"Magandang umaga binibining Feliciti" sabi ni Elvita na aming kasambahay. Ngunit wala pa 'ko sa wisyo upang bumangon.
"Elvita pakigising mo na 'yang alaga mo't kami'y mag sisimba pa." dinig kong sabi ni tiya Celeste. "At pakisabi rin na siya ay aantayin ni ginoong Cristobal sa harap ng Universidad de Santo Tomas" pahabol pa niya na nakapag pabangon sa'kin ng 'di oras.
"hahahaha" narinig kong tawanan nila tiya Celeste at Elvita. "pag-ibig nga naman" ani pa ni tiya Celeste. Marahil nalaman ng aking tiya na ako'y mag pagtingin kay ginoong Cristobal ng minsan ay nakita namin siya sa harap ng Plaza de Santo Tomas noong araw na bibistahin namin si Ginoong Gaspar at parang may kung ano sa aking puso na parang natunaw nung mga oras na mag tama ang aming mata. Muli ay pumasok sa aking isipan ang mga nangyari nuong isang araw.
"Elvita, saan daw ba tayo pupunta?" tanong ko kay Elvita dahil hindi manlang sinabi samin ni tiya Celeste kung saan kami mag tutungo.
Biglang pumasok si tiya Celeste "Tayo ay pupunta kay Ginoong Gaspar para kuhanin ang mga librong pinakukuha ng iyong ama." napa tango nalang ako sa kanyang sinabi.
Habang kami ay nag lalakad lakad sa Plaza de Santo Tomas ay para bang huminto ang oras nung matitigan ko ang isang Ginoo na may dalang salakot at libro. "Hija, ano bang tinutunganga mo r'yan?" at dahil don ay natauhan ako, nakatitig na pala ako sa gwapong ginoo na nakita ko.
"Cristobal, Ginoong Cristobal. 'Yon ang ngalan ng binatang tinititigan mo kanina, hija." Bigla akong napatingin kay Tiya Celeste dahil sa kanyang sinabi.
"Cristobal. Kay gandang pangalan." At muli akong tumingin kay Cristobal at bahagya akong nagulat dahil siya'y nakatingin din pala sa'kin kung kaya't napatakip ako ng abaniko sa aking mukha sa sobrang hiya.
Naka busangot akong tumingin sa kanilang dalawa na hanggang ngayon ay panay parin ang tawa.
Matapos kong mag bihis suot ang kulay puting baro't saya ay bumaba na ako upang makapag agahan. "Tiya Celeste bakit po ang daming bagahe ang inyo inilabas? aalis po ba kayo?" tanong ko sa aking tiya marahil ang dami ng bagahe na nakita ko kanina bago ako bumaba ng hagdanan.
"Ano ka ba hija? nakalimutan mo bang ngayon ka babalik ng Santa Isabel?"
"Ha?? ngayon ba 'yon? nakaligtaan ko ata. nakakatamad pa namang kumilos, jusmeyo"
"Aba't ganyan ba ang tamang papakipag usap sa matatanda? jusmeyo kang bata ka" teka nga! sa isip ko lang 'yon sinabi ha! nalakasan ko ata.
"hahaha tiya Celeste pasensya na" sabay yakap sa kanyang likuran.
"Pasaway ka talagang bata ka" sabi niya habang naka ngiti. "kumain na tayo upang tayo ay makapag simba na" pahabol pa niya.
Pag tapos namin kumain ay sumakay na kami ng kalesa at anlamig talaga ng hangin kapag alas singko ng umaga, kay sarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin. Kami ay patungo na sa simbahan dahil ngayon ay linggo. Matapos ang misa ay lumabas na kami ng simbahan upang makauwi na at makapag handa ng aking lakad pa tungo ng Santa Isabel dahil gusto na raw akong makita nina ama't ina at sa isang linggo ay piyesta ng Santa Isabel na nakaligtaan ko pa kaninang umaga.
YOU ARE READING
Nos Encontramos de Nuevo
Historical Fiction"la gente se va pero los recuerdos no" (people will leave but memories don't) We meet again. - Blake Icerald Te amo, mi amor. - Feliciti Their memories starts to flow again when their eyes met for the second time. Amethyst Jane Basconcillos and Bl...