1st

9 0 0
                                    

Iniinda ang sakit ng ulo, pinilit ko ang sarlili kong bumangon. Hindi dahil naiihi ako kundi dahil na rin sa tunog ng cellphone ko. Tinanaw ko ang pigurang nakahiga patalikod na katabi ko. Gusto ko pa sana ng isa pang round pero pagtingin ko sa oras ay mag aalas singko na pala ng umaga. Kailangan ko pa'ng pumasok sa trabaho. Sinagot ko ang tawag ngunit naputol din ito. Isinawalang bahala ko na lamang dahil baka naman isa lang scam iyon. Dalawang beses na akong na scam.

Tumayo ako at iniwan si Stacy. Stacy ba yun? Ewan. Kagabi ko lang siya nakilala sa isang bar.

Naglakad ako papasok sa Cr. Pagkasarado ng pinto ay nagsimula akong umihi sa toilet bowl.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Inaalala kung ano nga ba ang nangyari kagabi.

Idinilat ko rin ang mga mata ko nang matapos na ako sa pag ihi dahil wala na akong ibang naalala kundi ang nangyari saamin ng babaeng yun. Wala ng ala-alang nakarehistro sa memorya ko kung bakit ako pumunta ng bar kagabi at kung bakit ko siya inuwi dito sa condo ko. Kadalasan naman sa mga motel ko lang dinadala ang mga babaeng kinakama ko.

Pumasok na ako sa shower area at binuksan ang shower, hinayaan ko lamang basain ng malamig na tubig ang katawan ko.


Kasalukuyan na akong nagsasabon nang may marinig akong kalabog sa labas. Dali dali kong binuksan ang shower upang banlawan ang sabon na nasa mukha ko at pinatay rin upang matigil ang ingay ng tubig na pumpatak sa tiled floor.

"Hey!"

Tawag ko upang kunin ang atensyon ng babaeng natutulog kanina sa kama ko. Gising na ba siya?

Wala namang sumagot. I just shrugged it off and continued what I was doing. Baka naman nagbibihis na yun.

Nagpatuloy na ako sa pagbanlaw dahil tapos na rin naman ako magsabon nang may kumalabog ulit.

This time, pinatay ko na ang shower at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa lalagyan nito, itinapis sa katawan ko at lumabas na.

"Hey.."

Medyo nagulat ako nang makitang wala ng babaeng nakahiga sa kama ko at maayos na rin ito na tila walang nangyaring kapusukan kagabi.

I smirked. What a well-mannered lady. Marunong pala siyang mag-ayos matapos magpagamit. Kaya pala kumakalabog kanina.

I find it a little bit weird dahil usually naman pagkatapos kong maligo, magkakaroon ulit yun ng isa pang round. Some were asking it verbally, some were just tempting me to initiate, and some will knock at the Cr and we'll continue there under the shower.

Pero 'yon, basta nalang umalis. Isinawalang bahala ko nalang yun at pumunta na sa cabinet upang magbihis.


I was already tying my tie when I heard scratches under the bed. Napalingon ako sa kama, sa bandang ilalim nito.

Nandito pa ba siya? Kakaibang babae to ah, magtago ba naman sa ilalim ng kama?

Napangisi ako at lumapit doon.

"Hey get outta there. You're not a little kid anymore who'd hide under the bed."

Silence.

Lumuhod ako at iniyuko ang ulo upang tignan siya doon ngunit laking gulat ko nang makita ang susi sa kotse ko na nakalapag sa sahig sa may gitna pa talaga sa ilalim ng kama.

Inilagay niya ba ito dito? What the?

"Kakaiba rin ang trip mo ah."

Inis kong inabot yun. Nadumihan pa tuloy ang puting polo na suot ko.

Nang makuha ang susi, isinilid ko yun sa bulsa ko at nagpatuloy sa pag ayos ng sarili. Nang matapos, kinuha ko ang attaché case at lumabas na ng kwarto. Ngunit bago pa man ako tuluyang nakalabas, may naaninag akong pigura ng babaeng nakatayo doon sa may lamp shade sa gilid ng kama ko.

Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon