nilang ipakita na ayaw nila ng tulong. Gusto nila na ipakita sa mga tao na hindi sila weak at malakas sila dahil kinain ito ng takot. Takot at pangamba na magiging topic sila ng chismis kung bakit napaka weak nilang tao. Yung iba naman, nagsisinungaling dahil ayaw nila makasakit ng tao. But still, when you chose to lie, you are eventually adding the future pain of the person whom you share lies to.

Nakarating na ako sa bahay namin at pagkapasok ko, nakita ko si mama na nanonood ng telebisyon at nung nakapako na ang tingin niya sa akin. Isang malaking hampas ang na-receive ko sa kanya. Aray!

"Diba sabi ko sa'yo, araw-araw ka nalang magdala ng payong"

"Ma naman! Kung magdadala ako ng payong dinadagdagan lang nito ang bigat ng bag ko" maliit pa naman ako at hindi ganun katangkad tsaka puno ng mga libro itong bag ko.

"Kahit na! Magdala ka araw-araw ng payong mo kahit na mabibigatan ka pa, alam mo naman na masakitin ka, ano? Magpapagasto ka na naman? Gusto mo matulad tayo sa dati?"

"oo na, oo na"

Ayan na naman ang mga pangaral niya sa kanyang bunsong anak. For everyone's information, masakitin talaga akong bata noon. Napaka-sensitive ng katawan ko na ang dali dali ko lang mahawaan ng sakit. At dahil labas pasok ako ng hospital, napakalaki ng gastos namin, yung tipong ang dami dami na naming utang at pati na rin na-bankrupt tuloy ang negosyo namin. Saan sinisisi ng mga magulang ko? Sa akin. Kaya kahit na masakit ang ulo ko o kaya naman dadapuin ako ng lagnat, sipon o flu, hinding-hindi ko sasabihin sa kanila. Dahil masasaktan lang ako sa mga salitang isusumbat nila sa akin. But it's fine because I'm kind of use to it. Even though I tried explaining my side that it wasn't my fault that I am born as a sickly child, they would never ever accept it as a reason for that.

Pumasok na ako sa kwarto ko at dahil nababasa na ako ng ulan, naligo nalang ako. Pagkatapos ay tiningnan ko ang cellphone ko para sa weather update bukas. Ang nakalagay, "sunny", hindi naman siguro ganun ka-accurate ang weather forecast. Kaya nga ang weather ay weather weather lang, instead of buhay, weather ang pinalit ko sa signature quote ni kuya kim dahil hindi ka mag-eexpect na ang forecast ng PAG-ASA na sunny day ay magiging rainy day pala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Catching that StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon