2

0 0 0
                                    

9 am pa ang start ng enrollment until 3 pm pero 8:45 palang ay nandito na ako sa school at nakaupo sa isa sa mga bench. As expected, wala pang masyadong tao kaya tahimik pa ang campus. Tanging mga guro pa lamang ang nakikita kong naglalakad patungong office o di kaya nama’y mga school staffs na naghahanda ng mga mesa.

Dahil nakakainip mag-isa, naisipan kong kuhanin ang phone ko at mag-online. Ano pa nga bang gagawin ng mga single? Edi shared posts!

As usual, bumungad sa akin ang sabog kong fb notifications dahil sa sangkatutak kong shared posts. Nireplyan ko yung mga nagcomment at sa mga hindi ko kakilala ay binigyan ko lang ng haha reaction. Nang matapos ay dumeretso ako sa messenger app upang tignan ang mga chats.

Nangunguna sa chat conversations ang pangalan ng nag-iisa kong pinakamatalik na kaibigan sa buong campus kaya agad akong napangiti.

Ella Kaye Sandoval: Good morning, Jam. Sabi ng kapitbahay ko ngayon daw enrollment natin. Totoo?

Kung hindi ako nagbabasa ng updates, itong lokang ito naman talagang walang pakialam sa buhay paaralan kaya malamang sa malamang ay nakahiga pa to ngayon sa kama niya.

Me: Yups. Lika naaa. Bored ako dito huhu.

Ella Kaye Sandoval: HAHA kakagising ko lang. Ligo muna ako. Bye! Mwuah!

Me: Ays! Nubayan! Bilisan mo!

Ni-seen niya lang ako kaya lumipat ako sa pangalawang nagchat na si Jane, kaklase ko from Grade 7 hanggang 10 and feel ko din magkaklase pa din kami ngayong Grade 11 dahil pareho lang din yung strand na kukunin naming dalawa.

Kristina Jane Geronimo: Jam, good morning. Nasa school ka na?

Itong isang to naman, super focus sa pagiging studyante to the point na wala na siyang crush. Ay meron pala, kaso lahat halos Koreano o di kaya nama’y fictional characters. Pero isa to sa pinagkakatiwalaan ko when it comes to studies.

Me: Yups. Good morning.

Kristina Jane Geronimo: Wow! Aga naman.

Me: Gusto ko matapos ng maaga. Maya ka pa?

Kristina Jane Geronimo: On my way. Sabay tayo please. Hintayin mo ako.

Me: No prob.

Kristina Jane Geronimo: Okies. Nag-aabang nalang ako ng tricycle.

Hindi ko na ni-seen ang message niya at lumipat nalang sa pangatlo, which is ang group chat namin. Nang makita kong hindi naman importante yung mga chats at purong kalokohan lang, lumipat na ako sa pang-apat, which is yung taong akala ko hindi na mangungulit pa sa pagcha-chat dahil ni-seen ko kagabi.

The one and only Charles Navares!

Napairap ako nang makitang ang dami na naman niyang hinabilin na chat pero himala at offline siya ngayon kaya binuksan ko na din kaagad ang convo namin.

Charles Navares: Seen again?

: Iniwan mo na naman ako.

: Sige na, out na din ako.

: Nakakalungkot. You didn’t even said goodnight or at least type a proper goodbye.

: Hays, goodnight Jam.

Napaka-drama ng chats niya kagabi kaso walang silbi kasi offline na ako. Binasa ko naman yung recent chats niya which is 30 minutes ago.

“Aga nagising ah.” Mahina kong komento.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Once Upon A ChatWhere stories live. Discover now