CHAPTER 47🌿✨

1K 60 38
                                    

ANGGE'S POV:

"YOU JUST HAVE to settle the full payment in the bank, Sir. Kami na po ang bahala sa pagprocess ng lahat ng papeles afterwards."

Bahagya akong sumilip sa pintuan ng 2-storey lot kung saan ako nakatakdang magpunta kinahapunan.

Itinupi ko ang gamit kong payong at sinipat ko ang suot kong jacket bago tahimik na humakbang papasok ng bakanteng restaurant upang hindi ako makaabala sa pag-uusap ng isang babaeng sa tingin ko ay sales agent at ng isang lalaki na nasa late 40s ang edad na nakasuot ng black polo.

Hilatsa pa lamang ng likod nito ay sigurado ako na boss ko na nga ito.

"Alright. So, can we start the furnishing as soon as possible? I am afraid that we can't stay here for too long. Nagp-prepare kami para sa wedding." sagot ni Seb sa babaeng kaharap niya habang nakatuon ang mga mata nito sa mga nakahatag na papeles sa lamesa.

"Ofcourse, Sir! Right away, we can start the planning." masiglang tugon ng babae, "When is your fiancé coming po ba? I heard that she will the one na magdedecide sa magiging itsura ng interior ng resto."

Nagtaas ng tingin si Seb sa babae at tinanguan ito, "Ah yeah. Hmmmn she'll be here soon. Ipapakilala kita sa kanya once she arrive---- oh nandito ka na pala!"

Sheez, sayang gugulatin ko pa man din sana siya pero nakita niya na kaagad akong naglalakad nang dahan-dahan papalapit.

I smirked as I walk towards Seb who's now smiling brightly at me.

"Ang lakas talaga ng radar mo kahit kailan, ang pangit mong kabonding!" I joked, "Welcome to the Philippines, Chef Seb!"

He's really here. The great Sebastian Ruiz.

"Para ka namang laging bago." he smirked back before facing the lady who had her eyes widened as she recognize me, "Oh by the way Abi, she's---"

"Miss Angeline Quinto? OMG!" hindi pa man ako naipapakilala ay ito na ang naging manghang reaksyon ng babae na nagngangalan nga daw na Abi habang nakatingin sa akin.

I waved my hand, "Hello, Abi girl."

"OMG fan na fan niyo po ako!" masayang sabi nitong si Abi at halos gagapin pa nito ang bibig dahil sa labis na pagkasurpresa na makita ako.

Oh well, hindi ko naman balak na magtago kung kaya't ayos lang. But I never expected that I would encounter a fan today.

"Woah look what we have here, an instant fanmeet. 2 in 1 jackpot ka, Miss." natatawang singit ng boss ko.

I just gave him a boastful shrug dahil halata namang inaasar ako nito. Isa siya sa mga ayaw maniwala sa akin noon na sikat ako dito sa Pilipinas, oh ano siya ngayon?

"Pwede pong magpapicture?"

"Oo naman, sure bhe." the girl handed Seb her phone, "Pakiayos lang sana." pang-aasar ko.

"The last time I checked, I am still your boss." he sarcastically answered before taking our picture.

"Naka-leave ako."

Seb took our picture. Muli ko namang nginitian ang sales agent na nagsabing fan ko nga daw siya. She looked so happy seeing me at a very unexpected moment.

"Nakuuu thank you po, Miss Angeline. Sobrang ganda niyo po sa personal." puri sa akin ng babae.

"I know right." bumaling kay Seb, "Oh narinig mo yun, boss?"

He shrugged, "Whatever. For me, you always look the same. Ikaw ang head chef ng Farr From Home."

Pasimple ko siyang inirapan. Sabagay, totoo naman. Sa mga taong nakakakilala dito sa Pilipinas, ako si Angeline na isang sikat na singer ngunit sa mga taong nakasalamuha ko noong mga panahon na wala ako sa bansa, ako ay isang Angeline na nagtatrabaho bilang chef sa isang restaurant at ina ni Amber.

Selfish DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon