Prologue ng itlog na tumalbog

2 0 0
                                    

Si Boy Forever.

(Lynx Pineda)

Maraming tao.

Tila ba may nasagasaan tapos nagkumpulan sila doon para makiusyoso.

May lalaki na abala sa pagsayaw kasama ang madaming tao. Flashmob yata ang tawag dito.

Tapos may babae sa harap nila. Halos mapaiyak na yung babae dahil sa ginagawa nila. Siguro naaawa na yung babae sa sobrang kahihiyang inaabot ng mga nagfaflashmob sa harapan niya. Mantakin mo nama kasi, sa harap ng SM pa talaga umeksena.

All out kawalan ng dangal at puri.

Di man lang kasi sila naghanap ng mas maayos na pagdadausan ng eksena nila tss -.-

Maya-maya ay natapos na ang sayaw nila.

Dahan-dahang lumapit si lalake dun sa babae. Nang malapit na siya ay nagpasya naman siyang lumuhod aa harapan ni babae.

Nagtilian lahat ng nasa paligid dahil sa sobrang kilig yata.

Naglabas ng kulay pulang velvet box si Lalaki sabay sabing, "Mia, I know na matagal na tayong magkasama. Madalas tayong nagkakaroon ng mga tampuhan dahil sa mga simpleng bagay pero di pa rin tayo sumusuko. Minsan nga umabot pa tayo sa puntong dapat maghihiwalay na tayo," At tuluyan nang napahagulgol si babae.

"pero, mahal kita kaya hindi kita sinukuan. Naalala ko pa nung una kitang nakilala. Varsity ka nun sa volleyball at alam ng lahat na may pagkaseryoso kang tao. Ang akala nila ay masungit ka at walang sinasanto, pero one time ay nakita kita sa isang overpass. May nakita kang kuting na kulay black." Ngingiti-ngiti si kuya na para bang kanina lang nangyari yung sinasabi niya.

"Nagulat ako dahil dinampot mo yung pusa. Kung ako siguro yun, baka nilagpasan ko lang dahil takot ako sa pusa, lalo na pag black dahil malas daw. Pero nang makita kita na ginagawa yun ay parang may naramdaman akong spark. Love at first sight."

"At hanggang ngayon, mas lumalalim lang ang simpleng love at first sight na una kong naramdaman mula sa'yo."

Binuksan na ni lalaki yung box at tumambad sa amin ang isang singsing na napakaganda talaga. Hugis heart ayung diamond na nasa gitna nun. Kaya mas lalong nagtilian ang mga tao.

"Mia, will you be my forever?" tanong ni kuya habang hawak na ang kamay ni babae na halos lumabas na ang uhog dahil sobrang iyak ng iyak.

"Yes, Ken. I will be your forever."

Sa sobrang tuwa nung lalaki ay nagsayaw-sayaw siya dun na parang tanga. Maya-maya ay binuhat niya si babae at si babae naman ay halatang kilig na kilig.

May nagpopropose pala sa harap ng SM? Nakams ha?

Pakapalan na talaga ng mukha.

Ganito na yata ang nagagawa ng pag-ibig sa tao. Pinagmumukha tayong tanga pero nakakakilig.

Sa una masasaktan ka, pero dadating at dadating ang oras kung saan liligaya ka.

Okay na sana ang kilig vibes na natamo ko kina kuya at ate nang biglang...

" Cut! Good job artists!"

Ay itlog na tumalbog! Saan nanggaling yun?

Pagtingin ko sa taas?

May director yata na pababa gamit ang crane na siyang sinasakyan niya.

Okay na e.

Halos iiyak na sana ako dahil sa tuwang nararamdaman ko dahil first time kong makakita ng nagpopropose tapos ano?

ACTING LANG PALA?!

"Pucha! Wala talagang forever tss."

Natawa ako sa lalaking kanina ko pa pala katabi. Yun din sana ang sasabihin ko kaso naunahan niya ako.

Nang mas tinignan ko siya ng maigi, napansin kong may itsura si kuyys.

"Kaya ikaw, Miss, wag kang nagpapaniwala agad sa mga pangako na lagi na lang napapako."

Mas lalo akong natawa sa kanya dahil naglilitanya siya na para bang close kami.

"Kaya kapag sinabi ng ibang mga lalaki na mahal ka nila, wag kang maniwala," sasagot na sana ako kaso bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Pero pag sinabi ko sayong mahal kita, I mean it. Mahal talaga kita, Lynx."

Halos di maiproseso ng utak ko ang mga nangyayari.

Ako? Mahal niya? E hindi ko nga siya kilala e.

Dahil abala ako sa pag-iisip ay di ko namalayang nasa harap ko na pala siya.

"Mahal kita, Lynx." hanggang sa papalapit nang papalapit ang mukha niya sa akin.

At hinalikan niya ako sa lips. Hinalikan niya ako na parang walang tao sa paligid namin. Hinalikan niya ako na para bang pinapamukha niya sa aking may forever.

This must be love.

Halos magwala ang kaloob-looban ko! Walangyang to!

dito nagsimula ang lahat.

---

Lol grabe! Kung saan-saan ako naghugot ng mga emote para mabuo tong makabuluhang prologue. Sana po magustuhan niyo.

follow me po:
@yanyandianne sa twitter :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

So Good It HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon