BAM!
Napatingin kay Aya ang mga katrabaho niya nang marinig nilang padabog niyang isinara ang pinto sa silid ng editor nila.
“Bakit? Reject na naman? Pang-lima mo na ‘yang sunud-sunod ah,” nasabi ni Ana, isa sa mga assistant ng sekretarya ng kumpanyang iyon.
Nanginginig ang laman niya sa galit at nagdidilim ang paningin. Parang anumang oras ay mangangagat siya ng tao. Simula nang dumating ang bagong editor ay naging kalbaryo na para sa kanya ang gumawa ng matinong kwento.
Okay lang sana kung ipinare-revise nito ang gawa niya kaso ay hindi. Reject talaga at kailangan niyang gumawa muli mula sa simula.
Makalipas ang dalawang linggo ay muli siyang humarap sa editor niya. Kung titingnan mo ang napakaamo at nakaaakit nitong mukha, walang mag-aakala na halimaw ang bangis ng pag-uugali nito. Minsan tuloy napapaisip siya kung bading ito at galit sa magagandang babaeng tulad niya. Pwera biro, maganda talaga siya, sabi ng lola niya.
“I’m impressed, interesting yung nagawa mong story ngayon,” nakangiting saad ng bagong editor nila na si Jim na siyang nagpanganga sa bibig niya. Akalain mo, marunong pala itong ngumiti.
“Nagustuhan mo?” Di talaga siya makapaniwala.
“Oo, as a matter of fact, pwedeng pang mainstream ang concept mo,” papuri nito na nakapagpangiti na rin sa kanya. Ang mapuri ng isang tulad nito ay napakalaking achievement na.
“Kung ganun-“
“Kaya lang,” pagpuputol nito sa salita ni Aya.
Sabi niya na nga ba, kalokohan kung hindi nito malalait ang gawa niya.
Agad na sumama ang timpla ng mukha niya. Nagtitimpi sa kung anumang panlalait na sasabihin nito. Wala pa man itong sinasabi, umuusok na agad ang tainga niya sa inis.
“Hindi ko pa rin maramdam yu’ng bidang babae,” seryoso nitong saad na nagpagunaw ng mundo ni Aya.
"Manhid ba siya? Bakit hindi niya maramdaman yu’ng bidang babae. Sobra-sobra na nga ang paglalarawan ko dahil ang sabi niya ay hindi ko gaanong mailarawan masyado ang nais ipahiwatig ng bidang babae sa mga nauna kong istorya."
Tumayo ito at nagpalakad-lakad.
“Matagal ka ng writer, kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo magawang makuha ang puso ng mambabasa.”
Sasagot sana si Aya kaya lang ay muli itong nagsalita.
“Oo, sabihin nating marami ka ng pumatok na poketbooks, pero pagkatapos nun, wala naman talagang impact, di ba? Maganda ang concept mo pero wala rito ang puso mo. Hindi ako magtataka kung bakit pinalitan ang editor niyo ng mas batang tulad ko. Dahil ‘yong mga kwento mo na walang kwenta, nakalulusot.”
Noong dumating ito sa publication, alam ni Aya na hindi sila magkakasundo pero hindi na niya yata mapagtitimpian pa ang mga basurang lumalabas sa bibig nito.
“Kinilig ka na ba?” Tanong ng chief na nakapagpabalik sa diwa ng manunulat. Kanina pa kasi ito pinapatay ni Aya sa isipan niya. “Ay, mali. Ang dapat ko palang itanong ay paano ka ba pakiligin?”
Medyo napaisip siya sa tanong ng boss niya. Parang ang hirap sagutin dahil sa totoo lang ay hindi na niya maalala kung kailan pa siya huling kinilig.
“Madali naman akong pakiligin, yu’ng simpleng appreciation lang sa akin, nangingiti na ako.”
“Nangingiti ka pero hindi ka kinikilig.”
“Ano bang gusto mong ipunto?” Tanong niya sabay dabog sa mesa at tumayo. Anumang oras ay ibabato niya na talaga ang manuscript niya sa mukha ng kaharap niya. Pero parang di man lang ito nagulat sa pagdabog na ginawa niya sa halip ay nataranta si Aya nang humakba ito palapit sa kanya at kinabig nito ang bewang niya papunta sa makisig nitong katawan.
Dahan-dahang hinaplos ni Jim ang mukha ni Aya. Iyong lugar na dinampian ng daliri nito ay para bang unti-unting umiinit at nag-iiwan ng marka. Tumatayo ang balahibo niya at tila nabuhay ang lahat ng natutulog niyang pandama. Nang daanan nang daliri nito ang ibabang labi niya ay napapikit siya ng bahagya at tila ba may hinahantay na mangyari.
“Ang lakas ng tibok ng puso mo. Kinakabahan ka ba o kinikilig ka?” Basag nito sa momento dahilan para itulak ko ito ni Aya palayo at tumayo ng maayos.
Hindi siya makatingin dito ng maayos dahil alam niyang kasing pula ng kamatis ang mga pisngi niya ngayon.
“Irevise mo ‘yong story mo,” maawtoridad na utos nito habang pumunta sa may pintuan at hinawakan ang seradura. “Iyong naramdaman mo kanina sa situwasyon natin, ilagay mo roon sa eksena mo sa kwento,” payo nito kasabay ng pagbukas ng pinto at sumenyas na lumayas na siya sa paningin nito.
Bakit ganu’n? Alam ni Aya sa sarili niya na may panghihinayang siyang nararamdaman pero bakit ang bigat ng pakiramdam niya? Tipong may hinanakit?
Dahan-dahan, habang naglalakad siya palabas ng kwarto, na-realized ni Aya na walang ibang na-reject ngayon kung di ang puso niya…
![](https://img.wattpad.com/cover/34691771-288-k44654.jpg)
BINABASA MO ANG
Fall In Love Again
RomanceSi Aya ay isang writer ng mga sikat na pocketbooks ngunit simula ng mapalitan ang editor nila ng isang mas bata at gwapito ngunit may mala-halimaw na pag-uugali ay di pa siya nakapasa sa standard nito at wala pang nai-release na gawa niya sa ilalim...