Ferula
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang sinabi. Saglit iyong nagpaulit-ulit sa aking pandinig. Nanatili siyang nakatingin sa akin habang unti-unting nilalamong ng panlulumo ang aking sistema.
“W-What?” I stuttered.
Sa kanyang kanang bahagi ay iminuwestra niya ang kanyang kamay. Nagitla ako ng lumabas doon ang isang malaking puno. Walang dahon ni isa ang puno. Putol ang pinakatutok na bahagi niyon at doon nakatayo ang bahay na yari sa kahoy.
The outside of the hut is made up of spruce wood planks and oak wood. The hut is decorated with oak fence as bars on the window and railing on the front deck. Mayroong kahoy na hagdan para marating ang pintuan ng bahay. Ang mga berdeng baging ay nakalaylay at nakapaikot sa hawakan ng hagdan.
She has an invisible house!
Nang magsimula siyang maglakad paakyat ay hindi na ako nag-aksaya ng panahon na sumunod sa kanya. Hindi ako pwedeng umalis rito ng walang napapala. Kailangan kong malaman ang iba pang paraan para maputol ang sumpa. Sa kabila ng impormasyon na wala na ang aking tunay na pakay, ramdam ko pa rin na mayroon siyang alam.
Ngunit napatigil ako paghakbang sa kalagitnaan ng lumangitngit iyon. Can this old stairs really take me to the hut’s doorstep? It feels like ready to collapsed if I would take another step.
“Matibay itong bahay ko. Huwag ka’ng mag-alala.”
Iniangat ko ang tingin ko sa kanya at nakitang nasa tapat na siya ng nakabukas na pintuan. Wala akong nagawa kundi magpatuloy sa paglalakad kahit pakiramdam ko ay babagsak iyon sa aking muling paghakbang.
Napausal na lamang ako ng pasasalamat nang makarating sa mismong pintuan ng kanyang bahay. Pinagmasdan ko siyang inilapag sa kahoy na mesa ang dala niyang basket. There are several books stacked on her bookself. Some of it were on the tables. There are bottle of different sizes in the shelf. A potion’s bottle.
Sa pagpasok sa kanyang tirahan ay makikita na lahat doon. Mula sa kanyang hapag-kainan hanggang sa kanyang maliit na higaan malapit sa may bintana. Ang kanyang ibon ay agad lumipad mula sa kanyang balikat saka dumapo sa may bintana.
Tinigan niya ako saka iminuwestra ang upuan sa tabi ng mesa. “Maupo ka,” aniya saka ako tinalikuran.
Habang nakaupo ay pinagmasdan ko siyang may hinanap sa mga libro sa kanyang lalagyan. Nang mahanap ang pakay ay muli siyang lumapit sa akin. Dala ang luma at may mapusyaw na may kulay gintong pabalat na libro, naupo siya sa katapat kong upuan. Ipinatong niya ang libro sa mesang nasa pagitan namin.
“Isang araw bago siya mawala ay ibinigay niya sa akin ang libro na ito.” Binuklat niya ang unang pahina niyon. “Isinulat niya rito ang paraan upang maputol ang sumpa niya sa pamilyang tinutukoy mo.” Inilapit niya iyon sa akin.
My heart skipped. Cytheria gave her this book? Ngunit sino siya? Ano ang koneksyon nila sa isat-isa para ipagkatiwala ni Cytheria ang kanyang libro rito?
“Kapatid ko si Cytheria,” sambit niya na tila nabasa ang mga katanungan sa aking isipan.
“Kung hindi n’yo mamasamain... ano ang dahilan ng kanyang pagkamatay?”
Mapait na ngiti ang ibinigay niya sa akin bago sumagot, “Binilog lamang ang kanyang ulo ng mga namumuno noon sa Neville. Pinuno siya mga kasinungalingan kaya niya nagawa ang sumpa. Lingid sa kanyang kaalaman, ginamit lamang siya para mapatalsik sa posisyon si Almiro bilang pinakapinuno ng Higher Rank.”
Sandali kong inalala kung saan ko narinig ang pangalan na kanyang binanggit. Nang mapagtanto ay saka ko lamang naalala ang libro ng ina ni Azarious. Almiro... his father.
BINABASA MO ANG
Masked Glamour
FantasyTHE WATTYS 2022 SHORTLIST Tatlong buwan matapos pumanaw ang ina ni Ferula, ay nagpasya siyang lisanin ang kaniyang kinalakihang lugar upang manirahan sa kalapit na bayan, ang Rosewood. Ang lugar kung saan naninirahan ang tao at iba pang uri ng mga n...