1

0 0 0
                                    

Me: You serious? Haha

Baliw ata tong lalaking ito eh. Ang lakas lang din ng trip. Talo pa shitposts at memes sa fb.

Charles Navares: Yes, I am. Ano na? Pwede ba kitang ligawan?

Bigla akong nakaramdam ng matinding inis sa chat niya. Para siyang boss kung makaasta ha. Nakakaturn-off.

Me: No way.

Charles Navares: Why?

Me: We’re total strangers. Baliw ka ba?

Charles Navares: To me, you’re not. I know you, Jam.

Agad akong kinilabutan sa chat niya at hindi agad nakapag-reply.

He knows me? How? Hindi naman ako famous sa school at mas lalong hindi ako maganda para maging Miss Popular lol.

Me: You’re lying. Fyi, bahay at school lang ang palagi kong pinupuntahan so you can’t expect me to believe you.

Charles Navares: That’s exactly the reason why you caught my interest, Jam.

Me: Stop lying. You’re creepy.

Charles Navares: But I really know you. Alam ko din kung saan ka nakatira. And I even know your parents, your brother, and even your Tito. You want me to include your Grandma?

“What the fuck!” sigaw ko at nabitawan ang phone sa sobrang kaba.

Hindi naman siguro ito dangerous stalker ano? Yung tipong kapag hindi mo sinagot eh papatayin ang family mo o di kaya iba-blackmail ka?

OMG sana naman hindi! Should I report him?

Hindi ko na siya nireplyan pa at tuluyan ko nang ni-off ang mobile data ko. Humiga ako sa kama at nakatulalang nakatingin sa kisame.

“I should ask him first before filing a report.” Bulong ko at saka pumikit.

I hope I made the right decision.

~ ~ ~

“Jaaam! Kain naaa!”

Nagising ako dahil sa malakas na katok at mas malakas na boses ni Kuya.

Hindi ko siya sinagot at pumikit ulit. Busog pa ako.

“Jaaaaaaam! Kain naaaa!” mas malakas niyang sigaw at binuksan na ng tuluyan ang pintuan ng kwarto ko.

“Ano ba oo na papunta na eh!” inis kong sagot sabay upo sa kama.

“Sasagot-sagot ka pa eh hindi ka naman talaga tumugon kanina.” Inis niya ding sambit sabay labas ng kwarto.

Nakabusangot akong umalis sa kama at inayos ang mahaba at magulo kong buhok bago ako pumunta sa hapag. Nakaupo na si mama at papa pati na rin si kuya na masama ang tingin sa akin. Inirapan ko nalang siya bago ako umupo.

Naggagalit-galitan porke’t nakatulog ako ng mahimbing at gabi nang gumising.

“Ikaw ang maghuhugas ng plato ngayon. Kababae mong tao ang tamad-tamad mo. Nagawa mo pa talagang matulog sa hapon.” Panenermon niya pa.

“Naunahan lang kita, galit ka na agad?” taas-kilay kong tanong.

“Shh! Kumain na nga lang tayo. Magsitahimik na kayong dalawa.” Saway naman ni mama habang si papa ay tahimik lang na kumukuha ng kanin at ulam.

Once Upon A ChatWhere stories live. Discover now