Chapter 7: The girl from Nowhere

40 2 0
                                    

A/N:Si Josephine"Joe" Castillo

Donna (Baklitang BFF ni Honey’s POV)

Infairness! Pang Oscar ang performance ng Lola mo! Bwahahaha. Naku lang! Tyak mapapansin din ako ni Papa Carlo nito.

Tinignan ko ang direksyon ni Carlo, pero wala siya.

“Waiter, Waiter! “ pag agaw ko ng atensyon.

“Yes, po?” Sagot ng isang waiter na hindi maintindihan kong babae ba siya o Lalaki sa porma. Mukha naman siyang lalaki, pero bakit para yatang kasing lamig ng yelo ng boses ng taong ito.

“Nasaan yung poging waiter na kausap ko kanina?”tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa kinauupuan ko.

“ Ah, si Carlo po ba yung hinahanap niyo?” tanong ng itrimetidang mukhang sasali sa That’s my tomboy ng 2015.

“Oo, siya nga” diretsong sagot ko.

“ Ah, nakaalis na po. Off na kasi niya eh! Di bale po, andito naman po ako.Mag aadd po ba tayo ng order?” Nakangiti pa rin siya sa akin.

“Hindi,.Sige aalis na ako. Thank you!”Sabay  tayo at nag iwan ako ng bente pesos sa table ko.

“ Ah sir, maitanong ko lang,bakit, mukhang interasado ka kay Carlo? “Kumindat ang bruha.”Uyyy…hehehe. Type mo noh?” sabay kurot sa tagiliran ko.

Napataas naman ang kilay ko. Ano to, feeling close lang ang peg? Ang sarap niyang ibitin sa chandelier ha!

“Excuse me na mukhang ka kosa ni Aiza at Chariz sa kalye di maliko, it’s none of your business. I don’t even have to talk to insipid worms like you. Kung makapag usap ka sakin akala mo nasa palengke tayo.”

Tumalikod ako at nagsimula ng umalis. Nagulat na lang ako ng hinila niya ang braso ko.

“ Excuse me rin Po. Pero Po, wala kayong karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan. Po. Eto nga pala yung bente pesos na iniwan mo sa table mo. “sabay lagay niya sa bulsa ng dibdib ng damit ko.

“Ibili mo ng Cornetto, mukha kasing mas kailangan mo, para sa init ng ulo mo. “

Tiningnan ko siya ng pagkaliit liit ng ever so chinito eyes ko. At saka tumalikod.

Pero hindi ko maiwasan marininig yung sinasabi niya.

“Sayang, ang pogi mo pa naman. Type sana kita. Kaya lang, type mo yung manliligaw ko eh.”

Secretly NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon