PROLOGUE:HUWAG MO AKONG PAKILIGIN!

7 0 0
                                    


Ang pinakamagandang salita sa Filipino para sakin ay ang salitang 'Kilig'.

Nagbibigay ng saya at lubos na kagalakan sa puso ng isang tao. Diba ang sarap sa pakiramdam kapag kinikilig ka?

Hindi ito yung kilig na nararamdam mo pag umiihi ka. Ito yung nararamdaman ng puso mo at hindi ng pantog mo.

"Wag mo akong pakiligin."
"Don't flutter me."
"Don't make me blush."

Wala man eksaktong katumbas ang salitang ito sa wikang Ingles, pero ito ay maihahalintulad mo sa 'Butterfly in your stomach', ' feeling giddy', 'thrilled', 'having romantic excitement' o kung ano pa man.

Oh kay gandang salita.

Ikaw ba naranasan mo na ito?

Marahil oo.

Kahit sa panonood mo ng kdrama o anumang palabas na may romantic scene ay makakaramdam ka nito. Minsan nararamdaman mo ito sa isang tao o pangyayari. Sa mga iniidolo mong artista, dancer, tiktokerist, crush o kung sino pa man. Kinikilig ka sa mga bagay o sa mga taong mahal mo.

Pero pwede bang makaramdam ng kilig sa taong kinaiinisan mo?

Lately kasi nakakaramdam ako ng kilig sa taong ayaw ko.  Ewan ko ba kung kilig ba ito o nahihibang lang ako? Siguro sinusubok lang ako ng pagkakataon.

Ang totoo may matagal na akong gusto. Itong taong to ay isang mahalagang parte  ng mga pangarap ko. Isa din siya sa mga dahilan ng pagpupursige ko sa buhay. Walang katumbas na saya at kilig ang nararamdaman ko sa taong yun. Para bang yung nararamdaman ko sa kanya ay di' na magbabago.

Pinagmamasdan ko lang siya sa malayo.
Hanggang tanaw lang talaga ako. Pero ganun pa man, masayang masaya ako na nagtatrabaho ako malapit sa kanya.

Sa mismong company niya.

Sinong hindi sasaya pag araw araw mong makikita ang taong nagpapatibok ng puso mo diba?

Kahit napakaimposible niyang abutin ay nangangarap pa din ako na sana balang araw ay mapansin niya ang presensya ko.

Hindi ako sad girl. Sadyang alam ko lang sa sarili ko na hindi ako  yung tipo ng babae na ligawin. Ni wala ngang nanliligaw sakin eh. Pero okay lang. Kung may talagang para sakin , darating at darating din siya sa tamang pagkakataon. Pero ang taas din kasi ng pangarap ko. Sa lahat ng magugustohan ko, boss ko pa.

Kontento na ako nun sa ganitong sitwasyon, ngunit biglang nagbago ang ikot ng mundo ko ng magpasabog ng announcement ang HR namin. Hiring daw ng assistant ang boss ng kompanya. At tumatanggap sila ng recommendation o applicants sa mga existing employees. I got recommended at dun na nagbago and lahat.

Dun' palang  kinikilig na ako!

------

Written By:Breetty_andthe_Bees

DISCLAIMER: This is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed in this story are only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident is purely coincidental.

All rights reserved.

HUWAG MO AKONG PAKILIGIN! © JULY 17, 2021.

No part of this story may be REPRODUCED, DISTRIBUTED or TRANSMITTED without the author's consent. PLAGIARISM is a crime.

***

WARNING: This story may contain typographical errors, grammatical errors and incorrect spelling. This may also contains some words, language, acts and etc. that may not be suitable for your likings. Read at your own risk!

Vote, comment and share!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HUWAG MO AKONG PAKILIGIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon