CHAPTER 40🌿✨

1.1K 55 63
                                    

ANGGE’S POV:

“MAMA!”

Ang malambing na boses kaagad ni Amber ang bumungad sa akin nang makababa na ako sa nakaparadang sasakyan sa garahe.

Nang matapos kaming mag-empake ng mga gamit ko mula sa bahay ay bumalik kami sa bahay nila Erik katulad ng napag-usapan.

Ang sabi ni Erik ay susunduin lang daw namin si Amber dahil may iba kaming pupuntahan ngayon. Hindi ko na lamang inusisa kung ano o saan dahil mukhang wala naman siyang balak sabihin sa akin.

“Hello baby ng Mama.” kaagad kong kinarga si Amber na siya namang mabilis na ipinulupot ang mga braso sa leeg ko, “Give Mama a morning kiss nga.”

Amber immediately obliged, “Mama, I woke up earlier but you’re not here. Where did you go?” nagtatakang tanong nito.

“U-Uhm Mama just went to my house. Kumuha ako ng ibang clothes ko para sa work.” I caressed her smooth hair, “Did you sleep well baby ko?”

“Ye. But don’t leave me again, I cried Mama.” she pouted.

Mukha namang hindi na kagagaling sa iyak si Amber pero sigurado akong matindi ang naging pagngawa ng batang ‘to kanina.

“Right. Don’t leave, Mama. Papa will get crazy because of Amber.” mahinang bulong ni Erik na nasa tabi ko kung kaya’t kumunot ang noo ko.

“Naku kung nakita mo lang ang mukha ng asawa mo kanina Angie ay talaga namang matatawa ka. Hindi magkandatuto sa kung ano ang gagawin sa anak niyo.” singit naman ni Nanay Litz na siya kaninang may buhat kay Amber nang dumating kami.

Tinitigan ko lang si Erik upang hintayin mula sa kanya ang kompirmasyon kung totoo ba ang mga sinabi ni Nanay pero nanatili itong nakasimangot lang and that alone made me laugh a little. Mukhang totoo nga.

----FLASHBACK----

ERIK’S POV:

“Mama!”

Kulang na lang ay magtakip ako ng tenga sa sobrang pagkarindi ko sa iyak ng sarili kong anak.

Halos limang minuto na mula noong nagising si Amber, limang minuto na mula nang ako lang ang magisnan niya kung kaya’t limang minuto na rin itong umiiyak at hinahanap si Angge.

“You want milk, Amber? Wait lang ha? Papa will make your milk.”

Natatarantang sabi ko habang hinahanap ang bag na nilagyan ni Angge ng bottles at formula milk ngunit hindi ako makapagfocus dahil sa matinding pag-iyak ni Amber. Urgh, it has to be somewhere here.

“No, no, no! Where’s my Mama, Papa?!”

Napakamot na lang ako sa batok ko dahil hindi ko na alam ang gagawin. Binigyan ko na siya ng mga laruan ngunit ayaw pa ring tumigil. She keeps on calling her mom who unfortunately left last night. Ngayon ay naiinis na ako, bakit ko ba kasi hinayaan na lumayas siya kagabi?!

“Mama’s not here, Love.” inalo ko ito, “Ah I know na baby, let’s watch cartoons. You want Peppa Pig right?!”

“No, I want my Mama!” she shrieked.

Para rin siyang bumibirit sa bawat bigkas niya ng salitang ‘Mama’. Mana talaga siya sa nanay niya. But as I look at her face, I can tell, she’s really mine. Parehong-pareho kami ng itsura sa tuwing umiiyak. It somehow fascinated me.

But d*mn, nasaan na ba kasi ang asawa ko?!

Ang sabi niya babalik siya ngayon kaya hinayaan ko siya. Kahit na nagpupuyos ako sa inis kagabi nang bigla na lamang siyang lumabas ng kwarto ay pinigilan ko ang sarili ko na sundan siya hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil yun ang gusto niya.

Selfish DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon