Chapter 2

364 6 0
                                    


Kaybilis ng panahon at lumipas ang pitong taon. Nasa labas ako ng palasyo para gumala at masilayan ang ganda ng kalikasan.

"Ang babango naman ng mga bulaklak na rosas na ito. Wow! Ang ganda rin ng kulay ng mga nagdadapuang mga paru-paro," manghang pagkakasabi ko. Natuwa ako kaya hinabol ko ang paru-parong pinaka-nagustuhan ko.

Samantala, palihim namang nakabantay ang mahikerong si Clint habang nakaupo sya sa itaas ng puno at kumakain ng mansanas. "Ang kulit talaga ng prinsesa...at pati paru-paro ay hinahabol nya. Nakakatuwa talaga syang pagmasdan lalo na't ang saya-saya nya." Ilang saglit pa ay niyugyog nya ang puno upang magsibagsakan ang mga mapupulang mansanas.

Maraming mga nahulog na bunga kaya napansin ko ang mga ito. "Ang galing, ang daming mansanas," sabi ko habang pinupulot ang ilan sa mga ito.

Halos iilang kagat ko pa lang sa mansanas ay bigla naman syang nagpaboses. "Matamis ba ang mansanas?"

Ito na nga ang unang pagkakataon na nagkausap kaming dalawa.

Nadinig ko mula sa itaas ng puno ang boses na kumakausap sa akin kaya naman napatingala ako. Hininto ko muna ang pagkagat ko sa mansanas na hawak ko. "Sino ka? Siguro masamang tao ka ano... Isusumbong kita sa hari at sasabihin kong ipahuli ka sa mga gwardya ng palasyo."

"May masamang tao bang nag-aalok ng pagkain? ... Wag kang mag-alala hindi kita sasaktan... Mabait ako, promise."

"Parang ngayon lang kita nakita dito. Ba't ganyan ang damit mo? Ang baduy naman."

"Ganito talaga ang OOTD ko araw-araw kaya masanay ka na. Ganito ang fashion ng isang mahikero." Naglaho siya sa puno at sa isang iglap ay sumulpot sya sa tabi ko.

"Hala! Ang galing nakakamangha ka naman. May kapangyarihan ka nga. Ahhhm... Siguro kaya mo ring lumipad na kagaya ng mga ibon."

"Ang demanding mo naman. Hindi ko pa kayang lumipad. Absent ako nung tinuro sa'min yon sa Airhelm Academy. Isa pa pang-basic pa lang ang alam ko kaya wag kang choosy dyan."

"Ay, ganun. Yan lang ang kaya mo...sumulpot at maglaho lang."

"Wag kang excited darating din tayo dyan. Matutunan ko rin yan... Kalma ka lang."

"Ba't kilala mo'ko? ... Eh, ngayon pa lang tayo nagkita."

"Obvious ba...syempre prinsesa ka kaya kilala ka ng lahat. Ha ha ha! Pero seryoso, matagal na kitang kilala. Magbuhat ng sanggol ka pa lang ay binabantayan na kita. Kung baga, guardian mo'ko...ganon. Pansinin mo yang kwintas mo. Diba matagal na yang nasa sa iyo? Ako ang may bigay nyan sa'yo... Ang ganda diba."

"Sa'yo pala galing itong kwintas na suot ko. Sabi nga ng amang hari sa'kin ay nasa leeg ko na daw ito noong sanggol pa lang ako. Ahhm... Salamat ha. Ano pala ang pangalan mo?"

"Nga pala, ang tunay kong pangalan ay...Mauritius Yevgeniv Chevlav Clint de San Sebastian. Tawagin mo na lang akong Clint para di ka mahirapan. Diba miski ako natatamad din bigkasin ang pangalan ko. Pahirap kasi mga magulang ko akala mo mauubusan ng pangalan."

"Nakakatuwa ka talaga pinapatawa mo'ko. Nga pala, gusto mo isama kita minsan sa palasyo. Ipapakilala kita kay Philomena para kahit konti ay mabawasan ang kasungitan nya."

Samantala sa kalagitnaan ng kulitan naming dalawa ay may lobong galit na galit na nakamasid habang nakatago sa halamanan ng rosas. Humahanap ito ng pagkakataon na umatake. Kita sa matutulis na mga pangil nito ang nagkakayatan nyang laway at ang mga mata nito ay para bang nanlilisik.

"Ah, si Philomena... Oo, may pagkamasungit nga sya. Kaugali nya yung dati kong guro na alatag na lang akong ipahiya sa klase."

"Ha ha ha... Ikaw talaga ang samá mo, masyado kang mapanlait sa kapwa."

Charming WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon