SPECIAL CHAPTER 1:

849 22 0
                                    

SPECIAL CHAPTER 1

--------------------

Xyreen Point of View

"Mom, kapag pinatulog niyo si Hayes Finn lagyan niyo siya ng unan sa gilid malikot kasi at baka mauntog siya." pa ulit ulit long paalala kay Mommy.

Aalis kami ni ZyJhon pupunta kaming Maldives para sa honeymoon sinabi ko nga wag na kasi walang mag babantay kay Hayes Finn at busy din sila Mommy sa company sila Kelly at Paul naman hindi ko alam kung saang lupalop.

"Oo na, kanina mo pang umaga sinasabi sa akin yan kabisado ko na. Wag kang mag aalala aalgaan ko si Hayes Finn." sagot sa akin ni Mommy. Nag pasyang wag munang pumasok si Mommy para mabantayan si Hayes Finn.

"Salamat Mom babawi ako pag uwi namin." ngumiti ako nito pero lumapit sa akin si Mommy at yumakap sa akin.

"No need Xyreen, I'm just really Thankful that you are safe now. Nuong nalaman kong na aksidente ka at nawalan ng alaala nag alala ako ng sobra to the point gusto ko ng umuwi ng Pilipinas pero hindi ako pinayagan ng mga kuya mo Dahil nandyaan naman daw si ZyJhon." gumanti ako ng yakap kay Mommy.

"Mom past is past okay? The important now is I'm okay right? And I'm so very thankful na hindi kayo nadamay sa mga problema tama lang na inilayo kayo nila ZyJhon. Kaya please mom focus of what we have now okay?"

"Okay, promise me na hindi kana ulit madadamay sa mga problemang yun ha? As your mom i really need to protect you, so please be safe Xyreen, you are my only daughter."

Kahit na ilang taon kaming hindi nag kita nila ni Mommy ay hindi pa rin naalis ang ka sweetan sa kaniya, siya parin ang Mommy ko na maalaga at mapag mahal.

"Yes i will mom."

Bumitaw ito sa pag kakayakap sa akin at pinagmasdan ako "Malaki kana nga talaga Xyreen, at ngayong araw aalis kayo ni ZyJhon para sa honeymoon niyo gusto ko pag balik niyo ni ZyJhon may apo na ulit ako para masundan si Hayes Finn." biro ni mom at natawa kami parehas.

"Ikaw talaga mommy, kakapanganak ko lang at wala pa akong balak na sundan si Hayes Finn gusto ko sa kaniya muna ang atensyon namin ni ZyJhon." sagot ko dito.

Napag usapan namin ni ZyJhon na wag munang sundan si Hayes Finn para hindi kami mahirapan kapag lumaki na ng kaunti si Hayes Finn tiyaka na namin ito susundan.

Well alam kong masisira din dahil sa ka unahan nito ni ZyJhon. Hindi din mapigilan.

"Okay i understand, sige na puntahan mo na siya sa University baka tapos na rin yun."

"Sige po, basta ingatan niyo si Hayes Finn? At mom babalik din kami."

Tumango ito sa akin at ginantihan ko ito ng ngiti, lumapit ako sa anak ko at hinimas ang ulo nito.

"Baby, aalis muna si Mommy ha? Wag kang masyadong papasaway kay Grandma para hindi siya mastress babalik din kami I love you." hinalikan ko ito sa noo at binigyan pa ng isang tingin.

Mahirap palang malayo sa anak mo, ngayon ramdam ko na ang nararamdaman ni Mommy.

"Sige Mom. I go ahead."

"Have a safe trip my daughter and enjoy."

Yumakap pa ako ng sandale at lumabas na ng kwarto. Kinuha ko ang mga gamit namin ni ZyJhon. May sudden meeting sila sa Faculty kaya wala siya dito, sinabi ko narin na ako nalang ang pupunta sa kaniya para less hassle.

Principal's Wife  [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon