4th

4 0 0
                                    

"Sir  yung kape niyo po."

Itiniklop ko ang proposal documents na binabasa nang marinig ang sekretarya ko.

"Salamat."

Tinanggap ko ang kapeng bitbit niya at bumalik na siya sa puwesto niya.

Habang hinihipan ang umuusok na mainit kong kape, hindi ko mapigilang maisip kung sino ba iyong babaeng nakasama ko kagabi. Saan ko ba nakuha iyon?


Napapiglas ako nang kalabitin ako ng aking sekretarya. 

"Sir? Kanina ko pa po nagri-ring yung telepono mo. I transferred a call po. Sabi kasi urgent daw. May problema po ba kayo sir?"

"Ah pasensya na, hindi ko napansin."

Nanatili parin siyang nakatayo matapos kong sabihin iyon. 

I raised and waved my right hand and said "Ayos na."

Kinuha ko ang telepono at itinapat sa tainga ko. Mukhang badtrip ang nasa kabilang linya.



Nagliligpit na ng kanyang mga gamit ang sekretarya ko nang mapalingon ako sa wall clock sa tapat ng desk ko.

Alas sais na pala ng gabi.

"Sir hindi pa po ba kayo uuwi?"

Saad niya kaya isinara ko muna ang laptop ko at nag unat saka tumayo. 
"Sasabay ka po ba saakin Sir?" Ngumiti ako saka umiling. "Ingat sa pag-uwi. Dito na muna ako sa office. May inaayos kasi na tubo sa kusina doon sa condo ko."

Pagsisinungaling ko. Umalis naman na siya pagkatapos.

Napayuko ako nang maalalang hindi naman kami ganito noon. Close kami pati nung boyfriend niya. Kaso..


Lumabas ako ng office mag-iisang oras matapos umalis ang sekretarya ko. Kakain muna ako sa isang fast food chain sa may di kalayuan. 


Pagkarating ko ay medyo maraming tao. Dinner hours na rin naman kasi.

Prente lang akong nakatayo habang pumipila at tumitingin sa menu nila, iniisip kung anong o-orderin ko.


Nasa kalahati na ako ng pila nang makapagdesisyon ako kung anong o-orderin.
Kinuha ko muna ang cellphone sa bulsa upang may libangan naman ako habang nakapila.
Ngunit wala ito sa kanang bulsa ko. Kinapkap ko ang kaliwa ngunit wala rin. Pati sa vest  na soot ko ay wala. 


Napabuntong hininga ako at  isinawalang bahala na lang ang cellphone ko. 


Nang matanggap ko ang order, agad akong naghanap ng mauupuan kaso puno halos lahat kasi maraming tao. 

Luckily, I spotted a girl looking down, sitting on a two-seat that the other one is vacant sa may gilid kaya dali dali akong pinuntahan siya.

"Miss. pwede  maki-upo?"

Ngunit hindi siya sumagot. Nakayuko lamang siya.


Napansin kong napatingin sa direksiyon namin ang batang lalaki sa katabi na table.

"Kuya sino po ang kausap mo?"

Napanganga ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon