PROLOGUE

29 1 2
                                    


"Reed! Reed!" napamura ako ng walang sumagot sa kabilang linya. Hindi ko alam kung saan na napadpad ang mga kasama ko. We're being chase by one of the strongest Guardian that this forest has. Maliwanag palang ang paligid kaya hindi naming inaasahan ang pag-atake nila. They usually attack at night time.


"Kason!" tawag ko muli ngunit wala pa ring sumasagot. Sa lawak ng gubat na to'y hindi ko alam kung magkikita pa ba kami. Tumigil ako sa pagtakbo at pumiling magpahinga saglit sa isang tagong lugar. I looked at my wrist watch to know where my friends are. Ngunit napamura akong muli ng wala akong makitang tuldok na nagsisilbing palatandaan upang makita kung nasaan sila.


Masyado na kaming malayo sa isa't isa, kaya wala na akong makita pa. Hindi ko alam kung ako ba ang naihiwalay o sila. But hell, I need to find them as soon as possible. Lalo na't hindi namin alam kung papaano takasan ang Guardian na nakasagupa namin ngayon.


Natigil ako sa paghinga, sa paggalaw... sa pagppigil ko ng hininga at ng aking mga galaw ay mas lalo akong pinagpawisan at nanginig. Papalapit sa akin ang Guardian. Shit.


Mas naging alerto ako ng makitang nahawi ang mga ilang dahon sa unahan, agad akong napahawak sa dagger na nasa likod ko ng makita ang isa sa ulo ng Guardian. Hindi ko ito kayang labanan, all I can do for now is to defend myself from his deadly attacks and to escape as soon as he divert his attention from me.


Dahan dahang humakbang papalapit ang Guardian kaya humakbang ako paatras. Bagay na pinagsisihan kong gawin dahil nakatapak ako ng marupok na kahoy, which made the Guardian more attentive to my direction. Shit. Wrong move, Draic.


Tumigil muna ako tsaka minanmanan kung ano ang susunod na gagawin ng Guardian. Umalis ito, bagay na mas nagpakaba sa buong sistema ko dahil alam kong maaari na siya ngayong umatake sa mas malakas na pwersa.


I felt like the Deities suddenly gave me a power for I can now hear every drop and flow of every river that lies within this forest. Chirps of the birds, as well as my trickling sweat. That's the feeling of uneasiness disguised like a power bestowed upon me.


"Draic," a familiar voice pulled me from my reverie. "Eern?" I whispered to my earpiece.


"We distracted the Guardian. You must get out of there within the given time," si Kason naman ngayon ang nagsalita.


"Where's Reed? Nasan kayo kanina?" hindi ko alam kung papaano nila ako nahanap o kung paano at bakit sila magkakasama. Ang akala ko'y kanya kanya kami ng daang tinahak.


"No time to explain. You only have seven seconds to escape," si Eern ang nagsalita. "Crap," I muttered.


"Yeah, so take the path behind you, you'll see Eern there. Saktong babalik si Reed pagkarating mo sa kung nasan si Eern. Reed placed something to distract the Guardian, don't worry," dagdag ni Kason.


Hindi na ako umimik pa at sinunod nalang ang sinabi ni Kalson. Escaping the Guardian through this part of the forest that has deadly thorns is risky. Idagdag mo pang pitong segundo lang ang ibinigay na oras para tumakas ako. Eern welcomed me with his arms open, along with his wide smile.

INDOMITABLEWhere stories live. Discover now