Ang mundo ay punong-puno ng misteryo. Sa bawat bagay na aking natututunan, mas lalo kong nararamdaman ang kakulangan ng aking kaalaman. Na kumpara sa aking iniisip, sobrang dami ko pa palang hindi alam.Akala ko matalino ako. Top 1 kasi ako sa klase namin mula kinder hanggang high school. Pag tungtung ko naman ng kolehiyo, palagi akong nasa Dean's lister. Subalit... bakit pakiramdam kong napaka rami ko pang dapat matutunan? Na bobo parin ako pagdating sa reyalidad at matalino lamang sa leksyon na matatagpuan sa mga libro.
Kaya naman, nais ko pang matuto ng mga bagay-bagay, kahit iyong mga pinaka maliit at tingin ng iba ay hindi importante. Ang importante ay nadadagdagan ang aking kaalaman gaano man ka konti bawat araw.
"Ysa, anak, kakain na! " Sigaw ni Nanay mula sa kusina. Nagmadali naman akong ayusin ang aking mesa bago tumayo at lumabas na mula sa aking silid. Kagagaling ko lamang mag-aral para sa recitation namin bukas.
"'Nay, ako na po diyan. " Ani ko matapos makita si Nanay na maghahain pa ng ulam mula sa kaldero. Kaagad naman akong naglaway nang makitang paborito ko ang kanyang niluto.
"Yes! " Napahalakhak si Nanay nang marinig iyon. Alam niya talaga kung paano ako pasisiglahin matapos mag-aral ng ilang oras. Masakit man sa ulo ngunit kinakailangan.
Para sa diploma, para sa pangarap.
"Hm, ang sarap talaga! " Sabi ko pagkatapos ng unang subo. Medyo malamig ang panahon kaya mas sumarap pa ang Sinigang na hipon ni Nanay.
"Hala, kain lang nang kain. Nako, anak, magpahinga ka naman. Ilang oras kang subsob sa pag-aaral, baka mapano naman ang iyong kalusugan. Tandaan mo anak, mas importante pa rin na malusog ka... Matalino ka diba? Syur akong alam mo ang kasabihang 'Wealth is Health. '" Alalang ani ni Inay. Napangiti ako nang matamis nang masuyo niyang nilagay ang tikwas na buhok sa likod ng aking tenga.
"Nay, ayos lang po. Nag-eenjoy naman po ako sa pag-aaral, eh. At isa pa, 'Nay... Baliktad po kayo... 'Health is Wealth' kasi 'yon. Hehe. " Pinigilan kong bumungisngis ngunit nang sumimangot siya at pabirong ngumuso ay hindi ko na napigilan ang mapahagikhik. Ang cute talaga ni Nanay.
"Oh, parehas lang naman 'yon, eh! "
Napuno ng tawanan ang aming munting tanghalian. Ganito ang palagi kong hangad, ang makita si Nanay na masaya at malusog. Kaya naman, pagbubutihin ko pa upang maka graduate ako nang mataas ang marka, makapag apply, at matanggap kaagad sa trabaho para mas maibigay ko pa kay Inay ang kanyang pangangailangan lalo na sa parte ng kanyang kalusugan.
Si Nanay ay dating empleyado ng isang pabrika at nang tumungtong ng edad na 65 ay pinatigil na siya dahil sa age limit. May buwanang pensyon si Nanay ngunit kahit gano'n ay nagtitinda parin siya ng gulay sa palengke habang ako naman ay may part-time job bilang isang tutor.
Simple ang pamumuhay namin pero masaya ako doon. Mabuti na iyong simple kesa naman sa engrandeng pamumuhay at may araw-araw na problemang kinakaharap.
Subalit hindi ko rin alam... Sapagkat ipagkaila ko man, alam ng Diyos na sa aking kaloob-looban, nais ko ring maranasan ang mga bagay-bagay. Gusto kong makita ang ibang mga lugar. Don't get me wrong, I love my simple home town, but I also desire to see the other parts and places of the world.
I want to live my life to the fullest, but I'm also scared with the odds as its consequence. I love the tranquility and simplicity... but I also want to explore the wonders and mysteries of life...
I know, I am contrast personified. At minsan na rin akong binigyan ng sakit ng ulo dahil sa katangian kong iyan. Minsan, nahihirapan akong mag desisyon. Gaya ng aking napiling propesyon...
Noon, pangarap kong maging doktor, dahil gusto kong alagaan si Nanay at mag bigay ng libreng serbisyo sa mga tao. Ngunit nang malaman ko kung gaano ka habang panahon, kung gaano ka laking pera, at higit sa lahat ay ang katotohanang kailangan kong masanay na makita ang dugo, mga bangkay, mga taong nagka open fracture, may saksak, mga nahiwa at kung ano-ano pang sa tingin ko'y magbibigay sa akin ng hirap sa pagtulog at pagkain... nagbago naman ang aking gustong kunin.