Naabutan ko si lorain na nakatayo sa may pinto at halatang inip na inip na
"Buti nakarating ka pa" Nakakunot na noong sabi nya "Kanina pako na naghihintay dito" Dag dag nya pang sabi.
"Sorry ma traffic kasi ehh" Paliwanag ko sakanya
Masyadong matraffic sa daan papunta dito kaya inabot ako ng 20 minutes sa daan
"Bagay sayo yang kulay asul mong dress" puri ko sakanya para mawala ang galit nya
Suot nya ngayon ang dress na binili namin sa mall kahapon. Mahilig talaga si Lorain sa mga kulay asul na gamit mahahalata mo yon dahil sa kanyang pananamit at sa loob ng kwarto na ay puro kulay asul.
"Halika na,Baka ma late pa tayo"Tawag ko sakanya pagbabako
Pinagbuksan ko sya ng pinto para naman hindi na sya mainis
Napaka tahimiik naming bumyahe ngayon dahil alam kung nagtatamo parin sya sakin. Napaka matampuhin talaga nitong babaeng toh kahit maliit na bagay ay nagtatampo sya
"Sorry na po" Sabay paawa ko
Tumawa sya ng malakas na halos mabingi nako sa loob ng kotse. Marupok si Lorain pagdating sa paawa kung mukha. Hindi sa pag mamayabang pero kyut naman talaga ako.
Makalipas ang limang minuto ay nakarating na agad kami sa bahay nila Clara. Rinig na rinig sa labas ang napaka lakas na music
"Lorain" Rinig ko na pagtawag ni Clara kay Lorain
Nakakulay Pula na dress si Calara at naka kulay Gold na sapatos. Napaka ganda parin nya hanggang ngayon
Matagal na rin kaming mag kakilala ni Clara dahil sya ang unang nakilala ako bago ang mga magulang Lorain.Nung nasa school pa namin si Clara ay madalas kaming gumawa ng mga kalokohan Takot na takot mga classmate namin pag nag sama na kaming tatlo. Pero ngayon Bihira nalang kaming nag kakausap at madalas ay sa chat nalang.
"Lorain,Prince. Nandito na pala kau"
"Tara pasok na kau" Aya samin ni Clara.
Pagpasok namin sa loob ay sobrang daming tao. Medyo kinakabahan ako dahil hindi ko sila lahat kilala. Ang lakas ng tugtugan at napaka raming pagkain
Nagulat ako ng bigla na akong hilain ni Lorain para kumain. Lagi talaga gutom tong babeng toh sabagay kanina pa kami sa byahe at malamang gutom na sya.
"Mamaya na tayo makipag kwentuhan kay Clara busy pa sya sa mga bisita"Sabi sakin ni Lorain
Kumuhan na kami ng pagkain. Konti lang nakuha kong pagkain dahil medyo busog pako. Habang si Lorain ay kain lang ng kain. Palingon lingon lang ako para tignan ang mga nasa paligi na mga tao. Nabigla ako ng bigla akong sinubuan ni Lorain.
"Kumain ka pa " Subo nya sakin na nakangiti "Alam kung hindi ka lang sanay sa mga taong nasa paligid mo"
Kilalang kilala na talaga ako ni Lorain Sabagay 8 Year na kaming magkaibigan. Pero ang hindi ko maintindihan Bakit ganto bigla ang naramdaman ko. Nakaramdam ako ng kilig na dapat ay hindi ko nararamdaman.
Pagtapos namin kumain ay lumapit na samin si Clara Para makipag Kwentuhan.
"Tapos na kayo Kumain" Tanong nya saaming
"Oo, Ang sarap nga ng mga pagkain"Sagot naman ni Lorain sakanya.
Natatawa ako sa sinabi nya. Kasi halatang halata naman na masarap yung mga pagkain dahil ang dami nyang kinain. Kumain pa sya ng cake at cupcake.
Dirediretso kami nagkwentuhan nila Lorain Clara. Nagtatawanan kami kapag inaalala namin mga kalokohan namin nung magkakasama pa kaming tatlo sa school.
"Naalala nyo yung ginawa natin dun sa isang teacher yung Linagyan natin ng balat ng saging yung tsinelas nya" Tanong ni Clara samin Habang tawa ng tawa
"Oo naman" Sagot namin ni lorain na mamamatay na kakatawa
Galit na galit kami kasi sa teacher nayon dahil lagi kaming pinapagalitan.Kaya naiisipan naming gumanti.Kinuha namin yung tsinelas ni maama t dinikitan namin ng balat ng saging sa ilalim. Nadulas si maam at nagalit.Sino may gawa neto.Tanong samin ni maam. Kabang kaba ako sa oras na yun. Hindi ko matignan sa mata si maam. Buti nalang ay hindi nila nalaman na kami yun.
"Takot na takot si Prinse nun na halos maiyak na sa kaba" Pangaasar sakin ni Lorain.
"Paano ba naman kasi ako ang tinigtignan ni Ma'am" Natawa kong sagot.
Nagkwentuhan pa kami ng nagkwentuhan hanggang lumalim na ang gabi at medyo inaantok na rin si Lorain.
"Cge mauna na kami ni Lorain" Pag papaalam ko kay Clara "May pasok pa kasi kami bukas "dag dag ko pa
"Cge, Pakisabi narin kay tita marisel na miss ko na yung mga luto nya"Bilin ni Clara kay Lorain
"Cge, sasabihin ko kay mommy"Sagot naman ni Lorain
"Ingat kayo"Sabi nya samin
Sumakay na kami sa kotse at umalis. Inabot na kami ng 12 ng Gabi . Nakatulog na rin si Lorain sa sobrang kapaguran.
Napangiti ako ng tignan ko sya na natutulog. Ngayon ko lang napansin na ang ganda pala nya. Sobrang amo ng mukha nya. Makulit nga lang ang ugali pero mabait.
Biglang Bumilis ang tibok ng puso ko ng maalala nung sinubuan nya ako kanina. Natawa ako dahil halos gawin nya akong baby para lang kumain ako. Baliw ka talaga Lorain.
Matapos ang ilang oras ay nakauwi na kami. Ginising ko sya para pumasok na sa bahay nila ng bigla syang matumba buti nalang ay nasalo ko siya. nagkasalubungan ang mga mata namin. Parang bituin ang mga mata nya na nagliliwanag. Bigla ko nalang ako napatigil ng mapag tanto ano ba tong ginagawa ko? Kaibigan ko lang si Lorain.
"Sorry" Sabi nya saakin
Nginitiian ko sya dahil halatang antok na antok na sya
"Magingat ka kasi sa tinatapakan mo"Nakangiti kong sagot sakanya
Inalalayan ko nalang sya hanggang makapasok na kami sa bahay nila dahil baka kung ano pa mangyari sakanya paghinayaan ko lang sya.
Pagkatapos ko syang hinatid ay umuwi narin ako. Dumiretso na ako sa kwarto dahil tulog na si nanay. Hindi ako makatulog dahil sa mga nararamdaman ko. Nahulog na ba ako sa kaibigan ko? Hindi dapat .
BINABASA MO ANG
I'm Just Her BestFriend
RomanceAko na pala si Prince John Rivera Im 18 old meron ako kaibigan na pinaka mamahal ko hindi ko alam pero parang nahulog na ata ako sakanya, hindi ko alam kung paano ko aaminin sakanya dahil natatakot ako na baka layuan nya ako.Pero ng nag karoon nako...