Chapt. 4: Punishment

173 14 2
                                    

Nagising ako. Napamulat ng biglaan dahil sa sinag ng araw at sa ingay..

Teka, bakit ang ingay dito? Bakit parang may mga sasakyan.. may mga nag iingay.. nasaan ba ako?.. baki----

"A-aray.." umupo ako pero sumakit yung likod ko.. bakit kaya..

Nasa isang eskinita ako. Wala akong maalala. Bakit ang sakit ng ulo ko? Hm.. mag lalakad lakad muna ako.

Tumayo nako at nag simulang mag lakad lakad.. nasan ba ko? Anung lugar ba to? Hayy..

"Hi Miss"

Lumingon ako kung san nang galing ang boses na yun. May nakita akong dalawang lalaki. Hm? Mga tao ba sila? Bakit ganun ang itsura nila?

Ung unang lalaking nag salita, naka jersey shorts lang siya. At maitim sya. Naka t-shirt at naka jacket. Malamig ba sa lugar na ito? Parang hindi naman aa.

Ung pangalawang lalaki, naka itim na shoes, pants, at shirt. At naka cap?? Ang gulo ah. Mainit ba? Bakit siya naka cap?

"Mukhang mag isa ka lang miss ah." Sabi nung pangalawang lalaki.

Palapit sila ng palapit sakin. At kinakabahan ako. Parang hindi ko gusto ang mangyayaring to. Binibigyan nila ako ng nakakalokong ngiti at malagkit na tingin.

Tumingin ako sa damit ko. Ano bang itsura ko? At ganun sila maka tingin? Napasinghap ako sa suot ko. Isang bistidang puting puti. Wala man lang kahit anung dumi. Pano nang yari? At.. a-at naka paa lang ako. Wala man lang kahit anung saplot ang aking mapuputi't maliit na paa.

Hindi ako makagalaw. Tila bang nagulat talaga ako ng sobra.

"Oh wag kang matakot samin, di ka namin kakainin, haha. Diba pre?"

Dugtong niya at tanung sa unang lalaki. Siguro nahalata na nila ang takot ko.. wala talaga akong maalala. Bakit ba ko nandito?

Nung maramdaman ko na papalapit na papalapit na sila sakin, tumakbo ako agad ng mabilis. Bakit parang hindi sanay ang mga paa ko?

Gaano ba kalayo ang eskinitang ito at hindi ako makalabas. Wala man lang katao tao dito.. lalo akong nakaramdam ng kaba nung natanaw ko ang dulo ng eskinita. Bakit.. b-bakit wala ng daan..

Tumigil na ko sa pag takbo. At tumalikod.. wala na kong mapupuntahan pa., mamamatay na ba ako dito?

"HAHA. Hindi ka na makakatakas babe."

Sabi nung unang lalaki.

Nakakatakot sila.. ano ng gagawin ko?

"Wala ka ng kawala, wag ka ng tumangkang tumakas" sabi naman ng isa.

Pumikit ako.. nung nararamdaman ko ng papalapit na sila. Pumikit ako lalo. Nararamdaman ko na parang gusto ng lumabas ng puso ko sa dibdib ko sa sobrang kaba.. naiiyak na ko.. anung gagawin ko..

Isip..

Isip..

Isip..

Isip..

Lumipad kaya ako?-- huh? L-lipad? San ko naman nakuha ang ideya na iyon??

Lumipad ka.. tila sabi ng konsensya ko sakin..

Bahala na..

Pumikit ako ng mariin,. Andyan na sila.' Malapit na sila.. a-ayan n-na..

May humawak ng braso ko. Ang gaspang ng kamay niya..

" sumama ka na s---"

*whooosh!~*

May naramdaman akong isang malakas na hangin. Napamulat ako dahil ang tahimik ng paligid ko. Anung nangyari?

"A-ano k-ka?.. h-hindi ka t-tao.." nauutal na sabi ng dalawa..

Sa sobrang pag tataka ko, hindi ko na namalayan na hindi nako naka tapak sa maruming sahig ng eskinita.. tumingin ako sa baba. Unti unti akong tumataas..

*whoosh! Woosh! ~* pagaspas ng pakpak k--ANO? P-PAKPAK? MAY PAKPAK AKO?!!

natataranta ako.. gulat na gulat ako sa mga nang yayari.. nanghihina na ako.. pagod na pagod ang katawan ko.. at ang sakit ng likod ko. Sobrang sakit.

Bumabagsak na ko ngayon.. buti nalang walang tao sa lugar nato.. hindi ko na talaga kaya.' Sobrang sama ng pakiramdam ko..

Pumikit ako at naramdaman kong tumiklop ang pakpak ko pabalik ng likod ko.. mamamatay nako..

*buuugggsshhh!!~* tunog ng pag bagsak ko..

"U-uhh.. " reklamo ko. Dahil sobrang sakit..

Kasunod ng pag bagsak ko ay ang tunog ng isang alarma ng sasakyan.. napamulat ako.. ngunit malabo ang nakikita ko.. bumagsak pala ako sa ibabaw ng isang kotse... at kasunod nun.. muli akong napapikit.. at wala na akong maalala.

★★★

"Ama patawad.. patawad po talaga.'" pakiusap ko kay Ama.. alam kong nag kamali ako sa misyon ko at sa unang misyon ko. Pero ayoko.. a-ayokong umalis dito sa ulap,. Dito ang kaligayahan ko. Dito ako masaya..

"Anak, nag kamali ka. Ngunit pinapatawad na kita."

"Ama.. maraming salamat po. Ngunit, parang awa nyo na po, wag nyo pong tanggalin ang pakpak ko.. wag nyo po akong patalsikin dito sa ulap.."

Umiiyak nako habang kausap ko si Ama. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung pati ang tungkulin ko ay mawala..

"Anak, hindi ko gagawin sa mga anak ko ang ganon. Samakatwid ay bibigyan kita ng isang misyon.. isang misyon na magagawa mo lang sa ibang lugar at walang anumang kapangyarihang gagamitin. Wag kang mag alala, binabasbas na kita ngayon."

Ngumiti sakin si Ama. Ngunit nakakadama parin ako ng kaba.. bigla siyang nawala at iniwan akong nag tataka.. pumikit ako. Nakakadama ako ng pag kaantok.. pero bago ako tumungo sa isang malalim na pag katulog, naitanung ko sa sarili na...

Ama.. anu pong plano niyo sakin?..

_____________________________________

Ano? Nagustuhan nyo po ba? Hihi. Pengeng star puh-lease? Haha. Wawa naman aku T.T

ANYWAY, highway xD, kaylangan ko ng sagot niyo.

Tutuloy ko pa ba itong story ko? Ask lang ^^
So thanks for reading! :*
~ Ree.

Cupida: The fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon