Wala Na't Inanod

6 2 0
                                    


Unang araw palamang ng maging tayo
Sobrang saya ko
Akalain mo iyon
Crush ko lang noon jowa ko na ngayon

Pero kalagitnaan na ng ating istorya
Bigla ka nag-iba
Wala naman akong maling nagawa?
Diba? Diba?

Nagulat ako sa nakita ko sa mensahe
Mensahe ng sinabi mong kaibigan
Nagpadala sya ng imahe
Kayong dalawang naghahalikan

Pinagtripan mo lang ba ako?
Masaya kana ba na nakuha mo sya?
Alam mo ba ang sinabi nya?
Ang sabi niya mahal na mahal ka niya at iwan mo na ako

Sana sinabihan mo ako
Para ang nararamdaman ko'y hindi ganito
Walang hiya ka, manloloko!!
Minahal mo ako dahil kailangan, hindi totoo lahat ipinakita at ipinaramdam mo

Ang sakit, sobrang sakit
Sinaktan mo ang puso ko ng paulit-ulit
Sa susunod... Ay mali wala ng susunod
Dahil ang pagmamahal ko sayo'y parang basura sa tubig, wala na't inanood

Flying ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon