"You've been my happy pill for a year now."~~
As I was scrolling on my facebook account. May nakita akong post.
"How to tell your crush you like them."
The post caught my attention so hard, hindi na ako nagdalawang isip pa na buksan yung post.
"Tell him this: Cher, *insert your crush's name" je vous aime beaucoup et je prie Dieu que vous ne connaissez pas le françias.
It means, Dear, *insert your crush's name" I like you a lot and I'm praying to God you don't know french."
Napangisi ako ng makaisip ng kalokohan. Agad akong naghanap ng papel at ballpen para isulat ang mga salitang ito at nilagay ang pangalan ng bestfriend kong si Aiden. Hinanap siya ng mga mata ko at nakita ko siya na nakikipag-usap sa Student Council President, Loraine. I rolled my eyes at the sight. Lumapit ako sa kanila para ibigay kay Aiden yung papel.
"Aiden, may sinulat ako. Basahin mo." Kinalabit ko sya at tinanggap niya yung sulat. He then gave me an ok sign meaning he would read it later. I just shrug and went inside the classroom to wait for him na matapos makipagusap kay Loraine.
Nakadukdok lang ang ulo ko sa desk ng may maramdaman akong lumapit and it was Sofie. Hay naku, ano na naman kaya ang gusto ng babaeng ito.
" James, nakita ko 'yung inabot mo kay Aiden. Ano iyon? " she showed me her not-so sweet smile. Napaka-chismosa talaga. Ano naman kaya sa kaniya kung may inabot ako kay Aiden.
" Bakit kailangan mo malaman? "
"Dapat kong malaman para naman alam ko kung gagawin ba kitang kaaway dahil malapít ka sa asawa ko o kakaibiganin kita kasi malapit ka sa asawa ko. " amp, gulo talaga ng babaeng ito. at teka, kapal naman ata ng mukha nitong i-claim na asawa niya ang Aiden ko? ay este si Aiden.
"First of all, hindi mo dapat malaman kasi isa siyang sikreto na hindi pwedeng malaman ng isang hipon na katulad mo. Secondly, how dare you call Auden your asawa? 'di ka nandidiri bhie? psh." nabadtrip ako sa kaniya kaya umalis na ako. Lumabas ako at pumunta ng restroom. Pagbalik ko sa classroom ay hindi pa rin tapos makipag-usap si Aiden kay Lorraine kaya hinintay ko na lang siya sa upuan ko.
Minutes passed and I saw him coming to my desk reading what's written on the paper while frowning. I was containing my laugh at baka mabalyahan ako, ako pa naman dahilan ng pagkunot ng noo niya. He sat beside me and give me a look, a look that I understand really well.
"What's this?"
"Papel" pabalang kong sagot. He gaze at me intently. Pft. Natatawa ako sa kalokohan ko.
"Really, bud? What's the meaning of this? I don't understand."
"That's the essence of it hahahaha" inirapan niya lang ako at tinago niya yung papel. Tumayo na rin sya at pumunta sa desk niya dahil dumating na yung prof namin sa Basic Calculus.
After class ay sabay na kaming umuwi ni Aiden. At dahil nga nasa iisang village lang kami lagi kaming sabay umuwi. We've been bestfriend for almost 4 years na I think? Di ko na maalala. Hindi ko rin alam kung kelan kami nagkakilala basta kaibigan ko sya, okay na yun.
"Hey" he called me habang naghihintay kami ng tricycle. Hindi ako lumingon sa kanya at panay cellphone lang pero sumagot ako.
"Hm?"
"Do you think someone will like me kahit ganito lang ako?"
Napalingon ako sa sinabi niya, now he got my attention. Kumunot ang noo ko at mahina siyang hinampas.
YOU ARE READING
COMPILATION OF ONE SHOT STORIES
RandomThis is just a compilation of my shor stories! Enjoy!