HOW IT STARTED

2 0 0
                                    

- - HOW IT STARTED - -

Kakahiwalay lang namin ni Ken kahapon pero parang walang nangyaring heartbreak sa part ko kasi heto pa rin ako’t punong-puno pa rin ng kalandian ang katawan.

“Jeje.” Komento ko matapos kong i-stalk ang profile ng isang lalaking nagchat.

Well, oo nga at medyo masakit naman yung hiwalayang nangyari sa amin ni Ken kahapon pero naka-move on na ako kasi narealize ko na wala naman talagang “love” sa relationship namin, we just thought it was. The truth is, we were never in love in the beginning. Infatuation lang yun dahil sa sudden closeness na nangyari sa pagitan naming dalawa. And I know we both have the same realizations.

Matapos kong i-stalk ang mga nagchat at nakitang jejemon lahat ay nag-scroll nalang ako sa newsfeed para maghanap ng shitpost o di kaya nama’y memes na ishe-share. Ganito lang naman talaga ang buhay ng mga single eh.

Busy lang ako kaka-share ng mga nakakatawang memes nang biglang may magpop up na message sa messenger app ko. And since hayok na hayok na ako magkaroon ng chatmate (na matino at hindi jeje), binuksan ko kaagad para sa agarang pag-stalk.

Charles Navares: Hi

I ignore the message and view his profile instead. Nice name but profile check first hehe.

When I clicked his current profile, napangisi agad ako.

“Future seaman hmmm…” nakangisi kong bulong sa sarili.

I swiped right to see more of his profile pictures. At mas lalo lang akong napangisi nang makitang hindi siya jejemon. Base palang sa hitsura ay parang may pangarap na sa buhay ang lolo niyo. Medyo famous din kasi maraming likes, reactions, and comments eh lol.

At dahil pasado sa standards ko, tinapos ko na ang pagsta-stalk at agad siyang nireplyan.

Me: Hello

Napakagat ako ng labi sa excitement nang makitang agad niya itong ni-seen at aba typing agad ang loko.

Charles Navares: Kumusta?

Napairap ako dahil sa kabulokan niya.

“Ano ba yan! Common na yan ihhh!” reklamo ko at nakangusong nagreply.

Me: Okay lang, ikaw?

Hays, baka boring to. Sayang naman looks niya kung ganun. Pero push ko lang to, baka magbago pa ihip ng hangin at marealize niya ang kabulokan ng chat niya.

Charles Navares: Okay lang din. Kumain ka na?

“Naman eh!” sigaw ko sa inis pero nagreply pa din lol.

Sige lang Jam, think positive. Baka pabebe lang to o talagang nakikiuso sa social media kaya kunting tiis lang muna.

Me: Oo, ikaw?

Nagsisimula na akong mabore sa totoo lang.

Charles Navares: Tapos na din. Ano gawa mo ngayon?

Napabuntong-hininga nalang ako sa chat niya.

“Sayang ka. Wala kang sense of humor. Tas ang pangit din ng mga chat mo. Nakakaturn-off.” Mahina kong sambit.

Me: Wala, sige out na ako.

Goodbye, Charles Navares. Type sana kita kaso ang boring mo. Hanggang dito nalang ang convo natin.

Buburahin ko na sana yung convo namin nang bigla siyang nagchat ulit.

Charles Navares: Wait, may itatanong lang ako.

Napakunot ang noo ko sa inis pero kusang gumalaw ang kamay ko para replyan siya.

Me: ?

Medyo curious din naman kasi ako sa tanong niya. Malay niyo baka tanungin niya kung taga saan ako at bibisita siya hehe.

Charles Navares: Single ka?

Na-disappoint naman ako sa tanong niya. Akala ko pa naman yung itatanong is something na nakaka-excite at nakaka-curious. Yun pala pure landi lang din.

Me: Yah

Agad niya itong ni-seen pero hindi ko na pinansin dahil gusto ko na talagang mag-offline para takasan siya. Ngunit bago pa ako makapag-off ng mobile data ay nagpop up na ang message niya.

Charles Navares: Great. Can I court you?

“What the!” gulat kong bulalas pagkabasa ng chat niya.

Wow! Fast transaction, eh?

- - -

I wrote this out of boredom. Just read. If you don’t like it, simply quit.

Once Upon A ChatWhere stories live. Discover now