At syempre dahil nga pumayag ako sa kagustuhan ni Kiex hanggang ngayon ginagawa ko parin, ang laki kong tanga no! , Kase nagcutting lang namn ako iarrange ang venue ng pagdarausan ng kanilang date kung iniisip mo bat parang ang bilis aminado din ako na ang bilis ng pangyayari kakapakilala ko palang sa kanila kahapon, naging close agad sila at ang matindi pa niyaya nya agad ng date sobrang bilis nga eh para si flash lang at ngayon kasama ko ang ibang kaibigan ni Kiex nagcutting kaming apat para lang naman sa date. Ng mahal na hari o diba ?! Siguro bwisit na bwisit na kayo sakin kase ang tanga tanga ko wala kong magagawa eh pangarap kong mapasaya si Kiex eh kahit dito man lang mapasaya ko siya ayos na sakin yun
"Oy Gye bili ka ng candles kulang eh"
"Ah sige may pera pa?"
"Ay Gye wala na eh pera mo na lang "
"Ilan pa ba kailangan ?"
"Mga fifty pa para mabuo ung chandelier lighting"
"Magkano yun lahat?"
"Mga 950 kase mahaba dapat eh"
Tinignan ko wallet ko at buti may last na sweldo ako galing sa mga raket ko 1,500 syempre pumunta nako sa convenience store at nagtanong kung may candle sila
"Ay sorry mam wala na po naunos ang stock eh"
At pumunta naman ako sa kabilang store at sinabi wala rin daw silang stock at pumunta sa kabilang kalye may store daw don at syempre wala rin daw silang stock hanggang sa na ka punta na ko sa taguig malayo sa venue sa date kaya pumunta na lang ako sa puregold grabe ang layo nang napuntahan ko at fifty pesos na lang natira dahil para bukas ko pa ung ibang pera ko kaya naglakad na lang ako pagkadating ko nakita tapos na yung chandelier lighting at biglang nainis na lang hayssst naubusan pako ng pera *sigh*
"Oh ang tagal mo ata"
"Ay sorry ah di ko kase alam na walang stock sa mga store dito kaya inabot ako ng taguig"
"Oy sabi ni Kiex 5 minutes na lang daw on the way na sila"
"Ah edi wow" "Anong gagawin ko dito sa candles na to"
"Lagay mo na lang dyan"
At nilagay ko na lang at lumabas na hayyyy! Grabe ang tanga ko na talaga naiinis na talaga ako konting push na lang talaga give up nako eh alam ko naman sa sarili ko ung limit ko eh ang masakit nga lang di na nga ko kasya sa buhay nya at pilit ko parin tinutulak yung sarili nang makita nya naman ako sa buhay niya minsan nga naisip ko baka kaya nya ginawang bestfriend para siguro maging close si Alara eh hayssst nakakainis na grabe at bigla na lang may tumulong tubig sa taas eh ang alam ko na kasakay ako sa jeep baka butas kaya tinignan ko nga kung umuulan hindi naman eh hinawakan ko ung mukha ko ay dun pala nanggaling yung tubig bat di ko napansin na umiiyak pala ako , hayyyyy nako kapagod tong araw nato

BINABASA MO ANG
Pangarap kita pangarap mo sya edi mangarap tayo!
Short StoryBakit puro siya siya siya !!!!! Siya na yung matalino siya na ung maganda siya na yung masipag siya na yung cute Siya na yung mundo mo ! Pero eto naman akong si tanga. Todo siksik sa buhay kahit wala ng space parang LRT lang Pero siya parin nakita...