CHAPTER 1

25 0 0
                                    



"Tuloy ang plano?" isa sa mga kasamahan namin ang nagtanong. Nanatili ako sa isang sulok at nakinig sa usapan nila. Hindi ako makakibo dahil maski ako ay hindi alam kung matutuloy ba o hindi. Sakripisyo ang planong ito, maaring sa pagsagawa nito'y sabay sabay kaming malagas.


"Nababaliw ka na ba, Lehan? Anong tuloy? Sa tingin niyo makakabalik pa kayo ng buhay sa oras na itinuloy niyo ang pagpunta sa gubat?" galit na sabi ni Koby.


"E bakit ka nagagalit?!" sigaw pabalik ni Lehan. "Tanga ka ba Lehan?! Buhay ang pinaguusapan rito! Hindi porket may nalalaman na tayo sa mga Guardian ay aatake nalang kayo ng basta basta!"


"At sino bang nagsabi aatake tayo o KAMI ng basta basta?! Alam namin kung papaano kumilos ang mga Guardian! Wag kang umasta na ikaw ang tama, Koby!" lumingon ako sa direksyon nila ng makarinig ng paghampas sa lamesa. May ilang umaawat at pumipigil sa kanila dahil kaunti nalang ay magpapatayan na sila.


Napabuntong hininga ako. May punto silang dalawa. Pero ito nalang ang paraan para malaman kung ano ang maaari naming gawin upang matalo ng tuluyan ang mga Guardian. Oo nga at may nalalaman na kami pero hindi pa rin iyon sapat. Kahit na ilang taon na kaming nakakulong dito'y nananatili pa ring isang misteryo kung bakit hindi kami makalabas sa kagubatang 'to.


Nong una'y sa bayan lang kami nakakulong, naalala ko pa ang saya naming lahat ng makatapak kami sa labas ng bayan na ito. Ngunit doon lang namin nalaman na kahit na makalabas kami sa nayon ay nanatili pa rin kaming nakakulong.


Ilang araw rin kaming namalagi sa gitna ng kagubatan, at sa loob ng ilang araw na iyon ay unti unti kaming nalalagas at aming nakikita kung papaano namatay sa karumal dumal na paraan ang aming mga kasamahan.


"Iilan na lamang tayong buhay, papaano kami mabubuhay kung pati kayong pinagkakatiwalaan at mga inaasahan namin ay mawala rin?" biglang bumagsak ang aking utak mula sa mga aking mga alaala. Kung hindi pa nagsalita ng pagkalakas lakas si Ford ay tuluyan na naman akong malulunod sa mga masasamang ala ala.


"Walang mawawala, magtutulong tulong tayo. Gagawin natin lahat para walang maihiwalay," seryosong komento ni Eern. Nakakatawang isipin na kaya niyang sumeryoso sa kabila ng pagiging kenkoy niya. That's what I like about him. He can be the mood lifter most of the time, samantalang kung oras naman ng pagplaplano ay siya ang isa sa mga maasahan lalo na sa mga estratehiya.


Nag-usap pa sila kung ano ang mga maaring mangyari sa oras na kami'y matutuloy at kung ano ang maaaring gawin ng mga matitira. Nanatili pa rin ako sa sulok at nagmuni muni.


Hindi ko hahayaang maulit muli ang nangyari ilang taon na ang nakalilipas. Hindi ko hahayaang unti unti kaming malagas dahil sa mga putanginang bantay ng gubat na 'to. Kung ano man ang nakakubli sa loob ng nayon, sa loob ng gubat, aking aalamin. Ipinapangako ko na kailanman ay wala ni isa sa amin ang makakaranas ng walang katarungang pagpaslang.


Tumingin ako sa mga kasamahan ko. Ipinapangako ko, hanggang dulo, buo tayo. Lahat tayo makakalabas, lahat tayo makakabalik sa ating mga pamilya. Ating mararanasan muli ang tamis ng pagkalaya.


"Matutuloy tayo," katahimikan ang sumalubong sa aking pandinig ng sabihin ko iyon. Alam ko, alam kong hindi lahat kami ay pabor dito. Maraming tutol, pero hindi ko hahayaang iyon ang maging dahilan upang hindi naming alamin ang misteryo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

INDOMITABLEWhere stories live. Discover now