Kabanata 1

6 0 0
                                    

Kay saya gumising sa umaga. Isang patunay kasi ito na may bagong pag asa na naman tayo para mag patuloy sa buhay. Kaya huwag ka panghihinaan ng loob sa tuwing sumasapit na naman ang dilim, dahil kinabukasan ay may sasalubong pa rin sayong isang maaliwalas na umaga. Kumbaga sa buhay, magpatuloy ka. Sa buhay kasi ay hindi puro liwanag, makasasaksi ka rin ng kadiliman. Kadiliman na nag re represent sa mga kahinaan, mga pinagdadaanan at mga problema na hinaharap mo. 



" Isang magandang umaga para sa aking pinaka magandang amo. "  masiglang bungad ko kay nanay Rosita at nagmano. Hindi na rin kasi siya iba sa akin, lagi niya ako pinag uuwi ng ulam para may maiulam kami ni lola.



Kinikilig naman siyang humarap sa akin sabay gulo sa buhok kong kulot. " Ang aga aga kulot para sa pambobola mo. Magandang umaga rin para sa aking pinaka mabait , pinaka masipag, pinaka masunurin  at pinaka mabait ulit na nagsisilbi sa karenderya ko ng ilang taon." natatawang sambit niya.



" Ano ba yan nay! kailan mo ba ako sasabihan ng maganda? malugi sana kayo." biro ko. Sinamaan niya naman agad ako ng tingin at binatukan. Ang dami ko daw kalokohan sa katawan.


Tuwing Sabado ay nag ta- trabaho ako dito sa kainan nila nanay. Marami silang itinitinda, tapsilogan, mga ulam. Mayroon din gotohan , pares lomi at lugaw. Bale anim kaming nag ta- trabaho dito. Sikat din kasi itong kainan sa lugar naman. Habang nagsusuot ng apron ay napatigil ako sa tanong ni nanay Rosita.


" Kulot, anong araw ngayon?" tanong niya. Napaisip naman ako. Mga matatanda talaga, mabilis na makalimot.



" Sabado nay, bakit po? " sagot ko.



" Hindi mo ba alam kung anong meron ngayon? Kaa-"
Hindi na naituloy ni nanay Rosita ang sasabihin niya dahil may tumawag na sa akin para umorder. Dali dali akong naglakad doon. Nasalubong ko pa si Rizza  at may binulong sa akin na ikinatuwa ng puso ko.

" May apat na yummy gorl! " ani niya sabay hampas sa braso ko.



Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy na sa pag lalakad. Medyo nakaka excite naman hehe. Busog na naman mga mata ko nito.


Paglapit ko sa kanilang lamesa ay mga namukhaan ko sila. Isang magandang dilag at apat na makikisig. Medyo nahiya pa ako lumapit dahil baka amoy pawis ako, naglakad lang kasi ako papunta rito. Sila yung dalawang nagliligawan kahapon. At ngayon, nakita ko na ng buo yung mukha ng lalaki. Ang guwapo nga, kung ako liligawan nito ay sasagutin ko siya agad. Agaw pansin ang nunal niya sa bandang gilid ng kaniyang mata na lalong nagpapaganda dito. May malalim na dimple sa kaliwang pisngi. Akala ko sa wattpad lang may mapupulang labi , pero sa totong buhay din pala. Hindi ganoon kalaki ang kaniyang katawan, halatang bago pa lang nag g-gym. Ang mukha niya ay purong pilipino. Moreno pero sobrang guwapo. Sa tingin ko ay nasa 6'ft ang height niya. Basketball player ata.


Guwapo rin naman yung iba niyang kasama pero halatang may mga lahi, mapuputi kasi. Nahiya nga ang blouse kong kulay dirty white. Halos lahat sila ay matatangkad, kasama na rin si ateng mukhang anghel.


Bago pa tumulo ang laway ko ay tinanong ko na sila.  " Magandang umaga mga ma'am and sir! ano po ang order niyo? " magalang na tanong ko sabay ngiti.


Ngumiti din naman agad ang babae sa akin at sinabi ang order niya. Hala! ang bait niya.


" Ah ate, dalawang tapsilog sa amin ni Adam." ani niya sabay tingin doon sa lalaki na nakatingin sa akin? ewan, baka assuming lang ako.



" Promise Adam, ang sarap ng tapa nila! " masiglang sambit niya sa lalaking may dimple. Napatingin naman ulit ako doon sa lalaki na ngayon ay naka focus na kay ate mo gorl. Sana all maganda.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Life, full of Lies.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon