"L-lawrence" bulong na sabi ko
Pumunta si Lawrence sa pwesto namin.Nang makalapit na siya bigla siyang napatigil sa paglakad ng makita niya ako.
Nagtagpo ang mga mata namin.Umiwas na lang ako dahil sa tuwing nakikita ko ang mukha niya,nararamdaman ko pa rin yung sakit.
10 years ko siyang hindi nakita!Sa ngayon may nagbago na sa kanya. Ang kilos at pananalita niya ay lalaking-lalaki at ang itsura naman niya ay nagmature na.Hindi ko alam kung pati ugali niya nagbago na rin.
Miss na miss ko na siya.Gusto ko siyang yakapin ng sobrang higpit para mawalan siya ng hininga at mamatay na.Joke!.Siyempre hindi ko siya kayang mamatay.
"Ikaw pala yan dude.Musta?Hindi ko alam na umuwi ka na pala dito galing sa States"pagbati ni Nick kay Lawrence
" Surprise?Hindi ko na lang sinabi na umuwi na ako dito.By the way,okay lang naman ako.Ikaw kamusta ka na din?"tanong ni Lawrence habang nakatingin pa rin sakin.
Feeling ko ako ang tinatanong niya.Kamusta na nga ba ako?Tsk.Alam ko namang hindi ako okay dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin siya makalimutan.
"Okay naman.Ito may anak na kahit hindi halata dahil gwapo pa rin ako"sabi ni Nick ng seryoso
Napatawa naman ako sa sinabi niya.Pati din si Lawrence nakitawa din.Nakita ko naman na nakatingin samin si Nick ng masama.
"Hoy!Nagsasabi ako ng totoo.Hindi niyo lang alam ang salitang GWAPO"sabi ni Nick samin
"Mangarap ka dude!Mas gwapo ako sa'yo" sabi ni Lawrence
Okay.Ang hangin na po dito.Giniginaw na ako sa KAYABANGAN nila.
"Kamusta ka na pala Shiela?"nakangiting tanong niya sakin
"Ayos naman ako"simpleng sagot ko
"Daddy!Batit Tagal niyo pumasok dito sa car.I'm bored na,I want to go home!"pagsulpot ni Carl
"Nandito kasi yung friend ng daddy mo"sabi ko kay Carl sabay turo kay Lawrence.
"Hey little boy,Nice to meet you.Call me Tito Lawrence"sabi ni Lawrence kay Carl at tinapik ang ulo nito.
"Nice to meet you Tito Lawrence.I'm Carl!"masayang sabi ng bata
Napangiti naman si Lawrence sa kakulitan niya.Napabuntong hininga ako.Ang tagal ko ng hindi nakita ang ganyang ngiti simula ng maghiwalay kami.
"Mommy,I want to buy Ice Cream"sabi niya sabay baling sakin
"Okay,baby.Punta tayo doon sa Convenience Store"nakangiting sabi ko sa bata
"Mommy?"gulat na tanong ni Lawrence
"A-ah.."hindi ako makapagsalita
Hindi ko alam na nandito nga pala si Lawrence.
"Yes,si Shiela ang mommy ni Carl"biglang sabi ni Nick sabay akbay sakin
Hindi ako makapagsalita sa gulat ng bigla iyong sabihin ni Nick.Anong pinagsasabi ng lokong ito?Yes,mommy ako ni Carl pero not as biological mother.Di ba sinabi ko na namatay ang asawa ni Nick sa panganganak kay Carl.So,anong pinapahiwatig ng Nick na to?
Pati si Lawrence napatahimik din,gulat pa rin ako makikita sa mukha niya.Hindi siya gumagalaw.Anong nangyayari sa kanya?
"Congratulations"biglang sabi ni Lawrence ng cold
Tila na dissapoint naman ako sa sinabi niya.Iba ang hinihiling kong sasabihin niya. Akala ko masasaktan siya.
Nagulat na lang kami ng biglang tumawa ng malakas si Nick.
BINABASA MO ANG
Confession(one-shot)
KurzgeschichtenPlease read this and hope you like it! ©All Right Reserved 2014