ఌ︎ꨄ︎PROLOGUEꨄ︎ఌ︎

15 3 0
                                    

May 18, 2021

IT was a perfect day to move out.

Ilang linggong paghihintay na lang ay unang araw ko na as a Grade 12 senior highschool student. Napatitig ako sa mga bagaheng dadalhin na'min sa bagong bahay na lilipatan na'min mamaya. Parang kailan lang nung huling lipat na'min dito, ay ang unang beses ko ring nakilala sina Ashianna at Kiah. Ilang kilometro mula rito ay bahay na nina Ashi, sigurado akong manlulumo ang babaeng yon kapag nabalitaan niyang natuloy ang paglilipat na'min.

My parents choose a dorm for me at bahay na malapit lang din sa university na pinapasukan na'min nina Kiah. Sadyang malayo nga talaga ito kaya napagdesisyunan nilang maglipat kami ng bahay. Ilang oras na lang ay magbibiyahe na ang van na hiniram ni Tatay sa kaibigan niya ngunit heto pa'rin ako at nagdadrama.

Napabuntong-hininga na lamang ako at tamad na inayos ang ilang mga gamit ko na hindi ko pa nailalagay sa hawak kong mini box. Nauna na kasing ipinasok nila Nanay ang mga bagahe naming may lamang mga damit, at pinahuli lang ang mga personal stuffs, kaya 'eto ako ngayon sa kwarto ko at nililigpit ang mga gamit na gusto kong dalhin.

Kung ako lang ang masusunod, mas gugustuhin ko munang dalhin ang ilang mga major na gamit ko, at babalikan na lamang itong muli sa susunod. Kaso, nagmamadali na rin daw sa paglipat iyong mga bagong may-ari nitong bahay na'min. Hindi na rin naman ako nahirapan sa paglalagay ng mga gamit dahil wala naman akong masyadong nailalagay na mga ganoon sa kwarto ko. Sa totoo lang, isang mini table na may lamang bluetooth speaker, charger, box of pens, ilang pad ng papel, notebooks at limang makapal na libro lang ang laman ng mini table ko. Wala namang espesyal sa kama ko dahil kumot at unan lang ang laman nito na may gitara pang nakalagay sa tabi. I'm not fond of using stuffs such as lampshades and mini fans, mas gusto kong naiinitan ako kesa mamatay sa lamig.

I will miss my room. This kind of small but meaningful room was so special to me. Dito ko natutunan ang ilang mga bagay na hindi ko akalaing kaya ko pala. Marahan kong kinuha ang natitirang kumpol ng limang makakapal kong libro sa mini table ko. Iyon na lamang ang tanging naiiwan. Ililipat ko na sana ang mga ito sa katabi kong kahon...ngunit natigilan din ako nang mayroong isa pang maliit na libro na nahulog mula rito. Taka ko namang ibinaba sa katabi kong kahon ang lima kong libro at kinuha ang maliit na librong iyon na nahulog kanina.

Ang cute ng cover nitong 'Barbie, A Fairy Secret'. Kung saan nasa gitna si Barbie na may suot na kulay rosas na dress at may hawak na isang wand. Kulay ginto naman ang buhok niya at nakangiti sa akin.   Samantala, ang dalawa niyang kasama na nasa likuran niya naman ay mayroong kulay lilang damit at asul. Ang babaeng mayroong dress na kulay lila ay mayroong pakpak sa likod niya samantalang sirena naman ang babaeng may kulay asul na dress.

Natigilan ako saglit at pinakatitigan ito. Marahan kong hinaplos ang medyo luma na nitong cover at binuksan ang unang pahina nito. Tutal ay sira na rin ang lalagyan nito ng susi.

Saglit akong napangiti matapos kong mabasa ang isinulat ko noon sa unang pahina nito. Nakalagay ang salitang 'Hi, Stalker!!!', na mayroong simpleng lettering lamang. Kasunod nito ay ang pangalan ko at sa ibaba naman ay mayroong Han-gul words na Saranghaeyo ang nakalagay at sa tabi ng name ko ay ang cute na emoji na binibelatan ako.

Muli kong inilipat ang pahina at isang warning naman ang nabasa ko. Nakalagay dito;

WARNING!
     THIS IS A PRIVATE DIARY OF MINE, SO DON'T DARE TO EAVESDROP! IT IS PURELY WRITTEN IN ENGLISH LANGUAGE, SO, IF YOU'RE NOT READY, DON'T READ THIS...OR ELSE, THIS WILL MAKE YOUR NOSEBLEED!
AND IF YOU STILL GOING TO READ THIS...I WILL HAUNT YOU!

Natawa na lamang ako sa pagiging jeje ko noon. Isa pala itong Diary—ang hawak ko ngayon. My Diary when I was in Grade 9.

Kasunod ng pagbabasa ko ay muli kong inilipat ang pahina at tumambad sa akin ang not-so-perfect kong english grammar. Tahimik ko na lang itong binasa. Tutal ay mabilis lang naman akong magbasa at siguradong madali ko lang mabasa itong lumang Diary ko.

Loose Thread (Pain Series #2 On-Going)Where stories live. Discover now