Nagising na si Gye at nakita nyang nasa ospital siya nandun ang kanyang mga magulang at isa sa mga kaibigan nya kausap ang duktor nang matapos kausapin umalis na rin ito.
Nagtataka ako di naman masyadong malaking pangyayari ito bat sila umuwi
"Anak okay kana ba?"
"Ano nangyari sakin ma?"
"Sabi ni kirsten nabangga ka daw ng sasakyan sa tapat ng university nyo okay kana ba anak?"
"Opo" oo nga naalala ko ung nangyari bat ako nabangga para kay Kiex yun eh para atleast di sya maospital kaya ako na lang dapat kase ang sakit na nga ng pakiramdam nya dahil kay Alara tas maoospital pa siya dapat hindi sya maospital kaya tama lang na ako ung nabangga at hindi sya buti na lang
"Kirsten sino nagdala sakin dito" tanong ko
"si Tripp at ako akala nga namin eh mamatay ka na Gye"
"Adik hindi no may saling pusa yata ako"
"Haha *sarcasm* nakakatawa kaya pala kabadong kabado kami ni tripp"
"Ah nasan si Kiex"
Nagtinginan lang silang dalawa at parehas na sinabing
"Ewan eh"
"Ahh" may pait akong nararamdaman pagkasabi ko nun
Kase hinihingi ko sa diyos na sana sya ung nandito tas hinde pala siguro iyak pa rin un nang iyak hayyy bat parin ba siya iniisip ko tignan mo nga di man lang ako binisita dito eh grabe kaibigan ewan ko ba bat ko siya nagustuhan eh tsk!
"Uhmm tripp, kirsten pwede kausapin muna namin si Gye"
"Ah sige po" atsaka sila lumabas
"Ah Gye siguro nagtataka ka bakit napauwi ata kami dito"
"Opo?"
"May sasabihin sana kami sayo dapat kase kaya umuwi dito 1 day lang kasi kami dito babalik din tayo sa Japan"
"Tayo?!"
"Oo anak naka book tayo bukas ng flight para sa japan kase dun kana muna namin pagaaralin sana"
"Teka bat ang bilis naman. Po?!"
"Ah anak nakaimpake na kase yung baggage mo at aalis na lang sana tayo kung hinde ka naaksidente nasabi na rin namin to sa school mo pumayag na sila kaya pwede na tayo umalis bukas"
"Pwede icheck out nyu na po ako pwede naman na diba? kanina pako dito stable naman na daw ako sabi ng duktor pls mom dad i really need to do something"
"O sige ano bayon?"
"Ma pahiram ng phone mo i need to call someone"
At inabot sakin ni mom dinial ko agad ang number ni Kiex pero walang sumagot kaya agad akong nagbihis at pumunta ng dorm para hanapin si Kiex pero hindi ko sya mahanap di ko alam kung pinapangalagahan bako ni Kiex pero mahal ko pa din siya hindi ko alam ayoko na kase puro na lang si Alara siya na lang lagi siya yung cute siya yung maganda siya yung matalino at higit sa lahat na sa kanya ang pangarap ko nagsitulo lahat ng luha ko at napahawak sa binti .
Kaya napagdesisyunan ko na lang na umuwi na at maglaho na lang.
BINABASA MO ANG
Pangarap kita pangarap mo sya edi mangarap tayo!
Short StoryBakit puro siya siya siya !!!!! Siya na yung matalino siya na ung maganda siya na yung masipag siya na yung cute Siya na yung mundo mo ! Pero eto naman akong si tanga. Todo siksik sa buhay kahit wala ng space parang LRT lang Pero siya parin nakita...