Chapter 4: Impyerno

20 0 0
                                    

"Ah!" Nausal ni Maya nang biglang may bumangga sa kanya mula sa likuran bago siya makaupo sa kanyang upuan.

Si Timmy. Tumatakbo ito ngunit nakuha pa nitong humarap sa kanya saglit at masayang kumaway.

Agad siyang inakbayan ng isa sa mga barkada nito at pabirong kinutusan.

"Ano ka ba? Huwag mo ngang masaktan-saktan si Maya, kulamin ka niyan, sige ka..." pananakot ng kaklase nila ngunit tanging nakalolokong tawa lang ang itinugon ng binata.

Kung may kakayahan nga lang talaga siya ng katulad sa mangkukulam, matagal na niya iyong ginawa sa mga kaklase niya.

"Ito na yung-" naputol ang sasabihin niya nang biglang takpan ni Duke ang tainga niya upang hindi marinig ang kanyang sasabihin habang iniaabot ang piraso ng papel pamalit sa hiniram niya kahapon.

Saglit niyang pinagmasdan si Duke at pinag-aaralan ang reaksiyong ginagawa. Bakit ngayon niya lang napansin na napakaganda ng mga mata nito. Para kang nahuhulog sa kung saan at may isang anghel ang sasalo sa'yo.

Snap!

Nagulat siya ng biglang pimitik si Duke.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit parang naengkanto ka?" Nag-aalalang tanong nito.

Ilang beses siyang napakurap at napaiwas ng tingin habang binasa niya pa ng laway ang kanyang labi.

"Kapag wala kang papel, manghingi ka na lang sa akin," Iyon na lang ang nasabi habang iwas-tingin pa ring inaayos ang kanyang gamit kahit pa nga wala namang dapat ayusin.

Bakit kaya biglang bumilis ang tibok ng puso niya? Tumingin lang naman siya sa mga mata ni Duke pero parang may naramdaman siyang kung ano. Para bang nahiwagaan siya at naengkanto...

"Bulaga!"

"Ay! Puso ko, nalaglag!" Usal ni Maya nang gulatin siya ni Timmy mula sa kawalan. Talagang napahawak pa siya sa puso niya. Ang nakapagtataka lang ay biglang nasaayos ang ritmo ng tibok ng puso niya. Bakit ganun? Di ba dapat ay mas bumilis ito dahil nagulat siya? Pagkakabig pa lang kasi ng mga kamay ni Timmy sa balikat niya ay parang kumalma na siya.

"Magugulatin ka pala?" Masayang tanong nito.

"Tatawa siguro ako kung di siya magulat sa ginawa mo, yugyugin mo ba naman, eh," komento ni Duke habang nakatingin pa rin sa isang kamay ni Timmy na hindi pa inaalis sa pagkakapatong ng balikat si Maya.

Agad namang nakuha ni Timmy ang ipinahihiwatig ni Duke kaya mabilis niyang inalis ang kamay at kinuha sa bag ang payong at inabot kay Maya.

"Nakalimutan kong isauli kanina, salamat at pasensiya sa abala," nakangiting saad nito.

Ipinanganak yata itong walang problema dahil kung hindi nakatawa, lagi namang nakangiti. Killer smile nga kung baga. Model ng toothpaste. At walang sinumang babae ang hindi mahuhulog sa kanyang napakatamis na ngiti. Pero sa kabila nun ay mayroon siyang malungkot na awitin. Bakit kaya?

Nasa gitna siya ng pagmumuni-muni at nakatitig lang sa payong ng biglang hawakan ni Timmy ang kamay niya at ipatong dito ang payong. Ang init ng kamay nito. Buhay na buhay. Para bang may naiiwang marka ang bawat hawakan nito. Kung kanina ay nakapagpapakalma ang hawak nito kay Maya, ngayon naman ay nakapagpapakaba. Hindi niya na tuloy maintindihan kung anong reaksiyon ang dapat ipakita niya ngayon.

Nang makabawi siya sa pagkakatulala ay agad niyang binawi ang kamay at itinago ang payong sa bag.

"Mukhang maganda diyan sa pwesto mo, Duke, kitang-kita ang blackboard. Palit tayo," pag-iiba naman ng usapan ni Timmy at humarap kay Duke.

Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon