CHAPTER 38

908 15 6
                                    

Things started to change after that day...


"Oh, lunch mo. Pinapabigay ni kuya guard sayo, galing raw kay Tyrone". 


May halong pagrereklamo ang boses ni Aliyanah.


Nilingon ko ang pagkain na inilapag niya sa gilid ko at nakita ko ang dalawang lunch box na nakalagay sa paper bag, he's been like this.


Pagtapos nung gabi na nakita namin si Austin sa restaurant and after we both hear each other's side, bumalik kami sa dating kami but I think he's much more thoughtful now.


Napangiti ako nang buksan ko ang unang lunch box, there's rice and pork cutlets. Sa isang lunch box naman ay may gulay at slices ng apple.


Hindi ko maiwasang kiligin sa mga nakikita ko, ano ba 'yan para akong teen ager ahh. Dali-dali kong kinuha ang telepono ko at nagtipa ng mensahe.



To: Engineer Martinez:

Thank you sa food 😊



Alam kong busy siya kaya akmang bibitawan ko na sana ang telepono ko nang bigla itong nagring, may tumatawag.


Sinilip ko ang ID ng tumatawag at nakita kong nakalagay ay 'Engineer Tyrone'. Kaagad kong inilapit iyon sa aking tainga at sinagot.


"Hi!". Masigla kong panimula, I heard him chuckle on the other line. 


"Hi, baby. Base on your text I guess you already got the food".


Tumango ako na para bang makikita niya, "Yes, nasa akin na. Thank you so much". Masaya kong wika, syempre food is life ano.


"No need to thank me, baby. When are you free by the way?". 


Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain sa sinabi niya, nilunok ko agad ang laman ng bibig ko para makasagot.


"Mamaya, maagang matatapos ang shift namin ngayon eh". Tugon ko.


"I miss you already". Namula ang mukha ko sa pinagsasabi ng loko, kahit kailan talaga oh!


  "Ang tamis naman". Pangaasar ko sa kaniya.


I heard him laugh, "I am always like this, hindi ka pa ba sanay?". 


Oo nga, simula noong naging okay kami ay ganiyan na siya. Bakit di pa ako sanay?


"Eh kasi nagugulat pa din ako eh, bakit ba?".


"Okay okay, I should immune you to my sweetness". Kung narito siya sa harap ko ay hinampas ko na siya pero dahil wala, virtual na lang. Joke!

Choosing You (Us Against The Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon