"What about you? Do you have any memories whether good or bad about rains?" asks our teacher who was sharing a story that would be found on our book. What a coincident. As I took a peak at my cellphone screen may nakalagay na warning through the form of notification. It says that "light rain would possibly happen at 4:00 pm" which is my dismissal. Palihim ko na inilagay sa loob ng aking bulsa ang cellphone ko pagkatapos ko itong tingnan. Hindi kasi allowed sa amin na tumingin o hawakan man lang ang aming cellphone if classes are still ongoing, kapag nakita kang lumabag, they would confiscate it and will return your cellphone within 2-3 days. Ganun ka tagal.
"So that would be all for today, I hope you will not forget the tasks I gave you. Class dismiss"
"Goodbye Sir Cruz" everyone of us started to pack our things inside our bag in order to get ready in going home or going to other planned places. Yung iba pa nga nagmamadali dahil ayaw nilang mahuli sa sale ng mall o di kaya may mga date ang iba sa kani-kanilang boyfriends and girlfriends. As for me, none of the above pero totoong nagmamadali rin akong umuwi...dahil hindi ako nakadala ng payong.
Why? Hindi naman bago sa sa atin na minsan talaga kapag uulan, nakakalimutan nating dalhin ang mga payong natin and usually the reason behind that is because hindi natin ini-expect that that specific day would rain. Kaninang umaga lang kasi ang sikat sikat ng araw tapos maya-mayang hapon ay uulan na pala. Ganun ka moody ang panahon at madalas na pinagti-tripan pa ang mga taong hindi nakadala ng payong. Kapag nagdadala kasi ako ng payong, hindi naman uulan.
"Autumn, sabi ng adviser natin check mo daw ang mga members mo na naglilinis sa classroom, baka daw kasi may tumakas" hays. Group ko pala ang naka-assign para linisin ang classroom namin. Matatagalan talaga akong makauwi, which would literally mean. Aabutin ako ng ulan. Tumango ako sa kaklase kong si Lalaine, isa rin siyang cleaners kagaya ko. Kahit na gusto kong tumakas, hindi pwede dahil aside from being a leader tiyak na I would get a minus points in my conduct at isa pa naman yun sa mga evaluation for my scholarship. Oo, isa akong scholar ng paaralan namin. Academic scholar specifically. Hindi naman ako mayaman para makabayad ng full amount sa tuition naming napakamahal. Yes, minsan conyo ako at dahil yun sa, alam niyo na? Training para makapag-speak ako ng proper English and though its conyo at least na train ko paminsan minsan ang sarili ko sa pagsasalita ng ganitong language na napaka-importante in the future dahil gagamitin naman natin ito sa work place.
"Autumn, sorry talaga! I can't join the cleaning kasi I'm having dysmenorrhea, ang sakit sakit ng puson ko and I need to take a rest" nanatiling nakapoker-face ako habang binibigkas niya ang mga words na purong kasinungalingan. Last time ang sabi niya sa leader niya sa History subject namin, her period always starts first week of the month kaya ang excuse niya rin last time was this, dysmenorrhea...third week of the month na ngayon. So?? how many times does she have a period?
"Third week na ngayon ng month. Diba first week of the month ang period mo? Yan nga ang sinasabi mong excuse kay Dia...and that was this month" I never looked at her face dahil walis lang ako ng walis. Lima lang kami as a group and then kapag hindi siya sasali, mas matatagalan pa kami especially na our adviser assigned us to different tasks. Ako ang taga walis, yung iba taga arrange and she is assign in arranging the shelves, napaka-unfair naman na papauwiin namin siya and then we are all doing the work for her, take note she was already doing this for a couple of times. Kahit na ililista namin ang pangalan niya for not doing her task, she doesn't care. In the end, madadamay kami because we would also get a minus 2 points because of a member for not cooperating with us, gusto ko pa naman before the semester ends, group ko ang may award sa pagiging committed sa paglilinis. Oo, medyo mababaw na reason pero I need it for my homeroom grade to reach the expected grade for the academic scholarship.
"Please naman, Autumn oh! My boyfriend is waiting for me, lalo na't it's going to rain pa oh, mababasa yun" she pouted and showed me her cute face. Hindi ako nakyu-cute-tan, gusto ko tuloy siyang itapon sa basurahan because it doesn't suit her. Marrison, her name by the way was known to be a bitch of our school, ang dami niyang kaaway and she has a lot of violations pero wala talaga siyang pake na nadudumihan na ang kanyang records. She was also our last rank student sa overall grade 12. Paano ba kasi? Hindi gumagawa ng assignments and projects plus, kung sino ang magiging groupmates nito, madadamay talaga sa mga gawain niya and unfortunately, I am one of them. Kaya she needs to learn a lesson. She must clean, whether she likes it or not, napaka-easy na ng task niya, hindi pa niya gagawin.
"Please proceed in doing your tasks. Whatever excuses you are going to tell me I would never say yes. Hindi ka rin makakatakas because I will be eyeing you always. Now go" hindi ko nalang pinapakinggan ang mga sinasabi niyang pagdadambog, hindi na rin siya pinansin ng mga ka-grupo ko.
"Buti nalang hindi mo talaga siya pinayagang makauwi yang Marrison na yan" bulong si Christia
Natapos kami at exactly 5 pm pero para nang nasa 6 in the evening dahil napakadilim ng paligid. I am sure na malakas ang ulan ngayon and knowing na hindi pa binabagsak ng ulap ang mga luha niya sa lupa would means na its still saving a lot of liquids para ibuhos niya sa aming mga tao, lalo na ang mga walang payong.
"Hya? May extra payong ka ba?" tanong ko sa kaklase ko na naabutan kong naghihintay kay Christia sa labas
"Wala eh, sorry Autumn, para kay Christia lang din ang dala kong pangalawang payong. Bili ka nalang sa convenience store malapit sa school natin"
"S-sige salamat" ang problema, wala akong extrang pera. Pamasahe ko nalang sa jeep ang natitira kong pera sa loob ng wallet ko. Mabilis akong tumakbo para pagsakay ko ng jeep hindi pa ako basa, okay lang naman sa akin na pagkarating ko nalang ako sa bahay nababasa wag lang before ako nakasakay dahil madali lang akong giginawin. Pero dahil mapaglaro ang weather, inulan na niya at napakalakas pa na halos matatangay na kaming mga taong payat sa hangin niya. Nanatili muna akong nakatayo sa waiting shed na nasa labas ng campus namin. Nakita ko ang mga taong nagsitakbuhan para lang may mga masilungan and most of them ran where I was standing kaya ang ending ang sikip ng paligid.
"Oops sorry" sabi ko sa katabi kong estudyante rin sa paaralan namin. I think she's from the STEM class siguro or from ABM. Hindi ko kasi nakita ang mukha niya dahil nakatalikod siya.
"Babe here!" she shouted at pagtingin ko. I saw him.
He was bringing an umbrella at tumatakbo siya papunta sa waiting shed. He was smiling ear to ear, may dala rin siyang dalawang bag, yung nasa harapan niya ay kulay pink at ang nasa likod niya ay yung sa kanya. His signature black and white jansport bag na may nakalagay na initials ng pangalan niya. G.V. She went straight to the girl and offers his umbrella, inakbayan niya rin ito.
"Let's go" he said. Sabay silang tumawid dalawa and they went straight to the convenience store which was in front of us. Dahan dahan na ring umalis ang mga kasama ko sa waiting shed, sinundo kasi sila ng mga mahal nila sa buhay at mga kaibigan nila. I was then left alone, patuloy ang paglakas ng ulan at ang pagdilim ng paligid. Nakatunganga lang akong nakatayo habang hinihintay na tumigil ang pagbuhos ng ulan. I also started to wear my red jacket and put on my hood. Nakita ko Siyang lumabas kasama ang girlfriend niya, they both are very happy and then he started to kissed the girl's forehead, sabay nito ang pagkulog at mas lalo tuloy lumakas ang ulan. Damn it, akala ko ba light rain?
Nantili ang mga mata ko na nakapokus sa kanilang dalawa. So siya pala ang girlfriend niya.
I already know na wala akong pag-asa sa kanya and even though malapit kami, ang laki ng agwat at distansya namin sa isa't-isa. Para siyang star, ang hirap abutin.
Pero ang tangi ko lang namang hiling ay sana naman maalala niya ako. Because the time when we first met was very memorable to me na hanggang ngayon hinding-hindi ko nakakalimutan lahat, everything was very vivid to the point na parang kahapon lang nangyari ang lahat. If he didn't remember me, does that mean, that special days was nothing but an ordinary day for him?
My name is Autumn Seasons and the guy right in front of me is Gidion Vaughn. I am 18 years old and this is my life and love story.
BINABASA MO ANG
Catching that Star
RomanceAng life and love story ni Autumn Seasons at kung paano niya hinarap ang iba't-ibang hamon ng buhay