Chapter 1

16 0 0
                                    

Naglalakad ako kasasama si lorain sa Mall. Nandito kami para bumili ng mga damit at libro, at kung may oras pa ay manonood kami ng Sine. Sobrang close namin ni Lorain sa isat-isa kaya minsan ay napagkakamalan kaming mag jowa. Pero mas madalas kami magbardagulan.

"ang ganda nun oh", Turo nyo sa magandang dress na kulay asul.

Mahilig mag suot ng dress si Lorain at bagay naman ito sakanya. Halos naman ata ng damit ay walang dud ana bagay sakanya.

"Ikaw na magbayad" sabi nya sabay pa cute. At eto nanaman po tayo sa panibagong budulan.

Kahit hindi nya naman sabihin ay ako naman lagi ako ang nagbabayad. Actually wala naman talagang problema kung ako ang magbabayad eh. Masaya pa nga ako pagbinibilhan siya.

Habang nagbabayad siya sa cashier ay iniwan ko muna siya para bumili ng favorite niyang fries at Softdrinks. Bibili naman ako ng lemonade para inumin ko. Oo, mahilig talaga siya sa mga unhealthy foods lalu na sa fried. Samantalang ako ay kabaliktaran niya. Pero no choice, baka maaway ako ng wala sa oras kung hindi ko bibilhan.

"Oh", binigay ko sakanya ung fries at drinks. Nasa cashier parin siya at nagbabayad medyo mahaba kasi ang pila.

Kinuha ko yung pera sakanya at ako na ang nagbayad pinaupo ko muna siya sa gilid para makain niya ung mga binili ko.

Pagtapos namin mamili ay nanood muna kami ng sine. Maraming Pwedeng Pagpiliang palabas at lahat yun ay magaganda. May mga latest release na fantasy movie, may anime din, at may mga New Horror film na ayaw na ayaw ko.

Ang dami talagang pagpipilian na magandang film. Pero pinili nya ang nakakatakot na palabas. Hayst sabi na eh! Sumimangot ako habang tawang tawa siya na nagbabayad ng ticket. Alam talaga ni Lorain na takot ako sa mga nakakatakot kaya alam ko na sinasadya nya yun para Asarin ako.

"Heto nanaman po tayo" sabi ko habang papasok kami sa loob ng sine. Si lorrain naman ay namumula sa pagpigil ng tawa.

nakangisi lang si Lorain na parang balak akong Patayin sa takot.

Natapos na ang Palabas at bakas ang Takot sa mukha ko na sya naman ikinatawa ni lorain.

"Lorain!", Naka kunot noo na tawag Ko sakanya paglabas naming dahil Balak nya nanamang pumili ng panibagong palabas.

Sumakay na kami sa kotse para ihatid sya pauwi

"Ang ganda ng movie noh?" Tanong nya sakiin habang tumatawa.

Sinasabi ko na nga ba at talagang sinadya ng babaeng toh

"Sinasabi ko na nga ba na pinagtitripan mo nanaman ako eh" Tawa ko sabay kurot ko sa Kanyang pisngi.

Apaka cute talaga ng babae to. Lagi kong kinukurot ang mga pisngi nya lalu na pag nanggigigil ako sakanya. Nagkwentuhan at nagtawanan kami buong byahe. Pinagkwentuhan namin ung tungkol sa movie.

Sa wakas ay nakarating narin kami sakanila. Bumaba ako at pinag buksan sya ng pinto, sinamahan ko narin syang mag bitbit ng kanyang mga pinamili

"Andito na pala kayo" bungad samin ni tita marisel pagbukas namin ng pinto

Si Tita Marisel ang Mommy ni Lorain,silang dalawa lang dito sa bahay dahil wala ang dady ni Lorain. Nag tatrabaho sa ibang bansa Ang daddy niya at matagal tagal naring Hindi umuuwi. Kilala nako ni tito at tita dahil matagal na kaming magkaibigan ni Lorain. Since elementary ay magkaibigan na kami. Puro nga kabaliwan at kalokohan ang trip naming lagi eh.

"Hello po tita", Bati ko.

"Dito ka na mananghalian Prince,Kakatapos ko lang magluto" Aya sakin ni tita, habang naghahanda ng pagkain sa mesa.

I'm Just Her BestFriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon