Four

13 2 6
                                    

Heavy Heart

Tumaas agad akong papunta sa unit ni Thrina. Tulala naman akong naglalakad, still trying to absorb what happened earlier.

Pagkarating ko ay nakita ko agad si Ara at Tina na nakaupo sa sofa, nanonood ng isang show sa Netflix.

Kunot ang noo kong tinapik ang mga balikat nila. "You guys are already here?!" Nagulat silang nilingon ako.

Sabay naman silang tumayo ay pumunta sa direksyon kong nakangisi. Sabay nilang niyakap ang magkabilang braso ko. Si Tina nasa kaliwa at si Ara na nasa kanan. They both rested their heads on my shoulders. Palipat-lipat naman ang mga tingin ko sa dalawa, naghihintay ng eksplanasyon galing sakanila kung bakit nila ako iniwan kanina.

"Ano?!" Irita kong sabi.

Ini-angat na nila ang mga ulo nila galing sa pagkakahiga sa mga balikat ko at ngumiti.

"Sorry. Pero same building naman iyong pupuntahan niyo kaya no biggie!" Pumalakpak pa si Ara sa pagkasabi. Umirap nalang naman na ako at pumunta na sa guest room para magpalit.

Nang makahanda na ang lahat ay saka na nag-aya si Ara. She insisted on driving since siya lang naman ang may dalang sasakyan saaming pito. Pero pinilit siya ni Calli na siya na raw muna mag drive kaya bumigay naman na ito.

I just wore a ripped high waist mom jeans, pastel purple tank top, oversized white checkered button down shirt bilang jacket, at white sneakers. Hindi na ako nagheels dahil may instinct ako na sasabak ako sa pagbuhat sa mga lasing kong kaibigan mamaya.

Nang dumating kami roon ay sinalubong agad kami noong pinsan ni Riguel.

Thrina hugged him. "Hey guys! I reserved a booth for you!"

Thrina thanked him while leading us to our booth. Pagkarating ay nakita namin na puno na ito ng mga inumin. Karamihan naman ay beers.

"Just tell me kung kulang ang drinks, Thrina. Bye guys!" Anito at kumaway muna bago umalis.

Pagkaupo ko ay inilibot ko naman ang mga mata ko sa kabuoan ng bar. I've never been here. Though, I've been to a bar dahil kay Ara. Aika, Calli are the party girls at our group. Si Ara rin pero hindi masyado. They go out almost every weekend. Kahit man nasa ibang lugar si Calli at Aika ay aware kami sa mga nangyayari sakanila dahil nagkukwento sila. Ganoon din naman kami sakanila. But despite of them partying almost every weekend, they still managed to pass their subjects and exams. And that's quite impressive actually.

I've never been to this bar since whenever Ara calls us for a night out she always go to City Lights. Hindi rin kami masyadong nagtatagal dahil hanggang 11 PM lang 'yon bukas.

"Let's go dance!" Pag-aaya ni Aika. Sumunod naman silang lahat maliban sa'min ni Kora.

"Nova, I found your crush," medyo sigaw na niyang sabi dahil sa lakas ng music.

Nang itinuro niya kung nasaan sila Riguel ay natanaw ko agad siya. His look and physique are just so tattooed on my mind that even just a glance I can already tell that that's him.

He's talking to a girl right now. Magkalapit ang mga ulo nila dahil nga sa lakas ng music. Habang nakatitig ako sa direksyon niya ay umiinom ako ng beer. Naramdaman ko namang may inabot na isang shot ng tequila si Kora sa harap ko kaya ininom ko na iyon.

I know that my tolerance in alcohol isn't high kaya beer lang ang iniinom ko kapag lumalabas kami at nag iinuman. But a single shot of tequila wouldn't hurt.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Under These SkiesWhere stories live. Discover now